Chapter 4.1: First day

25 0 0
                                    

Lumabas na kami at nilanghap ang sariwang hangin ngunit damang dama namin ang humahampas na lamig ng hangin

"Brrr so cold" puna ni Shane

"Good thing we got our jackets" binalingan ko ng tingin si Sydney na nakapamulsa sa jacket nya at saka ako nagsalita

"Baybayin natin itong daan pero dapat tandaan natin kung saan tayo nanggaling baka maligaw tayo"

"Aye aye sir! Hahaha" sumaludo pa sa akin si Richard

"Guys,can you do me a favor?" tanong ni Shane

"What's that?"

"Can we take a group picture?"

"Oy oy gusto ko yan, dito ako sa tabi ni Sydney" agad akong nakisiksik sa kanila at tumabi kay Sydney

"Pero masyadong madilim,gamitin nalang natin yung flash sa back cam"

"Ako nalang maghahawak,palit palit nalang tayo ng pwesto" alok ni Claire

"Okay,here"

"Oh pwesto na dali!" ipinatong ko ang kamay ko sa balikat ni Sydney

"1.. 2.. 3 say cheese!"

"Oh ako naman kukuha" alok ko

"Bestie dito ka sa tabi ko dali"

"Teka lilipat ako,tatabi rin ako kay Sydney" lumipat si Richard sa tabi ni Sydney galing sa gitna ni Shane at Claire "Oh ayan,okay na" sabi nya nang makapwesto nang maayos

"Tara na para malayo layo pa yung malalakbay natin" sabi ko nang pagkashot ko ng isa

"Mabuti pa nga" pagsang ayon ni Sydney

Nagpatuloy kami sa pagtakbo

"Hindi ba't masyado na tayong malayo?" puna ni Claire

"Oo nga,few minutes left mag si-six na" sang ayon ni Richard

"Okay lang yan, maaga pa naman" patuloy pa rin ako sa pagtakbo

"Teka,dagat ba yon?" turo ni Shane sa di kalayuang lugar

"Saan? Ay ayun!! Ang ganda, palitaw na yung araw!" tumatalon talon si Sydney

"Tara tara,maganda yang kuhaan ng picture" at saka tumakbo ni Shane papunta don na sinundan naman namin

"Ang ganda guys,kitang kita yung araw" humawak sa kanyang bewang si Richard

"What if we swim here later?" suhestiyon ni Claire

"Great idea bestie,naeexcite na ako"

"Tag tipid ah hahahaha"

"Less gastos hahaha"

"Let's take a group picture guys" nag aya nanaman si Shane ng picture

"Ayan! Caption,sunrise" tinitingnan ni Shane ang nakuhaang litrato

"Ang lamig dito noh, mahangin saka maririnig mo talaga yung agos ng tubig" 

"Sabi sa inyo di kayo magsisisi eh,fresh air,great view pa saka malinis yung tubig dito,walang palutang lutang na basura hindi gaya ng nasa Manila"

"Parang gusto ko na magstay dito forever hahaha"

"Sa susunod isama natin yung family natin,siguradong maeenjoy nila ang stay dito" suhestiyon ko at saka tinabihan si Sydney na umupo sa buhangin

"Nang dahil sa great place dito sa tingin ko naman masusurvive natin ang walang wifi"

"I really hope so,sana makasabay ako sa changes" napatingin kaming lahat kay Shane

Vacation TripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon