----------------
How do you look at someone you love and tell yourself its time to walk away?
---------------
Iyak ako ng iyak.
Siguro hindi ko na kayang panindigan yong forever. Kasi sa ginawa niya parang wala ng forever.
Hindi ko na din kayang panindigan mga sinasabi ko kay Rex na gagawin ko lahat wag lang siya mawala sa akin.
Kailangan ko mag-sacrifice..
Kahit masakit kailangan ko igive up si Rex dahil sa ginawa niya sa akin..
Janine: "Iwan mo na ako.. Kailangan ko mapag-isa."
Rex: "Hindi. Dito lang ako.. Hihintayin kita!"
Janine: "Hindi ako lalabas ng CR hanggat hindi ka umaalis. Magsawa ka maghintay dyan sa labas!"
.........
After 30 minutes
REX: "Aalis na ako pero kausapin mo ako. Please!"
Janine: "Manigas ka!!"
.........
Umalis si Rex at dali dali ko kinuha yong bag ko para umuwe.
Hindi na ako pumasok sa ibang subject ko dahil sa galit ko kay Rex.
Tawag ng tawag si Rex. Hindi ko siya sinasagot. Nagtetext at nagchachat din siya.
Hindi ko pa din pinapansin si Rex.
.......
Pumunta si Rex sa bahay. Binilin ko na wag na wag siyang papapasukin.
Nasa labas siya tinitignan ko siya sa bintana habang umiiyak ako.
May dala si Rex green rose. Alam niya gustong gusto ko yung green rose. At matagal na ako naghahanap nun.
Green Rose = Everlasting Love
Hindi ko pa din siya pinapansin. Nagsulat siya sa isang papel na nakapentel pen na.. "Mag-usap tayo. Pls? :("
Hindi ko pa din pinansin si Rex..
.....
After ilang 1hr andun pa din si Rex at umuulan na.. Naawa na ako sa kanya pero tinitiis ko. Nakita ko siyang nilalamig habang tinataas yong papel at green rose.
Pumunta si mama sa kwarto..
"Jaja, hindi ka pa ba naawa kay Rex? Basang basa na siya tsaka nilalamig na. Baka magkasakit un."
"Hindi mama. Dapat lang sa kanya yun."
......
Umalis si mama at napa-isip ako..
Masyado na ata ako nagiging masama kay Rex. Kahit pa deserve niya yun.
Pinuntahan ko si Rex at pinapasok ko siya. Bila akong niyakap ni Rex, "Beybe sorry. Gusto ko malaman mo na mahal na mahal kita."
Nagmamatigas kong sinabi.. Habang inaalis ang pagkayakap niya..
"Hindi mo ako mahal. Magkaiba ang mahal sa kailangan. Kailangan mo lang ako."
"Hindi. Kailangan kita kasi mahal kita!"
"Kung mahal mo ako hindi mo magagawang isulat pangalan ni Lia sa book mo. Liaaaaaar!!"
"Pinaglalaruan ko lang name niya."
"Wala akong pakelam. Naiinis ako. Siguro ok na muna tayong ganito. Gusto ko muna magpahinga"
"Wag mo naman gawin sa akin to beybee? Mahal na mahal kita. I'm so sorry. Sorry kung nasaktan kita at kung patuloy pa din kitang nasasaktan. Sorry kung hindi ko natupad mga pangako sayo. I can't take away all the pain that i've caused you but i want to make it up to you beybe. Please?"
.....