RICHARD'S POV
"Uy,good morning gising na pala kayo" sabay sabay na pumunta sila Sydney sa kusina. Nauna kasi kami ni Louie dito para magluto
"Marunong pala kayong magluto?" Tanong ni Sydney
"Naman,maaga kasing nagising si Mang Merwin,ibinili nya na pala tayo ng pagkain" sagot ko
"Eh tulog pa kayo,kaya naisipan namin ni Richard na kami naman magluto"
"Anong niluluto nyo?" tanong ni Claire
"Paksiw na isda" sabay naming sagot ni Louie
"Uy masarap yon ha!,asiman nyo ha" bilin ni Sydney
"Sige"
"Ay may sasabihin kami sa inyo ni Richard"
"Ano yon?"
"Para daw may magawa tayo ngayong araw, bakit daw hindi tayo mag picnic sa garden"
"Dyan sa likod ng mansyon?"
"Oo" tinikman ni Louie ang sabaw na niluluto namin at saka nilagyan ng asin
"Ay game ako dyan, agahan natin ngayon nalang almusal"
"Pwede naman" umupo ako sa upuan
"Ano girls? Kanina pa kayo hindi nagsasalita" baling ni Louie sa mga babae pagkalapag ng kutsara
"Okay lang naman sakin" sagot ni Claire
"Sakin din,makukuhaan ko na ng bagong picture yung roses" sagot ni Shane
"Ay kung ganun,mag ayos muna kayo,papakuluin nalang namin to tapos pwede nang kumain"
"Eh paano kung dun na tayo kumain sa labas?" suhestiyon ko
"Ay pwede naman" sagot sakin ni Louie
"Maligo muna kami" paalam ni Sydney
"Ihahanda ko yung blanket" pumunta na si Claire sa kuwarto
"How about you?" tanong ko kay Shane
"Susunod akong maligo kay Sydney" walang tingin tinging sagot ni Shane sakin habang nag ce-cellphone
"Ayan, tapos na to" pinatay na ni Louie ang kalan at saka naghanda ng mga plato at utensils
Nang makabalik si Sydney ay sumunod nang naligo si Shane at Claire
"Oh ano,ready na ba kayo?" tanong ko sa kanila habang nakaupo kami ngayon sa harap ng lamesa
"Yeah? I guess" sagot ni Shane habang nagsusuklay
"O tara na tayo na,kukunin ko na yung mga kumot na hinanda ko kanina"
"Sama ako bes"
"Sige,susunod kami,bibitbitin lang namin yung mga pagkakainan papunta don" sabi ko
"Sama na ko sa kanila" sumunod kila Sydney si Shane
"Nah what would I expect from her?" iling-iling kong sinabi habang tumatawa si Louie
Inilatag kaagad namin ang kumot at pagkain nang makarating kami sa likod ng mansyon
"Serve yourselves,gutom na gutom na ko hahaha" sabi ni Louie sa amin
"Hmm ang bango naman ng niluto nyo" sumasandok na ng ulam si Sydney
"You should taste it"
"Uyy ang sarap!"
"Naman" pagmamalaki ni Louie sa sarili
"Hep hep hep,luto ko rin yan ano"
"Picture tayo dali!" haay nag aaya nanaman ng litrato yung kapatid ko
BINABASA MO ANG
Vacation Trip
HorrorNakakaginhawa sa pakiramdam ang magbakasyon kasama ang pamilya o kaibigan,ngunit paano kung ang inaasahang kay sayang bakasyon ay mauwi sa isang KABABALAGHAN? sasama ka pa ba? JOIN US IF YOU DARE