Chapter 21 - Ms. Anghel

172 16 5
                                    

Angela's POV

"Miss?" Bumalik ako sa sarili ko ng tinawag ako ng isang napaka-gandang anghel. Waaaah!

Shemay! Ang ganda talaga nyaaa!!!!! Mas maganda pa sya kay Marian! Sheeet!!

Nasa langit na ba ako?

Ay hindi!! Hindi pa ako patay! Duuh?! Sino papatay sakin?

Ay! Oo nga pala! Patay na patay yung puso ko kay Andrew. Hihi!

Iiiih!! Erase erase muna sa kalandian!! Hahawakan ko na sana ang nakalahad na kamay ni Ms. Anghel kaso...

"MS. RODRIGOOO?? NASAN NA PO KAYOOO??!" May narinig kaming sumisigaw na lalaki. Nakita ko namang nanlaki ang mata n'ya.

"I-I have to go." Tapos tumakbo na sya ulet. Ay hindi pala! Nagtago pala sya! Oo! Nagtago sya. Nakita ko eh. Malamang! Nakita ko. May mata kaya ako! Duuh?!

Lumapit naman sakin ang isang lalaking naka-suit. Naka-shades pa. Ang init-init naka-suit sya? Shunga lang?

Pero.. he looks familiar..? WAIT!

"C-chris?" Nagtataka kong sasabi. Inalis niya yung shades nya tapos.. waaaah! Si Chris ngaaa!!

"Angela." Malumanay nitong sabi sa akin. Na nakangiti pa. Waaaaah! Di parin mag-sink in sa akin na itong kaharap ko ngayon ay si Cleng Cleng. Ang Cleng-Cleng na dugyutin, at madungis. Ngayon ay isa ng Christian Lendwin G. Sandoval na ang gwapo-gwapo. Ang kisig. Waaah! Kung hindi ko lang to kababata, na inlove na siguro ako dito. Hihihi!

"A-anong ginagawa mo rito?" Tanong ko.

"Hinahanap ko kasi si Clyde." Napakunot naman ako ng noo sa sinabi nya.

"Clyde?" Tumango naman sya.

"Matagal ko na syang nililigawan. Lagpas isang taon na ata. Kaso lagi nya ako tinataguan. Ewan ko ba doon. Gwapo naman ako diba?"

"Oo naman! Aba! Etong kakabata ko? Nakow! Ang gwapo!!" Sabi ko tapos nilagyan ko pa ng pogi sign sya. Hay. Ang gwapo nya talaga. Tapos mabait pa. Mala Andrew din sya. Hay.

Sana si Kyungsok ganyan din. Huhu.

"Nakita mo ba sya?"

"H-ha?" Kumurap-kurap muna ako tapos nagsalita sya.

"Ang sabi ko kung nakita mo ba sya. Eh dito kasi sya dumaan. Mala-Anghel ang itsura nya." Wait. Hindi kaya...

Tumingin ako sa direksyon kung saan nagtatago si Ms. Anghel. Umiling-umiling sya sakin na sinasabi na wag sabihin kay Chris kung nasaan sya. Napatingin naman ako kay Chris. Nakakunot yung noo nya tapos tumingin sa direksyon kung saan nagtatago si Ms. Anghel. Waaaaah!!! Baka makita nya si Ms. Anghel!!

Tumayo sya mula sa pagkakaluhod (lumuhod kasi sya kasi nga nakaupo ako sa kalsada. Remeber?) Tapos pupunta na dapat sya sa direksyon kung nasaan si Ms. Anghel at dahil em so brilliant...

Tumayo ako at hinawakan sya. "Teka, san ka pupunta?" Tanong ko kay Chris.

"Doon." Tinuro nya yung lugar kung saan nagtatago si Ms. Anghel. "Baka kasi nagtatago sya dun." Lalapit na sana sya kaso.

"Ha? Dyan? Bakit naman sya magtatago dyan eh ang dumi-dumi dyan. Tsk. May nakita akong babaeng tumatakbo doon. *turo sa kabilang direksyon* sigurado ako sya yun kasi. Kyaaaah! Ang ganda nya eh!" Madala ka sa acting ko. Madala ka sa acting ko. Madala ka sa acting koooo!!!

"Sige. Salamaaat!!" Sigaw ni Chris sabay takbo kung saan yung tinuro ko. Ng nakalayo na sya. Nakaramdam naman ako ng may humawag sa balikat ko.

"Ay tae ng gwapong putakte. Ay!" napalingon ako dun kay Ms. Anghel.

My Personal YAYA [D.O Kyungsoo FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon