CHAPTER 13 - letting go

9 1 0
                                    

------------

Do you know how it feels to let go of someone you love just for them to be happy?

Janine

-----------

"Rex, alam ko hindi mo na ako mahal so ano pang point ng pagtutuloy nito? Alam ko siya na mahal mo at hindi ako."

Umiiyak ako habang sinasabi ko kay Rex yon. TTT_TTT

Yumuko si Rex.

"Sigurado ka na ba Janine?"

"Oo. Alam ko naman ginamit mo lang ako para panakip butas mo kay Lia. Alam ko siya pa din laman ng puso mo."

Sabay turo sa puso ni Rex.

"Alam mong hindi totoo yan. Mahal kita."

"Hindi. Hindi mo ako mahal. Sana kun mahal mo ako bago mo ginawa yun inisip mo muna ako at ang mararamdaman ko."

"Sabi ko sayo joke lang yun."

"Pwes! Hindi nakakatawang joke yun. Nakakainis! Alam mo yuun?!"

"Sorry beybe. Please naman."

"Love is never having to say you're sorry."

"Ganyan ka na ba talaga katigas?"

"Siguro dahil lang ito sa lahat ng ginawa mo sa akin. Sa mga pananakit mo."

"Patawarin mo na ako. Please?" Inaabot niya yong Green Rose sa akin.

"Ano yan? Suhol? Hindi mo kayang suhulan mga sakit na ginawa mo."

"Hindi suhol to. Gusto ko lang paalam sayo na mahal kita."

"Kailangan mo lang ako Rex. Kailangan. Hindi mo ako mahal. Malaki ang difference ng dalawa."

Bakas sa mukha ni Rex ang lungkot. Pero mas bakas sa akin ang sakit at pait ng ginawa ni Rex.

Hindi man niya exactly ginawa na magka3rd party pero parang ganun impact sa akin.

Umalis si Rex. Nakita niya si mama, "Tita, alis na po ako. Salamat po sa lahat. Ingat po kayo lagi and paki ingatan si Jaja."

Mama: "Yaan mo muna si Jaja.. Siguro kailangan niya lang ng time mapag-isa."

........

Hindi man clear ang break up namin.. Pero siguro break na nga kami ni Rex. TTT_TTT Kahit masakit sa akin kailangan kong kayanin mabuhay ng wala na si Rex.

Gabi gabi iyak ako ng iyak.

Kinaumagahan magang maga mata ko.

Gab: "Janine, ok ka lang ba?"

Sa tuwing may nagtatanung sa akin kung ok lang ako.. Gusto ko umiyak. Obviously, hindi ako ok. Masakit na masakit.

Janine: "Gab, sana hindi ko na lang nakilala si Rex. Sana hindi ko na lang siya minahal para hindi ako nasasaktan ng ganito at para mabura ko siya ng ganun kadali sa alaala ko. Pero umaasa pa din ako na babalik si Rex."

Gab: "May mga bagay kasi na panahon lang ang makakapagturo sayo. Madalas malalaman mo ang halaga ng isang tao kapag wala na siya sayo. Umaasa ka na lang na babalik siya na maibabalik niyo ang dati. Pero ang puso hindi mababago ng ganun ganun na lang."

Umiyak ako ng sinabi ni Gab yon. Iyak ako ng iyak. 

...................................

"Ja, shot na natin yan!"

"Ja, bigyan kita bagong katxt para malimutan mo siya."

"Ja, happy independence day!"

Yan an parating naririnig ko na sinasabi ng mga kaibigan ko.

............

After one month..

Hindi pa din ako nagpalit ng # kasi umaasa pa din ako babalik si Rex at itetxt ako. Kahit gusto ko na magpalit at kalimutan si Rex.

Hindi ko pa din binubura ng message at pictures namin. Dahil yun na lang ang tanging alaala ng pagmamahalan namin dalawa ni Rex.

Si Rex pa din ang tinitibok ng puso ko. Mahal na mahal ko si Rex.

Gab: "Ja, alam mo ba nakita ko si Rex kasama si Lia. Nag-gm nga siya new number na siya."

Janine: "Talaga? Hindi ba niya alam yong 3 month rule? Wala pa nga lumalande na!"

Gab: "Kalma lang ja. Gusto mo kausapin ko?"

Janine: "No need. Ako na lang."

........

Nagfacebook ako.. Nakita ko ang dameng likes and comments ni Rex sa facebook photos ni Lia.

Sobrang sakit. Sh*t!! Ang kapal ng mukha mo Rex!!!!

Nagmessage ako sa galit ko kay Rex.

"Wow! Kakabreak lang may nilalande na agad?! Ganyan ka ba talaga? Hindi mo ba alam yong 3 month rule?! May 2 months pa ako!!!!! Sana alam mo yun!!!!"

Hindi ko na hinintay magreply si Rex at nag-log out na ako.

.....

Nakasalubong ko si Rex.

Hindi ko makita sa kanya yong pait ng pagkabreak namin at nakakasmile pa siya na abot tenga sa akin.

Inisnob ko si Rex at sinamaan ng tingin.

May nagtext sa akin hindi naka-register na number.

From: +639067253***

"Wag mo naman ako awayin kapag nakikita mo ako sa school."

Naisip ko agad si Rex yun.

Nagreply ako.. "So whaaaat?! Pakelam mo? Gusto ko eh!!"

R: "Gusto ko maging friends tayo." 

J: "Ayoko maging friend mo. Hindi kita kailangan madame akong friends!!"

I guess totoo nga na you can't be friends with someone you really love. Sobrang hirap!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 12, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

US to dustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon