Part 16

1 0 0
                                    

Kinabukasan. Pahinga namin ngayon so hayahay mode lang ako rito sa bahay. Ayokong mabaon sa kwarto ko so bumaba ako sa sala at doon nalang nanuod ng T.V.

Swerte ko code breaker ang palabas. Favorite anime ko ito ngayon. Nasa kalagitnaan ako ng panonood nang may nagdoorbell. Hindi ko na pinansin si Manang nalang magbubukas.

"Uy Code Breaker ba iyan?" Nagulat ako nang may biglang tumalon mula sa likod ng sofa sabay upo sa tabi ko. Napayakap tuloy ako sa throw pillow. "Hala pang ilang episode na iyan?"

"Bakit andito ka Sako? Aga mo naman" nuon ko lang napansin na hindi lang siya nag-iisa nang lumingon ako sa may pinto parang biglang nagdilim yung paligid, baka yung paningin ko lang.

"Hi Allison" bati ni Ellaina sa akin. Lumapit sila ni Stefan sa amin habang nakahawak sa bewang niya ito. Ngumiti lang ako. Umupo sila sa kabilang sofa.

Bali kasi 3 mahahabang sofa yung nandito sa sala na nakapaikot sa center table tapos nasa dulo yung T.V. set. Nakaupo ako sa tapat ng T.V. katabi ko si Sako. Nasa left side sila Stef malapit sa akin at tila nananandya halos katabi ko si....basta siya.

"Allison, this is Ellaina my girlfriend, Ellaina, Allison my best friend" yung feeling na natahimik pati yung T.V. sumakto pa na nagkaproblema sa station.

"Nice meeting my boyfriend's ever trusted person" doon lang ulit umaayos yung station ng T.V.

"Thanks, same here" bakit parang uminit yung hangin o baka yung ulo ko lang yun.

"Oh hi may bisita pala tayo" si Mommy galing taas kakatapos lang maligo." Hey darling, may pretty lady pa" nakalapit na sa amin si Mommy nakatayo sa likuran ko. "Friend ka ba ni Allison? Hi boys"

"Hi tita" sabay na bati ng dalawa. Tumayo si Stefan at si-- siya. "Tita si Ellaina po, my girlfriend"

"Owww" ang OA ni Mommy tapos tumingin pa siya sa akin ng napakamakahulugan. I frowned at her.

"Ellaina, Tita Vira, Alli's mom"
"Hi Tita Vira"

Nakakaloka si Mommy yung ramdam mo yung parang ilang siya kay you know.

"Nice meeting you. So iwan ko muna kayo. Maghahanda ako ng snack. Any requests?" Tapos ngayon napaka jolly na niya. What's wrong with her?

"Pasta please" nagpatingin ako sa nakasabay ko na medyo nakanganga pa. Napatingin din sa akin si Stefan and gave out an apologetic look. Itinaas ko yung isang kilay ko sa kanya.

"O-kay, as our pretty visitor's request" bago tumalikod si Mommy she gave me again that 'she's-weird' look then off she goes.

Eh nakakaloka naman kasi talaga. Kakakilala lang niya kay mommy and then makapag request. Sabagay nagtanong naman kasi si Mommy eh. Okay hinga muna.

"Uhm, Alli" wait what did she just call me? Napalingon naman ako sa kanya."I've heard na mahilig ka sa fashion" tumango ako with a doubtful expression."I'm a part time model. I can see that you're in good shape and your beautiful"

"Iyan magmomodel huwag na baby, madurog pa yung lense niyo" singit ng asungot na Stefan na ito.

"Uhm pwede ko bang batuhin ng unan yung boyfriend mo?" Pag papaalam ko pero gigil na gigil na ang kamay ko. Anong tingin ng asungot na ito hindi ako bagay doon. Well let's see. Ayoko sana kaso kainis itong nilalang na ito eh.

"Sure" shock was written all over his damn face. At si Isaac naman biglang umubo."Ano ba 'yan, Sako. Im in. Saan ba?" Ngiting-ngiti sa akin ngayon si-siya.

Now we're talking about fashion and stuff with that of sort. And the boys seemed to be annoyed or something kasi nagtabi na sila. Lumipat si Stefan sa tabi ni Isaac and ayun parehas na nakaslouch habang nanonood.

Basketball LovestoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon