CHAPTER 7 - heartaches

10 1 0
                                    

---------------------------------------------

When a relationship is bound to end, will you fight for it and stay?

Or will you choose to walk away?

--------------------------------------------

Gabi-gabi na lang umiiyak ako dahil sa nangyari sa amin ni Rex.

Mahal na mahal ko siya. Hindi ko kakayanin kapag nawala siya sa akin. TTT_TTT

Kinabukasan pagpasok ko pinuntahan ako ni Gab.

"Ooooh bakit maga yang mata mo?"

"Ahh wala napuyat lang ako."

"Puyat ka kaka-iyak noh? Ok lang yan! Kakausapin ko si Rex"

.........

Nagtext si Rex sa akin.. "Janine, mag-usap tayo."

"Okaaay sige saan?"

"Sa dating lugar na lang"

.........

Pagdating ko napansin ko malungkot ang mukha ni Rex.

"Janine, gusto ko muna makipag-hiwalay. Hindi lang tayo ang tao dito sa mundo. Hindi pwedeng tayo na lang lagi magkasama. Hindi pwedeng tayo lang. Dapat may ako lang."

Naiiyak na ako.. Pero pilit ko pa din sinabi kay Rex, "Hin------di .... mo na ba ako mahal?"

"Mahal kita."

"Kung mahal mo ako bakit mo ako iiwan?"

"May mga bagay lang talaga na kailangan unahin ko mga priorities ko sa buhay bago pag-ibig."

Umalis ako ng umiiyak.

Pagdating ko sa bahay... Umiyak na lang ako ng umiyak mag-damag.

Gusto ko ng itulog lahat pero tuwing pipikit ako mukha ni Rex maalala ko.

Ganito pala kasakit pag nawala sayo ang true love mo.

Pagkagising ko sobrang maga ng mata ko.

Naligo at nag-ayos ako at pumuntang school.

Gab: "Ohh Janine! Bakit ganyan itsura mo? Losyang na losyang ka!"

Pinipigilan ko umiyak sa harap ni Gab pero hindi ko mapigilan..

Janine: "Gaaaab, wala na kami ni Rex. Nakipag-hiwalay na siya sa akin. Hindi na niya ako mahal."

Gab: "Ang mali kasi sayo.. Ginawa mo si Rex na mundo mo. Kaya nung umalis siya.. you feel that you've lost everything."

Umiyak na lang ako ng umiyak. Habang kinocomfort ako ni Gab.

.......

Kinausap ni Gab si Rex.

"Rex, alam mo ba kung gaano kasakit kay Janine yong nangyari? Mahal na mahal ka niya tol."

"Alam ko nakasakit ako ng babaeng sobrang mahal na mahal ako. Pero kailangan ko ito at kailangan din niya."

.......

Kinausap ako ni Gab para icomfort.

Nakatulala ako at bigla ko na lang nasabi "Gab, bakit ganun? lahat ng sobra nakamamatay. Pero ang pagmamahal ko kaya kay Rex kailan kaya mamamatay? Bakit ganun noh? Ang bike may break pero ang puso patuloy pa rin sa pagmamahal."

Gab: "Matatapos din lahat ng sakit. Pagdating ng panahon tatawanan mo na lang lahat ng mga kadramahan mo ngayon. Ang dapat mong gawin ay maging masaya. Ok?"

Janine: "Bakit ganun? Ginawa ko naman lahat para mapasaya si Rex. Pero parang laging may kulang." TTTTTTT____TTTTTTT

Gab: "Hanggat nagmamahal ka, masasaktan at masasaktan ka."

Janine: "Maghihintay ako kay Rex. Kahit gaano katagal. Alam ko babalik siya."

Gab: "How many times do you have to get hurt before you realize it's time to let go?"

Janine: "Hindi pwedeng ganun ganun ko na lang isusuko si Rex. Alam mo naman mahal na mahal ko si Rex."

US to dustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon