Part 13

0 0 0
                                    

Dalawang linggo na ang nakalipas after ng unforgettable basketball game na iyon. Hanggang ngayon nababagabag parin ako sa mga tingin na iyon ni Stefan. Kakaiba kasi talaga. May matinding emosyon ang bumabalot doon. Hindi ko alam pero hindi ko maiwasang intindihin iyon lalo na ngayon na napaka cold na ng treatment niya sa akin.

Parang hindi kami magkaibigan. Matalik na magkaibigan. Parang isang hamak na lamang akong kaklase sa kanya.

Hindi ko na sila nakakasama ni Isaac. Si Jake na ang lagi kong kasama. Nanliligaw siya at alam kong gusto ko siya. Pero kapag kasama ko siya ang nasa isip ko iba. Nag-aalala talaga ako kay  Stefan. Hindi ko alam pero siguro dahil kaibigan ko siya.

Hindi ko sigurado pero ramdam ko nasasaktan siya kasi ganun yung nakikita ko sa mata niya kapag nakakaharap ko siya. At that really frustrates me. Nagagalit ako sa nakakasakit sa kanya at naiinis ako dahil hindi ko alam kung bakit at kung sino o ano ba yung nananakit sa kanya.

Tahimik lang naman sila ni Isaac. Everytime na magtatanong ako kung okay lang siya o sila. Okay lang naman daw sila. So I contended myself nalang sa sagot nila. Hindi ko rin naman sila mapipilit eh.

Ngayon malapit na ang graduation. Syempre lahat excited. Matatapos na ang chapter namin sa high school life. College life naman ang uumpisahan namin. Nakahanap narin ako ng school na papasukan ko. I passed the entrance exam at Mauritania College. It was an all girl school. Dream ko talagang makapasok doon and luckily makakapag-aral ako doon.

Ngayon katatapos lang ng practice namin for graduation. Masakit sa lalamunan puro kasi kanta. Well at last tapos na. Time to go home.

"Allison" Somebody called me at my back. So I turned. There goes my knight and shining Prince. Eh sa prinsipe ko siya eh. Lagi talaga akong napapangiti kapag nakikita ko siya. "Tara na uwi na tayo"

"Sure" he offered his hand to me. Nakaupo pa kasi ako. I obligingly accepted it. Inalalayan niya akong tumayo. Pagkatayo niya sa akin he carefully let go of my hand. Gumilid siya para paunahin akong maglakad but when I was about to step my right foot may kung anong tumama sa likod ko and to add on that dumagan pa sa akin. Nakaluhod ako nakadagan ito sa binti ko at nang lingunin ko ito isa palang babae. Nagsabay ang tili namin nang sabay din kaming bumagsak.

"Allison, hey ano ba" galit na sigaw ni Jake at dinaluhan ako.

"Ouch that really hurts, ikaw kasi eh"
Hinatak ko ang mga binti ko sa pagkakaupo ng babae. Hindi na ako makapagsalita dahil sa sakit. Yung buong bigat nung babae napunta sa akin. Sumalampak ako sa ground. Wala akong paki kung marumihan man uniform ko.

"Allison, okay ka lang ba? Shit dumudugo" ani ni Jake na nasa tabi ko lang. Magsasalita sana ako nang marinig ko ang isang napakapamilyar na boses.

"Sabi ko kasi sayo mag-iingat ka eh, here"

Agad ko siyang nilingon. Inalalayan niyang tumayo yung babae and he was smiling. Napakagentle pa ng boses niya habang kinakausap ito.

"Ano, okay ka lang?" Hindi parin nito binibitiwan yung babae. Ang mga kamay nito'y nasa baywang ng babae. Nagpapagpag naman ng uniform ang babae.

"Okay lang ako, si Ate" she turned to me " Ate okay ka lang, sorry po sorry talaga" lumapit siya sa akin.

Hindi ako makapagsalita. Nakatuon lang ang mga mata ko kay Stefan. Ganoon parin siya. Nakatingin siya sa akin pero blangko ang expression ng mukha niya. Ni hindi manlang siya lumapit sa akin. Naroon na naman ang galit at lungkot sa mga mata niya.

"Allison, bubuhatin na kita ah, dadalhin kita sa clinic" narinig kong sabi ni Jake. Naramdaman ko na lang na umaangat na ako sa lupa. Buhat-buhat na ako ni Jake. Hindi ko parin inaalis ang tingin ko kay Stefan ganoon din siya hanggang sa tumalikod nalang si Jake at wala na siya sa harap ko. Napayuko na lang ako.

Ano bang nangyayari kay Stefan? Bakit ganoon na lang siya kalamig sa akin? Dapat nag-aalala siya sa akin pero bakit ganun nakatingin lang siya sa akin.

May naramdaman akong humawak sa pisngi ko. It was Jake. He was wiping my tears. Tears? Napaiyak na ako.

"Sobrang sakit ba Allison?"

Yung sugat ba o yung damdamin ko? Ano bang tinatanong mo Jake?

Nasa clinic na kami at naibaba na pala ako ni Jake sa kama. Lumapit agad yung nurse, si Jake naman umupo sa gilid ng kama katabi ko. Nakaakbay siya sa akin at ewan ko pero patuloy lang na umaagos ang luha ko.

"Okay lang yan, Ate. Gagaling din yan" ani ng Nurse habang ginagamot ako.

Ang alin Ate? Yung damdamin ko ba? Sana gumaling pa.

"Mga ilang araw pa siguro. Mamaga itong tuhod mo dahil sa pagkakabagsak mo. Medyo namamasa na siya. Yung mga sugat ganun din gagaling din. Makakaattend ka pa ng graduation niyo. 3 weeks from now na iyon 'di ba ?"

"Opo, magiging okay naman po siya Ate?" Tanong ni Jake. Hinawakan niya ang ulo ko at isinandal sa balikat niya. Hinihimas-himas niya ang buhok ko.

Ano nga bang dinaramdam ko? Andito naman si Jake sa tabi ko. Hindi ako iiwan. Hindi ako papabayaan. Ano pang pinoproblema ko. Kaya ko naman kahit wala sila Stefan at Isaac.

Natapos na yung nurse.

"Uwi na tayo Jake" aya ko sa kanya. Tumango lang siya at inalalayan na niya ako. Nagpasalamat kami sa nurse bago tuluyang lumabas ng clinic

Nasa corridor na kami nang may marinig kaming footsteps. Maingay para itong tumatakbo. Lumingon kami sa likos kung saan nanggagaling yung tunog. We saw Isaac running towards us. Huminto siya sa tapat naming humihingal. Huminga muna ito ng malalim bago nagsalita.

"Okay ka na ba Allison?" Ngumiti lang ako at tumango."Buti naman, nag-alala ako sayo nung binalita sa akin ni Stefan yung nangyari sayo, tulungan na kita Jake" ani ni Isaac. Inabot naman ni Jake yung bag ko sa kanya.

Dala-dala kasi ni Jake yung bag ko saka bag niya na nakasukbit sa magkabilang balikat niya. Tapos nakaalalay pa siya sa paglalakad ko. His arms around my waist then mine over his shoulder.

May narinig ulit kaming footsteps sa pinanggalingan ni Isaac kanina.

"Allison" sigaw nung babae. Tumakbo na ito nang makita namin. Ito yung nakadagan sa akin kanina. Nagsalita ito nang makalapit. Hinawakan nito ang kamay ko. "Sorry talaga, hindi ko sinasadya. Sorry talaga Allison. Patawarin mo ako"

"Okay lang, aksidente lang naman yun. Magiging okay din naman ako" nginitian ko siya. Ngumiti rin siya pero andoon parin ang pag-aalala. May nakita pa kaming naglalakad. Mabagal lang siyang maglakad kaya wala kaming narinig na footsteps.

Si Stefan. May dala-dala rin itong dalawang bag. Bakit dalawang bag? Tiningnan ko si Isaac, suot naman nito ang sariling bag nito at floral pink ang design ng bag. Pambabae ito. Sinulyapan ko ang babaeng nasa harap ko wala itong dalang bag. Siya kaya ang may-ari ng bag na dala nito?

"Allison, kunin ko yung number mo. Text me if you're okay na or what. Nasaan na ba yung bag ko. Babe" sigaw nito at hinarap ang naglalakad paring so Stefan. Babe? Sino ba itong babaeng ito? "Babe yung phone ko pahiram" nakalapit na si Stefan. Iniabot niya rito ang phone nito. Anong nangyayari?

"Here, type mo na lang" nalilito man dahan-dahan kong inabot ang phone nito at nanginginig na sinave ang number ko. Ibinalik ko na ang phone. "Uy Allison, magtext ka ah. By the way I'm Ellaina, Stefan's girlfriend" she extends her hand to me. Out of shock nakipagshakehands ako sa kanya. Still hindi pa rin ako makapagsalita.

Walang sinasabing kahit ano sa akin sa Stefan. Sabagay kailan ba nagsabi sa akin ang lalaking ito. Never naman. Sa iba ko rin naman nababalitaan eh.

Hindi ba dapat masaya ako? Bakit malungkot ako? Ngayon lang naman ako naging ganito. Siguro dahil sa sitwasyon namin. Mawawala rin ito.

"Congratulations, pare" bati ni Jake kay Stefan at nag appear sila.

Hay ano ba talagang nangyayari sa mundo. Ang sakit naman sa ulo

Basketball LovestoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon