4.3

16 1 0
                                    

Then I assume that the next pouch is the pencil case. Well.. tama naman yung hula ko. At katulad kanina. Kahit nakahalo na dito yung pencil sa mga ballpens.. di mo masasabing magulo yung lalagyang yon. Nakakatuwa naman.. may ganito palang lalaki.. Or should I say.. ganito ba talaga ang mga lalaki?

I really don't have an idea.. si Dad naman kase may mga taga-ayos ng gamit nya eh.

Nung nakakuha na ako ng ballpen at binuksan na yung notebook nya nagulat naman ako kase ang ganda ng sulat nya. Well di naman talaga maganda eh. Maayos lang. Mukhang malinis. ANO BA TONG LALAKING TOH?? Ang OC Masyado!!

Tas ayon.. nakita ko na yung assignment namin.. Tas binuksan ko na yung book. At nagsimula nang magsulat.

Di rin naman nagtagal eh natapos na rin si Ginoong Eujin sa paghuhugas nya. Hehe:)) May sumasapi na naman ata saking kung anong ispirito!!! Basta !! Ayon tapos na nya ung business nya sa kitchen.

Nagulat pa ng ako eh.. andami kasing alikabok na bumagsak saken.. yun pala nag-tatangal na sya ng mga spider web sa kisame! Bastusin lang na bata yun!! Di man lang nagwarning! Nakalimutan raw nya eh.

Kaya ayun.. di ko na muna tinuloy yung pag-gawa ko ng assignment at umalis muna dun sa pwesto ko.. mejo matagal nga eh kaya nag-punas nalang muna ako ng mga furnitures dun sa part na may malinis na kisame.. Grabe na palang dumi ng bahay.. Dun ko lang narealize.. Si Eujin naman may cover pa talagang handkerchief yung half face nya. Pero di paren tumitigil yung kaka-sneeze nya.

After nun.. nagwalis naman sya. Di naman kase ganun kalaki itong bahay ko eh.Kaya kahit maraming kalat eh nalilinisan kaagad. At infairness.. Mabilis kumilos si Eujin! Mukhang sanay na sanay!

Sabi ko nga sa kanya gumamit nalang ng vacumm cleaner tapos para naman mabango sa pang-amoy nya.. mag-spray nalang sya ng air freshener. Ayaw eh. Mas maganda raw manual. Para pang matagalan. Di ko agad na-gets yung 'pang-matagalan' na yun? Yun pala eh dahil alam nyang di ako pala-linis na tao kaya 'pang-matagalan' ! Sinapok ko nga!

After mawalisan ni Eujin, nag-mop naman sya! Ang galing talaga ng all-around BOY na napulot ko ahh!!!

Habang nag-mo-mop sya. Tumawag naman ako ng delivery para sa pagkain naman! Malamang tanghalian na!! 1:30 na nga eh! Kaya marami-rami rin yung inorder ko. Tutal I'm pretty sure that we're both hungry naman eh.

Pagkalabas nya ng mga basura eh dumating na yung delivery!!! Etong si Eujion nahiya pa ata! Dapat di na raw kami nagpadeliver! Tsaka di raw yun tunay na pagkain!! So MAY PEKE PALANG PAGKAIN??

"Ako na maghahanda! Nakakahiya naman sayo eh" sabi ko sa kanya. Nagbabalak pang mag-handa ng pagkakainan naming eh..

"Oo nga pala! Baka gusto mo naming ipa-linis pati yung mga kwarto?" Tanung nya.

"GOOD IDEA!! Geh after nalang ng pagkain!"

"Ay!! Hoy nagjojoke lang ako!"

"Well ako hindi ako nagjojoke. Don't worry yung room ko lang naman eh. Yung isa wag na. wala naming gumagamit nun eh. Naka-lock nga yon at wala sakin yung key." Sagot ko habang nagsasandok ng rice.

"Huwow naman.. nahiya pa raw ng slight. Eh kwarto mo yun diba? Okey lang bang may lalaking pumasok don?" Napaisip naman ako sa sinabi nya.

Naalala ko... kahit si Dad nga eh.. bihira, should I say never pang nakapasok dito sa bahay tas sya.. eto.. kasabay ko pang kumain ang isang lalaki na halos nung isang araw ko lang nakilala.

Nagtataka naman ako sa sarili ko.. Bigla nalang ako naging ganto. Siguro kase he showed me something that made me rely on him. Ambilis naman!!

Ahh.. siguro dahil easy-going yung ugali nya kaya naging comfortable ako agad. Tsaka dahil sya yung nag try mag-approach kahit na hindi maganda yung pinakita ko sa kanya.

"Sige na Eujin..! Madali lang linisan yung room ko promise!" Nakapatong pa upright yung dalawang hands ko as a gesture of nagmamakaawa? Hehe:)

"Okey.. okey.. mahuhugas na sana ako ng katawan ko eh. Tara na nga!! KAIN NA!"

Psh. Excited ren naman pala sya sa pagkain eh! Tas nag-iinarte pa kainina.

"Akala ko ba ayaw mo?"

"Syempre.. Andito na eh!! Lamang tyan na ren to!! Galit-galit muna ah"

So ayun nga.. ilang munites den na forks and spoons lang yung nagsasalita. The awkward atmosphere starting to build up. But when Eujin get a slice of pizza.. the silence broke.

" Pwede magtanong?"

"Err ano bang chaawag dyan? 'Ge tanong nah." I said while my mouth is full. He didn't mind naman eh.

"Diba Mommy po.. nasa heaven na? Eh yung Daddy mo? Pasensya na ah.. Curiousity kills eh."

"My Dad is busy working. Maybe it's his way to forget my mom. Unfortunately.. nakalimutan nya pati ako. Pero ganon pa man.. di naman ako nalulungkot. Siguro nagtatampo paminsan-minsan because he always broke his promises because of his work.. and sometimes nakakatampo rin kase diba wala na nga si mommy tas ngayon feeling ko wala na rin si daddy but in the other side.. naintindihan ko naman yung situation nya kahit papaano.. kaya ayun."

"Dapat nag-boarding house ka nalang ren para may kasama ka khait papaano" Sa tono ng boses nya, parang naaawa sya saken.

"I don't blend with other people. Halata naman d iba?" Tsaka don't give me that 'I-feel- sorry-for-you face.. Sanay na ako dito Atsaka ginusto ko to."

"Okey.. sorry naman. Pero di naman ako naaawa sayo eh. Nag-aalala lang siguro. Diba kase tingnan mo, napapabayaan mo yung sarili mo. 'La kang kasama eh. Mag-hire ka kaya ng maid?"

"Kung di ko sila fina-fire.. nagreresign sila. Okey lang. Di ko sila kelangan. I know how to manage my life."

"Ganun.." Yun nalang ang sinagot nya tapos naglean sya saken at ginulo yung buhok ko at pi-nat.

Nagulat nalang ako sa sumunod na sinabi nya...

"Di ko alam kung ano yung appropriate na words pero proud ako sa ginagawa mo"

Anong ibig sabihin nun ???

Teach Me How to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon