Chapter 25 - I Quit

179 16 5
                                    

Clyde's POV

Narito parin ako sa kotse. Nasa tabi ko si Chris. Wala ni isa sa amin ang umiimik. Nakatingin lang ako sa harap. Tinitignan na isa-isang nagaalisan ang mga kotse sa parking lot. Maggagabi na rin kasi.

"C-Clyde?" Sabi ni Chris na puno ng pagaalala. Kahit hindi ako tumitingin ay ramdam ko na tumitingin sya sakin ngayon ng diretso at seryoso. "A-ano... uhm..."

"Ang sakit pala ano?" Sabi ko ngunit hindi parin tinitignan si Chris. Ramdam ko na naman ang mga nagbabadyang tumulo ano mang oras. "Ang sakit na makita mo yung taong mahal mo, na posible ng may mahal na iba. Ang sakit palang makita, na yung taong nagbitiw ng pangako sayo na hanggang ngayon ay pinanghahawakan mo, ay tila kinalimutan na ito at isa lang itong munting salita. Ang sakit pala Chris! Ang sakit sakit!"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at hinayaan ang mga luhang kaninang nagbabadyang pumatak ng tuluyan. Di ko kayang kimkimin ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

"C-chris..." Tumingin ako kay Chris na nakatingin rin sa akin ng diretso. "D-dapat na ba ako ngayong sumuko at bitawan na ang mga pangakong pinanghahawakan ko?"

Umiwas lamang ng tingin si Chris. Tila hindi sya makapag-salita sa mga narinig nya. Wala syang mga salitang maisabi sa akin.

Ngumiti na lamang ako ng mapait.

Sigurado naman akong wala syang sasabihin tungkol rito eh. It's me and Kyung we're talking about kaya't paano nya ako mabibigyan ng mga salitang makakapag-pagaan ng loob ko?

"Clyde....." lumingon ako kay Chris na seryosong nakatingin sa akin. "A-ano... a-anong i-isda ang na-nangangarate?"

Kumunot ang noo ko sa sinabi nya. Like, seriously? Hindi ko alam kung maiinis ako o matatawa sa sinabi nya eh. Pero... oh well, sakyan ko nalang.

Umayos ako na upo bago magsalita. "Ano?"

"Edi.. tilap-YAH!" sabi nya at nakaform pa ng nangangarate ang mga kamay nya.

"Psh. Ang corny mo." Sabi ko at hinampas ko sya ng kaunti.

"Talaga! Hindi kaya ako mais!" Pinansingkitan ko sya ng mata.

"Mamais ka kaya!"

"Aba! Kung ganto lang kagwapo ang mais, edi ang bilis naman mauubos ang mais sa sobrang kagwapohan non!" Sabi pa nito sabay pogi sign pa.

Natawa ako sa kahanginan ng letcheng to. Hahaha!

"Gago ka talaga ano? Hahaha!" Hampas ko ulit sa kanya.

"Gwapo!" Pagtatama nito.

"Gago!"

"Gwapo kale!"

"Ewan ko sayo basta gago ka! Hahaha!"

Tumawa sya at pati na rin sa mga kagaguhang pinagsasabi nya. Ang hangin nya pala ah? Ngayon ko lang napansin! Hahaha!

Maya't-maya ay tahimik na naman ang bawal sulok ng kotse. May ngiti padin sa labi ko dahil naalala ko ang kagaguhan nya.

"I don't want you to be like that," napalingon ako sa sinabi ni Chris. "Ayokong nakikita kitang nasasaktan. Ayokong nakikita kitang umiiyak. Because it's also breaks me too. A lot!"

Nakikita ko ang pangingilid ng luha ni Chris. Nakikita ko sa mga mata nya na nasasaktan nga talaga sya.

Chris... why I can't love you back?

Chris' POV

Ayoko syang nakikitang nasasaktan at umiiyak. Dahil parang doble narin ang sakit na binibigay nun sakin.

My Personal YAYA [D.O Kyungsoo FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon