Chapter 28 - Boyfriend

238 16 5
                                    

Narrator

Matapos sabihin ni Kyungsoo ang mga katagang hindi inasahan ni Andrew. Nasa loob ngayon ng kotse si Andrew. Nakatingin sa kawalan. Hindi iniinda ang sakit ng mukha sa mga suntok sa kanya ni Kyungsoo sapagkat umuulit-ulit sa kanya ang mga sinabi kanina ni Kyungsoo.

"You'll face death before you steal her away from me if that will happen! Remember that Andrew!"

"You'll face death before you steal her away from me if that will happen! Remember that Andrew!"

"You'll face death before you steal her away from me if that will happen! Remember that Andrew!"

"DAMN IT!" Hinampas-hampas ni Andrew yung manibela n'ya sa sobrang inis.

"Why would Kyungsoo say that ha?! Damn it!" Kung marupok lamang ang manibela ay malamang kanina pa ito nasira sa sobrang lakas ng hampas nito.

Hindi n'ya kasi maintindihan ang sarili. Natakot s'ya sa mga sinabi ni Kyungsoo. Alam naman n'ya na iniinis lang s'ya ni Kyungsoo. Yun yung nasa isip n'ya noong unang beses na umulit sa utak n'ya yun. Pero habang umuulit ng umuulit 'yun. Tila dun lang n'ya naramdaman na talagang paninindigan ni Kyungsoo ang mga sinabi nya.

Alam naman ni Andrew na mahal n'ya si Angela. Pero hindi n'ya maintindihan ang sarili kung bakit hindi s'ya makapag-salita noong tinanong iyon ni Kyungsoo sa kanya. Tungkol sa kanya.

Mahal n'ya si Angela. Nararamdaman n'ya 'yun. Natatakot s'yang mawala si Angela sa kanya. Natatakot s'ya.

Pero bakit tila naguguluhan s'ya ngayon?

==*==

Alam n'yo naman ang nangyari kanina diba? Yung nagboxing sina Andrew at Kyungsoo. Tapos eto namang si Angela eh walang kaalam-alam na nag-boxing na pala yung dalawa. Eh paano ba naman! Nagpapatugtog na naman ng walang kasawa-sawa n'yang Domino. Kaya di n'ya naririnig yung pagbo-boxing at sigawan at sumbatan nina Kyungsoo eh. Hay nako Angela.

Natapos na s'yang maghugas ng pinag-kainan ng narinig n'yang marahang sinara ang pinto ng bahay. Napatingin naman s'ya sa kung sino ang pumasok.

"Oh Kyungsoo," lumapit s'ya rito habang pinupunasan ang kamay gamit ng apron na suot n'ya. "Did Andrew go---wait. What happened to you lips?"

Doon nalang napantanto ni Kyungsoo ang dumudugo labi n'ya noong hinawakan n'ya ito. Masyado kasi s'yang nainis at nagalit kaya ang mga sakit sa natamo n'ya eh hindi n'ya naramdaman.

"T-this is n-nothing."

Tila umusok naman ang tenga ni Angela sa sagot ng amo sa kanya.

"Nothing?" Lumapit s'ya kay Kyungsoo at nagsalita ulit, "Nothing ha?"

"Yeah. This is nothi---aww! What the hell?" Pag-aray ni Kyungsoo noong hinawakan ni Angela ang labi ni Kyungsoo.

"Nothing pala ha?" Tumayo si Angela at kumuha ng icepack. Bumalik s'ya kay Kyungsoo at tumabi s'ya rito.

Dahan-dahang dinadampi ni Angela ang mga pasa at sugat sa labi ni Kyungsoo. Habang si Kyungsoo naman eh naka-titig lamang kay Angela habang ginagamot ang kanyang mga sugat. Hindi n'ya mapigilang ngumiti habang tinitignan ang kagandahan ni Angela habang ginagamot s'ya nito.

Napansin naman ni Angela na nakatitig si Kyungsoo sa kanya. At medyo naiilang na s'ya kaya naman sinadya n'yang diinan ng konti yung pagdampi ng icepack sa pasa n'ya dahilan ng pag-daing ni Kyungsoo sa sakit.

"Why did you do that?" Naiinis na sabi ni Kyungsoo kay Angela.

"Stop staring at me!"

"Hey! Don't assume. I am not staring at you!"

My Personal YAYA [D.O Kyungsoo FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon