Chapter 2: Meet the Warfreak
Joy's POV
I'm Angel Joy Collins. Ang sabi nung tatlo dapat daw 'Devil Joy' at hindi ANGEL ang ipinangalan sakin ng mga magulang ko kasi daw bukod sa napakasama raw ng ugali ko eh napakawarfreak ko daw. Asa naman. Edi kung may problema sila sa pangalan ko magulang ko na lang kausapin nila. Hindi ako warfreak, (freak lang) ayaw ko lang talaga na may mga taong tinatapak-tapakan pero wala naman silang ginagawa. Simula pagkabata, yaya ko na ang nag-aalaga sakin. Magbestfriends ang parents ko at parents ni Faith. Kaya magkasama rin kaming lumaki.
Nandito kami ngayon sa cafeteria pero hindi pa rin kami umoorder ng pagkain. Ang tagal kasi ni Faith, nasa library pa, ewan ko kung anong ginagawa nya don. Wala naman kaming assignment. Kami namang tatlo mamatay-matay na sa gutom kahihintay sa kanya.
15 minutes na kaming naghihintay dito. Tsk. Buwisit na takureng yan, hindi ko pa naman ugali ang maghintay!Napakatamad na tao pa naman nitong si Faith. Kung anong ikinasipag ng parents niya, sya namang ikinatamad ng taong yun. Kainis. =__= Pero ano naman kayang ginagawa nya don?
-
-
After 10 minutes dumating na rin.
--__--"Tagal mo naman. Ano bang ginawa mo dun?" sabi ni Love.
"Paimportante lang? Gutom na po kaming tatlo." sabi naman ni Wisdom na hinihimas-himas pa yung tyan nya.
"Sorry naman. Eh basta, secret ko na lang yung ginawa ko dun. ^__^"
"Bakit ba kasi hindi mo sinamahan ng konting bilis ha, Faith. Alam mo naman na hindi ko ugali ang maghintay eh, diba?" baling ko ng tingin kay Takure.
"Whohoo! Parang double meaning yan Joy ah!" sabi ni Faith. Nang-asar pa ang kingina. Tch. -_-
"Tss. Order na lang tayo. Gutom na ko," pag-iiba ko ng usapan. Ayoko ng alalahanin pa ang bagay na yun. Isang taon na rin naman ang lumipas.
Umuna nang makaorder si Love at Wisdom. Di naman mapaghahalataang gutom eh, diba?
"Manang pabili nga po ng isang order ng palabok, dalawang ice cream, isa pong french fries, at isa pong hamburger tapos po pakisamahan na rin ng water."
"Grabe ka Faith? Mauubos mo talaga yan?" parang patay-gutom. =__= Tss. Pero ang maganda dito sa babaeng toh, kahit mayaman hindi maarte. Ganundin yung dalawa. Kaya kahit ganyan yung mga ugali nila, at dikit ng dikit sakin si Love at Wisdom, hinahayaan ko na.
"Naman. Walang bayad. Owner amg bumibili eh." bulong niya sabay kindat. Tss.
"Unfair."
"Ghe. Una na ko ha." tinanguan ko na lang siya.
"Manang, pabili nga po ng tatlong slice nung black forest cake, isang ice cream at isang coke."
Nung makuha ko na yung order ko, naglakad na ko papunta sa table namin. Syempre hindi ko naman yun pwedeng takbuhin dahil matatapon yung pagkain ko at mas lalong hindi ko yun pwedeng languyin dahil hindi naman aquarium ang cafeteria.
And speaking of MATATAPON. Eto ngayon yung kinahinatnan ng pagkain ko. May tatanga-tangang babae na may hawak na juice ang BUMUNGGO sakin. Tsk.
Pero sakin natapon at hindi sa sahig. Malas. Yung juice nyang hawak naibuhos sa cake ko at yung ice cream at coke natapon sa uniform ko. Tsk, sayang. Madalang pa naman ang black forest cake dito, at kapag pumila ulit ako, o kahit hindi ako pumila, wala na akong mabibili. Swertehan na nga lang at nachambahan ko pa yun kahit kanina pa ang break. Lecheng yan. =___=
At yung babae, si Angelica na naman. Yung impaktita kahapon. Pati yung mga estudyante na sobrang iingay, natahimik.
"You b*tch! Watch where you're going!"
BINABASA MO ANG
Fall in Love Again
Подростковая литератураIsang kuwentong sisimulan ng mga bida. Walong bidang nagkakilala sa Khajie High, na nagsimulang magtagpo sa silid-aralan. Nagsimula sa pag-aaway, pagbabati, pagiging magbabarkada. Walong magkakaibang taong may iba't-ibang ugali, iba't-ibang panan...