Naiwan ako ngayon dito sa salas nang mag-isa,nagpaalam kasi si Louie na kukuha ng walis, iyong lalaki talaga na yon dumaldal nalang nang dumaldal. Nang matapos kong punasan itong lamesang ito ay nilibot ko ang paningin ko kung may lamesa pang pwedeng pumasan, may bimpo kasi akong nakita kaya ito nalang pinanglinis ko. Sa di kalayuan ay may nakita akong lamesang may naka patong na litrato. Sobrang alikabok ng lamesang ito parang ilang buwan nang di nilinis pero may nakapukaw ng aking pansin
"Ito yung litratong natapakan ni Sydney kagabi ah" bulong ko sa sarili ko nang damputin ko ang nakataob na litratong nakapatong sa lamesa
Inobserbahan ko ang litrato,dito ay makikita mong may mag ama. Masasabi mong nasa mid 30's na ang lalaki at naglalaro sa lima hanggang pitong taong gulang ang batang babae. Basag na ang salamin ng frame nito siguro ay dahil natapakan ito ni Sydney kagabi.
Tiningnan ko ang likod ng litrato. "1925" sabi ko nang makita ang mga numero dito,ito siguro yung taon kung kelan nakuha itong shot,matagal tagal na rin pala,di pa nga buhay lola ko neto eh.Baka siguro ninuno ng pamilyang nakatira dito
"Bakit mo hawak yan?" Sabi ng lalaking nasa likod ko,si Mang Merwin pala lumitaw nanaman kung saan
"Ah eh,naglilinis po ako nang makita ko to kaya pinunasan ko na rin po. Maaari ko bang malaman kung sino po itong nasa litrato?"
"Ang lalaking iyan ay si Don Costudio De Penitente,ang nagpundar at pinaka may-ari ng pamamahay na ito,amo ng nanay kong nanilbihan dito"
"Ah,eh sino po yung batang babae?"
"Anak nya yan, si Seniorita Clarita,pitong taong gulang sya diyan"
"Nasaan na po sya ngayon? Siya po ba yung nagmamay ari ngayon"
"Ay iho mauna na muna ako sa iyo ha,may aasikasuhin pa pala ako,maiwan muna kita diyan"
"Ganun po ba? Sumabay na po kayong kumain samin mamaya"
"Sige, lalabas muna ako ako"
Pagkapaalam ni Mang Merwin ay inilapag ko na ang litrato sa lamesa,hindi ko alam kung bakit pero naenganyo akong akyatin ang ikalawang palapag
*Pag alis ni Richard ay biglang nabuo ang nabasag na salamin ng litrato*
SYDNEY'S POV
Nandito ako ngayon sa kusina,napakaluma ng disenyo nito. Dahil walang kuryente ay di mabuksan ang ilaw pero nang dahil sa dalawang magkabilang bintanang nakabukas sa itaas ng pader ay sapat na ang sinag ng araw na nakakapasok para maliwanagan ang loob ng kusina.
Agad kong inayos ang mga sangkap sa pagluluto. Masyadong nakakabingi ang katahimikan kaya napag isipan kong kumanta. Hindi kumportable ang nararamdaman ko,para kasing may nakamasid sa likod ko. Natatakot man,dahan dahan akong tumalikod para malaman kung may tao. Wala naman akong ibang nakita,ako lang mag isa.Nagpatuloy ako sa pag aayos
"Hay nako Sydney,naglalaro nanaman yang imahinasyon mo. Ang hilig mo manuod ng horror movies pero di ka makapag-isa"
Kinakalma ko ang sarili ko nang may biglang bumagsak na kawali sa likod ko. Nangilabot ako at biglang kinabahan,nagdadalawang isip ako kung haharap ba ako dahil kung ano mang meron sa likod ko ay ayoko nang malaman,ngayon pa't mag isa lang naman ako ngayon dito
RICHARD'S POV
Umakyat ako sa ikalawang palapag ng mansyon. Na curious kasi ako,medyo madilim kaya nagdala ako ng flashlight. Binaybay ko ang corridor at minasdan ang mga malalaking litratong nakapaskil sa pader.
"Art works" sabi ko nang may pagkamangha sa mga paintings. Nandito ang Starry Night at The Scream,kahit si Mona Lisa nandito rin. Di ko napansin na medyo malayo na ang narating ko. Nagpasya na kong bumaba nang may pumukaw sa aking pansin.Isang portrait picture ng isang babae, sa tancha ko mga nasa 17 years old sya. Ang amo ng mukha netong dalaga pero batay sa pananamit nito masasabing mabuhay sya noong unang panahon.
BINABASA MO ANG
Vacation Trip
HorrorNakakaginhawa sa pakiramdam ang magbakasyon kasama ang pamilya o kaibigan,ngunit paano kung ang inaasahang kay sayang bakasyon ay mauwi sa isang KABABALAGHAN? sasama ka pa ba? JOIN US IF YOU DARE