Chapter 6: The Past

16 0 0
                                    

MERWIN'S POV

Hindi pwede to. Hindi maaaring madamay ang mga bata, mga inosente sila. Paano ko ba ito masasabi sa kanila. Nalalapit na ang araw ni Seniorita Clarita.

**FLASH BACK**

April 13 1918

"Costudio,hawakan mo. Pakiramdaman mo,sumisipa sya"

"Ay oo nga Victoria,nakakatuwa sya. Umupo ka muna saglit mahal ko at ikukuha kita ng prutas" pumunta na sa kusina si Don Costudio

"Hindi na ako makapaghintay na makita ka anak. Nasasabik na kami ng iyong ama na mahawakan ka. Gustong gusto mong naririnig ang boses ng iyong ina naoobserbahan kong sumisipa ka sa kada labas ng aking tinig" natagalan sila sa pagdating ni Don Costudio

"Nasaan na ba ang iyong ama at hindi na nakabalik pa" nagpasyang bumaba si Donya Victoria papunta sa kusina ngunit nung nasa salas pa lang sya ay biglang nanakit ang tiyan into

"Aray! Pumutok na yata ang panubigan ko!. Costudio,mahal! Ang bata lalabas na!"

Papalapit na may hawak na prutas si Don Costudio ngunit nabitawan nya ito at humangos papunta kay Victoria nang makita nyang manganganak na ito

"Naku ang bata. Belinda! Belinda! Halika rito bilis"

Tumatakbong lumapit ang kasambahay

"Ganito ang gawin mo, kumuha ka ng planggana at lagyan mo ng tubig, samahan mo na rin ng bimpo"

"Sige po Don" umalis na ang kasambahay at sinunod ang utos

"Saglit lang mahal ha,mabilis lang yon. Flor! Pumunta ka rito bilis"

"Ay ang Madam Victoria manganganak na!"

"Oo, kaya kumuha ka ng banig at ilatag mo sa sahig maliwanag? Bilisan mo!"

"Masusunod po"

Di nagtagal ay dumating na ang dalawang kasambahay

"Humiga ka rito mahal ko. Kumapit ka sa mga kamay ko at higpitan mo kapag ika'y nasasaktan"

Dumating na ang komadrona na tauhan din sa mansyon

"Madam hinga po kayong malalim sabay ire,maliwanag po?"

"Oo sige"

Namimilipit sa sakit si Donya Victoria ngunit nailabas nya rin ang bata

"Babae po sya Madam"

"Ang anak ko,ibigay nyo sa sakin"

Pagkahugas sa dugo na nasa katawan ng bata ay inilapag iyon sa gilid ng ina

"Costudio,ang anak natin. Napakaganda!"

"Napakaamo ng kanyang mukha. Namana nya sa iyo ang kagandahan. Anong ipapangalan natin sa kanya?"

"Clarita. Clarita ang nais kong ipangalan sa kanya"

"Clarita,napakagandang pangalan"

Napansin ni Costudio na namumutla ang asawa

"Mahal ko,ika'y namumutla!"

"Masyadong pong marami ang nailabas nyang dugo" wika ng matandang komadrona

"Costudio,mahal ko" ngumiti ang Donya "sa tingin ko ay di ko na kakayanin,nanghihina na ko"

"Ano bang sinasabi mo Victoria? Mabubuhay ka para sa ating anak"

"Pinipilit ko ngunit nahihirapan na rin ako sa paghinga. Pakatatandaan mo na mahal na mahal kita Costudio,ikaw ang kabiyak nitong puso ko. Ingatan mo si Clarita at mahalin,mahal na mahal ko kayo ng anak natin"

Vacation TripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon