Part 8

5 1 0
                                    

%%%%%%%%%%Promenade Night%%%%%%%%%%%%

"Yan, maganda na siguro ako nito" I wish...I wore a black-lace cocktail dress. I paired it with black-glittered stilettos with some net gloves and a black bow on my curly hair that is tied on one side and my mourning is complete...chos...dahil all black, mukha akong nagluluksa. Nai-prepare ko na kasi ito nung akala ko loner ako ngayon...eh hindi ko na nabago. Okay lang 'yan basta maganda."Konting suklay nalang sa bangs...off to Prom...wait I should darken my red lipstick para heavy na talaga itey...there"

"Allison, dumating na ang sundo mo"

"Okay Mom, tapos na ako" nakadungaw pa rin sa pinto si Mom. "Bakit Mom?" She came in and went to me on the full-length mirror.

"Ang ganda talaga ng Baby ko...at saan mo naman nakilala yung date mo? Ang gwapo ah"

"Ako pa ba Mom, sa school...baba na tayo. Ayokong paghintayin ang gwapo kong date"

"Enjoy the night Baby. Akala ko talaga si Stefan or si Isaac ang date mo"

"Knowing them Mom, 'wag na lang" Pag baba ko, I saw Jake standing near the sofa and is staring at me...Okay maganda nga talaga ako and ang gwapo niya on those impeccably fit coat, oh em gi...ang gwapo bagay sa kagandahan ko...push.

"Wow, ang ganda mo talaga Allison" mas gwapo siya sa malapitan.

"Ikaw din naman" he offered his arm on me.

"Shall we go?" I pleasurably accepted it.

"Sure, Bye Mom" off we go...

%%%%%%%%%DCHS Promenade Night%%%%%%%

Antaray andami atang gumanda ngayon ah o baka madilim lang...chos. Rampahan na...Nasaan nga pala ang 2 kumag na iyon? Baka lumalandi na.

__________AFTER RAMPA AND EVERYTHING CHOOCHOO________

"Allison, sayaw tayo?" why would I sday no to this handsome guy.

"Sure" pumunta kami sa gitna ng Dance floor and of course started swaying/dancing. His hands on my waist, mine on his shoulders."Anong title ng kantang 'yan? Highschool Musical 'yan diba?"

"Oo, 'Can I have this dance'...fan ka pala ng Highschool Musical"

"Hindi naman, I just like that song, ang sweet kasi"

"Sabagay..Perfect" and sarap tignan ni Jake hindi nakakasawa. Nadistract lang ako sa pagtitig sa kanya nang may dumaan sa likuran nito. Nakatalikod na ang lalaki kaya hindi ko na masyadong makilala saka sa ilaw na rin. Pero likod palang ang gwapo na. Matangkad, maputi yung putting litaw na litaw dahil sa suot nitong wholly fit coat. Sana naman hindi ito LIKODgenic. Yung gwapo lang kapag nakatalikod.

"Allison?"

"Ay sorry, may sinasabi ka ba?"

"Wala naman, sino tinitignan mo?"

"Sino yung nasa likod mo?" tumalima naman ito. Nag hanap-hanap pa ito. "Yung nakatalikod"

"Ah...Stefan" tawag nito. To my surprise lumingon yung lalaki and to my utter disclosure si Stefan nga. Oh Good Heavens!!! Ang gwapo niya Men...grabe para siyang Hollywood actor...rumi-red carpet lang ang peg...parang lahat ata ng kagwapuhan sa mundo nasalo nito. Lahat ng babae napapalingon sa kanya and the dimness of the light seem to compliment on his handsome face. It gives the effect of shining; shimmering, splendid...oh sorry I can't help myself from singing. Mas masarap itong titigan saka ang hirap ilayo ng mga mata ko sa mukha nito. Hindi ito nakakasawa. Oh goodness!!! Sana ganito nalang siya kagwapo lagi and Oh my Gosh that angle. He stares at me and was walking towards me!!! Oh my...smiling...Sorry Girls ako ang nakita niya, ako ang maganda...

Basketball LovestoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon