"Hanggang kailan ba 'to?" tanong nya.
"Ang alin na naman?" nagtatakang sagot nya.
Sa pagpipigil ng galit, agad syang napabuntung hininga at sinabing "Eto. Yung ganito. Yung hindi ko alam kung ano ba ako sa'yo. Kung ano ba tayo."
"Akala mo ba gusto ko yung ganitong setting? Yung hindi ako sigurado sa kung ano bang meron tayo. Kasi sa lahat ng kalokohan na 'to, isa lang naman ang alam ko..." agad nyang pinunasan ang mga luha na hindi nya namalayang dumadaloy na sa kanyang mukha at pagkatapos ay sinambit ang mga katagang
"Alam mo kung ano yon? Alam mo ba kung ano lang yung nag-iisang dahilan kung bakit nandito pa rin ako? Kasi t*ngina kahit maling mali na lahat ng 'to, mahal pa rin kita!"
Agad napawi ang kanyang mga galit at agad na napalitan ng pagkalungkot, tuwa, nerbiyos, at kung ano pa man na hindi na niya maipaliwanag.
Sa matagal na panahon ng kung ano mang mayroon sila na hindi nila maipaliwanag, naging malinaw sa kanya ang lahat.
Sa lahat ng paghawak nya sa bewang nito...
Sa bawat paghawi nito sa buhok nito...
Sa bawat tawa at ligayang pinagsasaluhan nila...Oo nga pala, kaya nga pala kahit anong sakit ang naidulot, naidudulot, at idudulot nya sa kanya ay nandiyan pa rin ito. Mahal nila ang isa't isa. Doon, doon lamang sila tiyak.
---
Habang binabasa nya ang kaniyang mensahe sa telepono na naglalamang:
"Hindi na pwede, laging nandoon si Anton."
agad siyang napatingin sa kawalan na tila ba malalim ang iniisip at siya namang dating ng kaniyang asawa.
"Oh, ang lalim yata ng iniisip mo hon?"
agad na bumalik sya sa kanyang ulirat at agad na isinara ang telepono.
"Ahh... wal- wala yun... Stress lang. Halika tulog na tayo." sabay yakap.
***
"Hindi ka ba masaya? Hindi ka ba masaya na sa wakas matutupad ko na yung pangarap ko, Dawn. Eto na 'yon. Hindi ko na kailangan mapressure kasi siguradong sigurado na pagkapanalo ko." Nag-aalinlangan nyang pagtatanong ngunit sa isang malumanay na paraan.
Agad na kumunot ang kanyang noo, nakatingin lamang sa mga daliri habang nilalaro ang mga ito,
"Uhm... ma- ano... Syempre... Masaya. Oo, masaya." kanyang sambit kasama ng isang nag-aalinlangang ngiti.
Sa mga panahong iyon, alam ni Richard na hindi sinsero ang mga katagang nabanggit ni Dawn. Sa lahat ng tao, pinapadama nyang hindi dapat iyon ang desisyon nya mapwera sa kanya lalo na sa tuwing mag-uusap sila.
Naninoguro nyang idiniin, "Isang sabi mo lang at salita mo, alam mong kaya kong iwan 'to. Sigurado ka bang, okay lang?"
'Okay? Okay lang? Kailan at paano magiging okay yon?' Isip nya.
Katahimikan lamang ang isinagot ni Dawn kay Richard dahil sa totoo lang ay ayaw nyang mawalay sa kanya ito...
"Alam mo naman na magkakaroon kami ng project ni Piolo, di ba?" pag-iiba ng usapan nito.
Nagkukunwaring walang alam, agad syang sumagot ng "Ha? Ngayon ko lang narinig."
Pagtataka nya, "Hindi mo pala alam. Hindi nabanggit ni Pia?"
Pikon nitong sagot "Bakit naman nya sasabihin pa yon sakin? Lalo't lalo na kung hindi naman ako kasama."
Pagtataka nito sa biglang pagbabago ng tono ng pananalita nito, agad syang tumingin sa mga mata nito at nagtanong.
"Okay ka lang ba?"
May halong inis at pagkabugnot, sinagot nya ito ng "Oo. Lagi akong okay. Kung dyan ka masaya, wala na akong magagawa."

BINABASA MO ANG
Deep Beyond (Chardawn)
FanfictionBefore anything else, I prefer you guys to download 'Iisa Pa Lamang instrumental' before reading this story so that you could feel the story. Dagdag emotion kumbaga! Let's just say that this story is about two persons who still love each other but t...