1938
Tinakpan ni Danilo ang mga mata ni Clarita
"Danilo ikaw ba iyan?"
"Ang galing mo naman manghula"
"Eh paano ko ba kasi hindi malalaman,malayo ka palang dama na ng puso ko na nariyan ka. Kahit nga siguro ako'y nakapikit mahahanap pa rin kita"
"Kung magagawa ko nga lang sanang manatili sa iyong tabi araw-araw,ito'y aking gagawin"
"Anong ibig mong sabihin mahal ko?"
"Eh kasi napagpasyahan ni ama na luluwas kami sa ibang lugar"
"Saan naman?"
"Sa Laguna daw eh"
"Gaano kayo katagal doon?"
"Walang kasiguruduhan Clarita"
"Iiwan mo na ako matapos ng lahat?"
"Hindi Clarita,makinig ka" hinawakan nya ang mga kamay nito. "Babalik ako. Babalikan kita, magpapakasal tayo at bubuo ng sariling pamilya"
"Pangako?"
"Oo mahal,pangako"
"Susulat ka ha? Naku Danilo hindi ko maisip ang buhay kung wala ka. Hindi ko kayang lumipas ang isang araw na hindi ka nakikita"
"Ako rin naman. Ikaw ang buhay ko ngunit ito ang gusto ng kapalaran. Baka sinusubok lamang tayo nito kung hanggang saan aabot ang ating pagmamahalan"
"Kailan ka aalis?"
"Sa katunayan,ngayon na Clarita"
"Bakit biglaan naman?"
"Nagmamadali si ama. Heto, ang litrato nating magkasama" iniabot ni Danilo ang litrato nila "itabi mo yan sa iyong pagtulog. Tandaan mong nasa tabi mo lang ako"
"Danilo mahal ko" niyakap ni Clarita si Danilo. "Mag iingat ka"
"Ikaw rin"
Lumipas ang ilang araw ay sumulat si Clarita gamit ang address na ibinigay sa kanya ni Danilo
Mahal kong Danilo,
Kamusta ka na? Nakakakain ka ba nang tatlong beses sa isang araw? Nakakatulog ka ba nang maayos? Alam mo ba, minamasdan ko ang ating litrato sa kasalukuyan. Gusto na ulit kitang makita mahal ko,nananabik ako sa iyong mga yakap. Mag iingat kang palagi. Mahal na mahal kita
Nagmamahal,
ClaritaAraw araw ay sumusulat si Clarita kay Danilo ngunit wala syang natatanggap galing kay Danilo
Mahal kong Danilo,
Kamusta ka na? Ako'y maayos naman. Pinagmamalupitan pa rin ako nila Carmela pero okay lang dahil nasasanay na ako. May isang araw na naumpog ako sa mesa at nagdugo,itinago ko ito sa aking ama kaya hanggang ngayon ay hindi nya pa nakikita. Mahal,bakit wala akong natatanggap na sulat mula sa iyo?. Marahil ay abala ka sa gawain pero iintindihin ko pa rin, alam ko namang babalikan mo ako. Maghihintay ako Danilo. Mahal na mahal kita.
BINABASA MO ANG
Vacation Trip
HorrorNakakaginhawa sa pakiramdam ang magbakasyon kasama ang pamilya o kaibigan,ngunit paano kung ang inaasahang kay sayang bakasyon ay mauwi sa isang KABABALAGHAN? sasama ka pa ba? JOIN US IF YOU DARE