Part 19

0 0 0
                                    

Lumipas ang bakasyon at walang nagbago sa sitwasyon. Nakakausap ko pa rin sina Allison at Stefan, sa magkahiwalay na pagkakataon nga lang. Lagi kong sinusubukan na magkita sila para mag-usap o kahit makapag-usap lang kahit hindi personal pero sila mismo ang umiiwas. Naitaguyod namin ang summer na kanya-kanya kahit ito ang unang beses na hindi namin nagawang tapusin ang summer vacation na magkakasama. Friendship over na ba talaga? Sayang naman. Nang dahil sa stupid na pag-ibig nawala ang friendship na sobrang tagal na nabuo.

College na kaming tatlo at nag-enroll sa tatlong magkakaibang university. At si Stefan, tuluyan na siyang lumayo. Tumira na siya kasama ang kuya Jec-jec niya somewhere in Manila. Si Allison, sa all-girl university nag-enroll. Nakadorm ito pero umuuwi rin kapag weekends. Ako naman, I enrolled in some university in Manila pero uwian kasi hindi naman araw-araw ang klase ko.

Kahit na magkakahiwalay na kami, we keep in touch pa rin maliban nalang sa dalawa. Madalas kasing sumulpot si Stefan sa university ko at kikidnappin ako para manlibre. At ganoon pa rin siya, malungkot kapag nababanggit ko ang tungkol sa kanila ni Allison. Kahit na hindi siya nagtatanong binabalitaan ko siya sa whereabouts ni Allison at pasimpleng nag-aadvice na kalimutan na ang feelings kay Allison. Medyo effective naman, siguro.

Kay Allison, hindi ko siya pwedeng dalawin kasi bawal ang lalaki sa pinapasukan niya kaya kapag magkikita kami, kakain sa labas o kaya pag-uwi nalang niya. Siya, sure na hindi pa rin okay. Last week nung nagkita kami, sinabi niya sa akin na naghiwalay na sila ni Jake. Siya raw ang nakipaghiwalay. Ayaw niya raw lokohin si Jake kasi hindi niya raw ito maasikaso. Iba raw kasi ang nasa isip niya. Kawawang Allison, kitang-kita na naguguluhan na siya. Ilang buwan na rin ang nakalipas pero sobrang lungkot pa rin niya. Mas naka move on na nga si Stefan kesa sa kanya eh. Ilang beses ko na rin kasi siyang pinapayuhan na mag move on na. Kaso ganun parin.

Sabado, walang klase ngayong araw. Sabado kasi ang araw para sa club/organizational activities. Chess club ang sinalihan ko. Ang mga members naman nun ay bihira lang mag sama-sama. Kadalasan kasi ng mga kasali ay genius and protege. Mga taong kayang mabuhay mag-isa. Ako lang ang naligaw. Pumunta lang ako ngayon para makibalita at makipagkita kay Stefan. First time niyang magtext sa akin at sabihing magkita kami.

Nasa labas ako ngayon ng school, dito ko raw hintayin si Stefan sabi ng text niya. Mga five minutes after dumating na si Stefan. What the... iba aura nito ah. Blooming ?

"Gwapo natin ngayon, fan ah?"

"Matagal na akong gwapo, Sac"

"What the..."

"Haha, lika na... may susunduin pa tayo"

"Susunduin? Sino"

"Basta"

Inakabayan niya ako at iginiya sa kung saan man kami manunundo. Minutes of travel, natagpuan ko nalang ang sarili ko na nasa harap ng university na pinapasukan ni Stefan.

"Sino ba susunduin natin"

Ngiting-ngiti ito. Nang mahanap ko ang tinitignan nito. I saw a petite, charming girl.

"Girlfriend ko"

What? Nakangiting lumapit sa amin ang babae. Agad na yumakap ito kay Stefan at humalik sa pisngi nito.

"Hi, Babe" bati nito kay Stefan. I scanned the girl intently. Mukhang nursing ito dahil all-white ang uniform at maayos na nakapusod ang buhok nito.

Lutang ang utak na sumunod ako sa kanilang dalawa patungo sa iaang ice cream house malapit sa university nila Stefan. Nakaorder na kami ng hindi ko namamalayan. Humanap kami ng pwesto. Napansin ni Stefan ang pagiging tahimik ko.

"Leigh, siya pala si Isaac... yung kinukwento ko sayo" ani nito sa 'girlfriend' nito. "Sac, Leighra, girlfriend ko" untag naman nito sa akin. She extends her arms to me.

Basketball LovestoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon