Chapter 9 - Tsismis

427 26 3
                                    

Angela's POV

Patuloy parin ang pagiging awkward namin ni Sir DO. Oo, nandito parin ako ngayon sa kwarto ni Sir DO. Naglilinis malamang. Ano gusto niyo? Ay! Baka mamaya kung ano na yang iniisip niyo ha?! Baka yung ginagawa namin-- NEVERMIND!

Tapos na ako maglinis. Pero, bakit ganun?! Yung paa ko parang ayaw ko lumabas. Parang gusto ko lang ipagpatuloy yung paglilinis ko. Eh kaso tapos na ako eh. Eh kung ikalat ko kaya ulit itong mga kalat na ito? Eh?! Nagpakapagod pa akong maglinis kung ikakalat ko na lang din.

"A-ahmm-ano po-" ugggh! Umuurong ang dila ko. Sh*t. Bakit? Gusto ko talaga malaman kung anong nangyari kagabi.

"A-Y-yaya! C-can you g-go out now? Y-you're done r-right?!"nauutal si DO? So, ibig sabihin pati siya, pati siya nahihiya rin? Nagbow nalang ako at umalis. At nung nakaalis na ako sa kwarto ni DO. Parang nakahinga ako ng maluwag doon ha?! Salamat naman at nakalabas na rin ang hininga ko sa kulungan. Lalakad na sana ako kaso nakita ko si Aya. Nagmamaktol.

"Waaah! Sino ba yung bwisit na 'yon. Inalipusta niya ang pagkatao ko. Para lang yun kay Kyungsoo eh. Bakit sa kanya pa nagsimula? Bwisit na lalaki na iyon. Nakakainis siya. Kapag nagkita kami papatayin ko siya. Waaaaaah! Yung ano ko. Huhuhuhu! Nawala na siya." Dinaanan lang ako ni Aya. Nakayuko kasi siya tapos nagsasabi-sabi ng kung ano-ano.

"Aya?" tawag ko sa kanya pero hindi niya ako nilingon. Sa halip, sumigaw siya.

"ARRRRRGH! NAKAKAINIS. BAKIT KO BA ISINUKO? PARA KAY KYUNGSOO YUN EH. WAAAAAH! NAWALA NA. NAWALA NA! WAAAAAH!" ang sakit naman sa tenga.

"AYAAAAA!" sigaw ko pero wala parin epekto sa kanya. Sa halip, nagsisigaw pa siya.

"BWIST NA LALAKI YAN. KINUHA NIYA YUNG ANO KO. MASAKIT PARA SAKIN YUN. BABAE AKO TAS KINUHA NIYA YUNG ANO KO. WAAAAAH! SABI KO KAY KYUNGSOO KO ISUSUKO YUN EH. WAAAAAAH!" pinagsisipa niya ngayon ang pader. Problema nitong babaeng ito? Kinuha yung ano niya? Masakit daw yun? Babae daw siya tas kinuha yung ano niya? Na dapat isusuko niya lang kay Kyungsoo. Di kay.... Di kaya... waaaaah!

"BESTIEEEE! SINUKO MO NA BA ANG PAGKABABAE M-"

"OO! OO PARA SA KANYA YUN EH NAKUHA NA NG IBA. WAAAAH! KINUHA NG ISANG BWISIT NA LALAKI. ARRRRRGH! LAGOT SAKIN YAN. BWISIIIIT." Nagtatatakbo na siya papunta sa kwarto niya. Sinundan ko lang siya. Pinakinggan ko yung nangyayari sa kwarto.

"BWISIT KA *pak* HAYOP KA *kablag* HINDI DAPAT SAYO YUN *sipa* PARA KAY KYUNGSOO YUN *crash.* ARRRRRRGH!" ngek. Nagiging dragon na ang bestie ko. Waaaah! Umo-oo siya sa tanong ko. Ibig sabihin. Ibig sabihin. Waaaaah! Di na virgin ang bestie ko? Huhuhuhuhu.

"Bestie, ok lang yan. Tayo ang magaalaga sa magiging anak niyo. Hayaan mo na ang ama ng dinadala mo. Nandito ako bestie. Naiintindihan kit--" wait?! Naiintindihan? Bakit, natusok na ba ako? Di na ba ako virgin? Ng bigla kong naalala yung pwesto naming kanina. WAAAAAAAAH! WALANG NANGYARI SAMIN DIBA?! WALA DIBA?! WALAAAAAAA!

"ARRRRRRRGH! SASAMAHAN KITA DIYAN BESTIEEEEE! GALIT DIN AKO. ARGGGGGGGH!" binuksan ko ang kwarto ni Aya at nagsimula ng pumulot ng kung ano-ano na pwedeng ihagis at ibasag.

XXXXXXXXXXXXXX

Third Person's POV

" A-Y-yaya! C-can you g-go out now? Y-you're done r-right?!"nauutal na sabi ni DO Kyungsoo kay Angela. Hindi alam ni DO ang gagawin. Ni hindi nga siya makatayo mula sa sofa. At hindi rin makatingin ng diretso kay Angela. Hindi nga maintindihan ni DO Kyungsoo ang pinapanuod niya eh. Ng nakaalis na si Angela. Hindi maintindihan ni Kyungsoo ang nadarama ng makalabas si Angela. Parang nakahinga siya ng maluwag matapos makatakas sa pagkakasakal. Agad naman niyang tinawagan si Andrew.

My Personal YAYA [D.O Kyungsoo FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon