Please LIKE, VOTE, RECOMMEND and BECOME a FAN.
______________________________
Fate brings two people together and it is LOVE's job to keep them there.
When i was seventeen, I fell madly inlove with this boastful, funny guy named, "Rex Delos Reyes"
For adult it was just a PUPPY LOVE but for me it's TRUE LOVE.
It's the feeling of "HE'S THE ONE"
Ako si Janine Mae David..
Simple at di napapansin sa school kasi nga hindi ako ganun kaganda.
Hindi ako tulad ng ibang babae na stand-out ang ganda.
Hindi ko rin hilig ang mag-ayos. Konti powder at suklay lang pwede na.
1st year college ako nung makilala ko si REX ang lalaking nagpatibok ng puso ko.
First day ng klase..
Wala akong kakilala sa mga kaklase ko.
Sobrang tahimik ko nun ng tawagin ako ni Gab yong bestfriend ko.
"Janine! Janine! Kumustaaaa?!"
"Oh gab! Eto maganda pa din!"
"Janine, makapal pa din mukha mo ha!" sabay kurot sa pisngi ko.
Napansin ko may kasama na agad ni Gab *Tae to! Ang bilis magkaroon ng kaibigan! -.-* sabi ko sa isip ko.
"Gab, sino yan?"
"Ah oo nga pala! Janine si Rex ng pla"
"Ahhh okay! Osya papasok na ako ha? Nandito na kasi prof namin"
"Byeeee Janine!"
Si Rex siya yong tinutukoy kong lalake na sobra kong minahal.
Nakilala ko si Rex sa bestfriend kong si Gab.
Lagi silang magkasama ni Rex. Parang Bestfriend na ang turingan nila.
Tabi lang kami ng room nila Gab at Rex.
Palaging kong nakikita si Rex sa school pero walang spark.
For me, isa lang siyang ordinaryong lalake sa school.
Feeling ko kasi ang yabang yabang niya and parang masyadong mahangin yong itsura niya.
Isang araw nakita ko siya sa canteen hindi niya kasama si Gab pero
bigla siyang nagsmile sa akin. AS IN MALAKING SMILE! :)
Kinilig ako ng todo. Nahuhulog na ba ako sa kanya? Ooooh NO!
**TUGS! TUGS! TUGS!**
Isang araw pinuntahan ako ni Gab sa classroom namin kasama niya si REX
"Janine, pahiram naman ng book sa College Algebra." sabi ni Gab.
"Janine, pahiram mo na lang yong sayo sa akin, yong kay Gab panghiram mo sa iba. Gusto ko yong sayo eh." sabi ni REX.
**OMG! Ano toooooo?! Bat ganyan si Rex?**
**Kalma Janine! Wag kang assumera!**
Nabigla ako at ang tanging nasabi ko na lang ay "Oo sige, wait lang!"
Dali-dali kong kinuha libro ko at nanghiram pa ako sa iba ng libro para kay Gab.
Natapos din ang klase. Umuwi ako agad ng bahay.
Pagka-uwi ko.. Binuksan ko yong Facebook ko.
Madalas kasi akong nag-oonline para sa mga assignment na pinopost na lang..
Biglang lumitaw yong facebook ni REX sa side bar "People you might know"
"Yuck! bakit ganyan picture niya." ang tanging nasabi ko sa sarili ko ng makita ko Facebook niya.
Si Rex yong lalaking di gwapo pero mabait at ma-appeal. Inaadd ko si Rex sa facebook para wala lang. Kilala ko naman siya kaya wala naman sigurong malisya.
Biglang nag-message si Rex sa facebook ko.
***OMGGGGGGGG!***
Rex: Nareject ko Friend Request mo. Inadd na kita ulit. Accept mo!!!!!
Janine: Oo maghintay ka! Engot mo kasi eh! Hahaha! Ayaw mo yata ako maging friend kaya nireject mo!
Rex: Hahaha!!! Ayaw ko na friends lang tayo eh! :)
OMG! kinikilig ako. hindi ko alam irereply ko ..
3 minutes later ...
Rex: Hoy! Itext mo na lang ako!! eto number ko 0905*******
Janine: Oo sige tetxt na lang kita. :)
Agad kong tinext si Rex ............
-----------------------------------------
BITIN ka baaaaa?
Hindi ko na kayo bibitinin pa! Tignan niyo ang next chapter!
Thank you for the support guys! :)