Chapter 1: The Beginning

2.9K 31 2
                                    


Chapter 1: The Beginning

Faith's POV:

Haay. Simula na naman po ng pasukan. Anyway, 7:30 ang pasok. Pero eto ako ngayon kumakain and guess what, its already 7:00 am and as usual late na naman ako. ANG SAKLAP >___<
Pero ang mas nakakainis, eh yung ginawa mo na nga yung best mo para di ka malate pero pagyapak mo pa lang sa gate ng campus bubungad agad sayo yung mga mukha ng kaibigan mong nagpupuputak tapos magsasabi na naman ng kung anu-ano. Hays.

"Aray! Ano ba naman yan kuya? Binibilisan ko na nga pagkain ko dito para makapasok ako agad tapos magpapalipad ka pa ng kutsara sa ulo ko?" bastusan? batuhin ba naman ako ng kutsara?!

"Hoy, lokohin mo lelang mo. Anong binibilisan kumain jan na pinagsasasabi mo? Lumilipad nga yang utak mo, bumubulong-bulong ka pa, tapos sasabihin mo kumakain ka?"

"Ah ewan ko sayo. FYI, wala akong lelang no, kung anu-anong sinasabi mo. Dami daming alam na salitang kalye netoh. Hmp. Alis na nga ko!" Kainis talaga tong lalaking toh..

"Wag mo sabihing aalis ka ng hindi naliligo? Ang gulo-gulo mo talagang kausap. =__=" kung makapagsalita kala mo tatay ko, eh iilang minuto lang naman tanda sakin nyan. Psh.

Ah ewan ko sayo, aakyat na nga ako.

"Hoy, wag mo nga akong tinatalikuran!" oww pikon na siya. ^___^

"Sabi mo wag kong sabihin, tapos ngayon na hindi ako nagsasalita nagpupuputak ka na naman jan. Sino satin magulo kausap ha?"

"Ah ewan ko sa'yo, umalis ka na nga!"

"Pinaaalis mo ko eh diba sabi mo nga bakit ako aalis ng hindi naliligo diba?!"

"Kayong mga bata kayo, kahit kailan talaga. Palagi na lang kayong ganyan." biglang sulpot ni yaya sa harapan namin ni Kuya.

"Siya kasi yaya eh!" ako at si kuya na sabay pang nagturo.

"Anong ako? Ikaw kaya!" sabay na naman..

"Bakit ka ba nanggagaya ha?!" sabi ni Kuya.. Hahaha.

"Hoy France Andrew Chua, para sabihin ko sayo, hindi ako mag-aaksaya ng panahong gayahin ka kasi FYI lang hin--"

"Tama na nga yan, magsitigil na kayo! Gusto nyo bang isumbong ko kayo sa mommy ninyo para pag-samahin kayo ng school? Faith, umakyat ka na sa kwarto mo. Sige na mag-ayos ka na! Ikaw naman Andrew, bilisan mo."

"Opo yaya/ Opo yaya."

Sinamaan niya ko ng tingin at inirapan ko naman siya. Hindi kami magkasama sa iisang school ni Kuya. Nag-aaral ako sa school na pag-aari ni mommy. Siya naman ayaw niya. Pero nung 1st year dun siya nag-aral. Ang dahilan kung bakit lumipat ang magaling kong kakambal? Well, saka na natin pag-usapan yan. Dahil sa bangayan namin ni kuya, ayun 7:10 na. Pero ok lang yan, mabilis naman akong kumilos eh.
-
-
-
-
-
Ayan gorabels na ko. Si kuya ayun nakalayas na. Nagpaalam na ako kay yaya. Naglalakad na ko ngayon papuntang campus na 5 mins lang pag nilakad. What time is it? 7:20. Nah, ok lang yan kami naman may ari eh. ^__^

Btw, ako nga pala si Faith Ashley Chua. Kaming tatlo lang sa bahay. Si mommy nasa Japan, si daddy naman nasa Korea. Pareho silang nag-aasikaso ng business dun. Kaya eto kami, simula pagkabata yaya na namin ang nag-aasikaso saming dalawa. Pero hindi naman sila nawawala pag may importanteng okasyon.

Akala ng lahat, si kuya ang heir ng school. Ang alam nila, kamag-anak ko lang si Kuya. Hindi nila alam ako ang heiress talaga. ^__^
1st year pa lang ako akin na yung school na yun kasi kay mommy yun.

Fall in Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon