10 -- Si Eujin According to Camille

14 1 0
                                    

“Kilala ko si Eujin. Pero di ko alam na si Eujin pala yung tinutukoy mo. Malay ko bang class president pala sya. Ang di ko kilala ay si VP or Si Andy.  Wag mo nga ko pagalitan!” I replied.

“Unbelievable! O.O Pero siguro, possible nga yun. Di ka naman masyado nag-i-stay sa klase eh. Lagi ka nga wala sa mga meetings eh. .. Pero Si Jin?? Di mo alam na sya ang class president?? That one is beyond unbelievable! Kahit nga di naten ka-blockmate alam ang background nya. Tapos kapit-bahay mo pa sya!”  

“Eh sa di ko nga alam… “

“Kala ko nga kayo na eh..”

“WHAT?? O.O” – Yung sabaw na hihigupin ko sana sa kutsara, natapon sa gulat ko. Kahit halos pabulong yung pagkasi nya eh narinig ko yun ng malinaw pa sa alas kwatro!

“San mo naman napulot yan?!” I added

“Kase kanina, nasayo yung bag nya? Nagulat nga kami sayo eh.” – Mahina pa rin yung tono ng boses nya.

“ACK. Pede ba. Paki erase nga yan sa utak nyo. Tinulungan nya lang ako kahapon sa assignments ok? Pinapalayas ko nga ehh.. Ayaw nya pa. “

 – Depensa ko. Tch. Ais.. Sabe ko na eh. Wrong move yung ginawa ko kahapon na pagtanggap ko sa tulong nya! AZAR!  o( ><)o

“Ganun ba… YESS!!!! \(^_^)/”  -- Reaksyon nya sa sinabi ko..

“(?_ ?)?”   -- Reaksyon ko sa giawa nya. Grabe lang.

Parang kanina lang ang hina ng boses nya ah. May problema ba sya sa pag-modulate ng boses nya??

“Alam mo kaseee.. ganyan talaga yan si Jin! Nakapaka-matulungin at friendly!! Yung tipong kahit itaboy mo, ipagsisiksikan nya paren yung sarili nya pag alam nyang di okey yung mga nasa paligid nya!!! Ganyan yaann! Kaya nga yan sikat sa school eh!”

“Sikat??” Si Eujin ba yung sinasabi nya?

“Oo!! Sikat yoown !!! Pagmagkakasama nga kami.. Andaming girls na nag-ha'Hi'-'HELLO' sa kanya eh. One of school heartthrob yun! Di halata noh?? Di kase sya snob kagaya ng ibang mga heartthrobs dito or kung saan man! Halos lahat kaibigan yan! Bestfriend ng Campus yan eh!! Kaya nga maraming girls ang nagkakagusto sa kanya kase napaka-approachable nya!  Andami kayang nagshift ng course dahil sa kanya! Kaya nga may section C na ngayon dahil dun tinambak lahat ng shifters from other course at halos lahat sila mga girls na may crush sa kanya.. Yung iba mga bading! Idagdag mo pa na matalino sya.. equals PERFECT!”

 ---Diredirecho na positipong pagkwento nya tungkol kay Eujin. Mukang Iba na meaning neto ah..

“So, are you trying to tell me na may gusto ka kay.. HMMP!!!”  

Di ko na natapos yung sinasabi ko.. tinakpan nya yung bibig ko… Ais.. So tama siguro ang deductions ko.. MAY SOMETHING SYA KAY EUJIN!

“PSHHHHH.. Wag ka maingay!! Baka may makarinig sayo.. Nasa Public place tayo noh!!!

“Eys!! Makatakip naman ng bibig ko?? Tsk.”

“Secret lang naten yun pleeeeeaase”

 --- Yung kamay nya parang nagmamakaawa… Tas nag-pa-puppy eyes pa sya. Tsk Tsk.. HELLO !!!! Di po yan iipekto saken!!!!

“Wala naman akong pakealam dyan.. At kanino ko naman yun ichichimis?? Di ako yayaman sa mga pagkakalat 'non!!”  Pagsagot ko pa. Eh sa wala naman talaga akong pakealam sa ganyan eh.

“YEss!!!!! Sabe na nga ba eh.. Safe ang sikreto ko sayo!!” --- Sagot pa nya. Siguro kung magkatabi kami nito.. Nayakap na ako ng mahigpit nito! EEWW… EWWW..

“Ang di ako makapaniwala ay yung part na sinasabi mo na ‘sikat si Eujin’. Ba't di nalang sya mag-artista! Sikat naman pala sy’a eh” – Reply ko sa kanya. Sikat sya?? Weh?? Di halata ah.

“Ganyan kasi sya ka-down to earth. Atsaka.. di sya yung tipong pinagkakaguluhan noh. Marami kasing humahanga sa kanya.. BAsta! Hirap iexplain! Mapapansin mo yun pag nakasama mo na sya maglakad-lakad jan somewhere. Maraming papampam na lumilipadlipad ang magkukunwaring nangangailangan ng tulong! You know.. mapalapit lang.. Yung iba, Feeling close.. Ganun!” --- Pagdepensa pa nya.

Pampam?? Nu yun?

“Ganun.. So dahil lang dun, heartthrob na agad?” --- Kulang nalang talaga sabihin ko na “GWAPO BA YUN? SAN BANDA?? >:))

“Ahh.. Kase nagkaron ng survey! Pwede na ba yun? Every year daw.. nagkakaron ng survey. Twing acquaintance party. Part yun ng program. At sa year naten.. I mean level naten bilang freshmen.. Isa sya sa mga nag-TOP!! Wla naman kase’ng ranking na inanounce.. HAHA :DD Okey na ba yung explaination ko?? HMMM??????? Kaya pala di mo alam.. Wala ka nga pala nung acquaintance party!!”

“Tsss… ~_~”  --- 'Yan na lang ang nasagot ko sa mga kalokohan na yon. Malay ko sa akwe-akwek-kwek na yan. Wala naman ako paki.

Mantra ko na ata 'yan sa LIFE..

“Wala ako pake”

*TOOOOT  TOOOT*

May nag-TEXT!!! Sa cp ni Milly?? Di paren ako sure na name nya >_<!!!

“Ahmm… Chichi.. Alis na ko ah. May nagtext kase saken.. Gora lang ako hah!!” Sabi nya after mabasa yung text at bigla nalang tumayo pagkatapos nyang magsalita ng mga alien language @____@ Nakakaloko kausap 'toh!

“Teka aalis ka na? Wait.. Ano daw?? Anong Chichi? Gora? At yung kanina?? Yung Pampam??” Pagtatanong ko.. Nakakain ba yun??? Weird naman. Ako lang dapat ang weird dito!!

“Enebeyen.. Ang ignoy mo naman. ‘Pampam’ means epal. Mapapel. Papansin. ‘Gora’ means aalis, pupunta na sa ibang lugar! At yung “Chichi’ short for Satchel!!!! ^_____^ Ang cute diboooh??? BABOOOOOO!!!”

At ayun na nga. Tuluyan na nga syang ‘gumora’?? Waaah… Pano nagging ‘GORA’ ang term pag-aalis?? San bang diksyonaryo makikita ang meaning nun?? May alam naman ako kahit papaano sa mga informal words pero yung mga words na sinabi nya kanina bago lang talaga sa pandinig ko!!!

CHICHI?????????? O_______O??????

Pa’no naman sya nag-come up sa ganung nickname ko????

Teach Me How to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon