Chapter 5: Badtrip
Love's POV
Kahit na ayaw na ayaw mong magmura mapapa-putangina ka talaga. Bakit? Kung makikita mo bang na-vandalize at binutasan ang gulong ng kotse mo, hindi ka ba maiinis?
Arggh! Bwiset na buhay naman oh! Bakit ba kase sa dinami-rami ng mga taong may kotse jan, yung kotse ko pa yung napiling pagtripan?
Aishh. Ano nang gagawin ko? Maglalakad ba ko? Hello! Ang layo kaya ng mall na 'to sa house namin. Magpalipas ng gabi sa kahit saan? Ayaw.
Aha! Alam ko na! Tsk. Tsk. Ang talino ko talaga. Tatawagan ko na lang si yaya para ipasundo ako sa driver namin. Haha. ^O^
Kinuha ko na ang cellphone ko sa bag ko pero kung minamalas ka nga naman! Dead batt na siya. Mukhang wala na nga talaga akong magagawa kundi ang pumara ng taxi. First time kong sasakay sa tanang buhay ko. Huhu T__T
10 minutes
-
-
-
30 minutes
-
-
-
1 hour
-
-
-
1 hour and 30 minutesPunyetang buhay naman oh! Bakit ganun? Wala man lang taxi na dumadaan dito! Nakakainis na ha!
"Uhmm. Miss, mukhang di ka pa makauwi ah?"
pagtingin ko dun sa lalaking nagsalita. What the eff! Si yabang na pogi!!Di ko na lang sya pinansin.
"Sakay ka na Ms. Sungit oh! Wag kang mag-alala di naman kita mamanyakin eh. Hahaha."
Nakakainis ka nang lalaki ka!!
"By the way I'm John Carlo Park. Nice to meet you! *wink*"
Konting-tiis lang. Inhale. Exhale. Hingang malalim. Whoo. Timpi lang.
"Oh, what happened to your car? Mukhang minamalas ka ha? Tsk. Tsk. How sad!" dun sa tono ng pananalita niya halata mo na nang-iinis talaga siya.
Arrgh! Napipikon na talaga ako sa lalaking toh!
"NANG-IINIS KA BA TALAGA HA? HINDI MO BA NAKIKITA KUNG GAANO AKO KAMALAS NGAYON HA?"
"Whoah. Miss, chill. Ganyan ka pala makipagkilala? Parang wala kang manners ah?" natatawa nyang sabi.
"Manners? Manners your face! Bakit naman ako magpapakita ng manners sa taong hindi naman dapat pakitaan ng ganon ha?"
"Tsk. Alam mo ikaw Miss, ikaw na nga tong inaalukan ng free rides papunta sa inyo ayaw mo pa! Tapos magpapakilala na nga lang ng pormal sayo, maninigaw ka pa! Bahala ka nga miss! Jan ka na!"
"Talaga! Tse!" pagkasabing-pagkasabi ko nun, bigla niya na lang pinaharurot yung kotse niya palayo. Hmp. Kala mo kung sinong gwapo, eh gwapo naman talaga.
Huwhat? Ano yung sinabi ko? GWAPO siya? Erase erase. Hindi ko yun sinabi nuh. Nababaliw na talaga ako. Tsk tsk tsk.
Nagsimula na kong maglakad-lakad. Huhu. Grabe. Katakot naman. Ang dilim-dilim na!
Hmm. Anong oras na ba? 7:45 p.m. na pala pero hindi pa rin ako nakakauwi samin. Huhu. Anong nang gagawin ko ngayon?
Makapunta na lang muna kaya sa bar nila Faith? Malapit na lang naman yun dito. Lakarin ko na lang. Whoo. Tapos magpapahatid na lang ako sa kanya papunta samin. Haha. Ang talino ko talaga.
-
-
-
-
Whoo. Sa wakas. Okay na. Nandito na ko sa tapat ng bar. Sure naman akong papapasukin ako kasi kakilala na nila ko dahil kaibigan ko si Faith.Nagdire-diretso lang ako papasok. Yuck.
Andaming mga naglalampungan sa gilid tapos yung iba. Eew, kung makikita mo nakakasuka sila.
Kahit na madalas akong nakakapunta dito, naninibago pa rin ako sa nangyayaring KABABALAGAHAN sa paligid.Pumunta na kong VIP area..
"Uhmm, Kuyang Bouncer, dumaan po ba dito si Faith?"
"Ahh Miss Love, hindi po eh pero po pinapasabi po ni Ms. Faith na kapag meron daw pong may kailangan sa kanya pakitawagan na lang daw po siya." sabi ni Kuyang Bouncer.
"Okay po Kuyang Bouncer. May charger po kayo?" lulunukin ko na lang muna yung hiya ko. Gustong gusto ko na talagang umuwi eh.
"Opo mam. Nandun po sa gilid." sabi ulit ni Kuyang Bouncer.
"Okay po."
Pinuntahan ko na yung GILID na sinasabi ni Kuyang Bouncer.
Nandun nga yung charger tapos may malapit na socket dun kaya dun ko na lang chinarge.
5%...
-
-
-
15%...Ayan okay na kahit na 15% lang.
*riing
*riing"Hello?"
[Oh Love bakit ka naman tumawag?]
"Wow. Ganda ng bati mo ah. Matapos nyo lang naman akong IWAN, ayun hindi lang naman ako nakauwi samin."
[May kotse ka naman di'ba? Sabihin mo na agad. Pupunta kong bar eh. Sunduin na kita kung nasaang lupalop ka man. Sama ka ba?]
"Andito nga ako sa bar nyo eh. Nasira kasi yung kotse ko. Kung bakit naman po kasi iniwan nyo ako."
[Paanong hindi ka namin iiwan eh ang tagal tagal mo. Sabi mo saglit ka lang. Eh ilang oras ka naming hinihintay don. Maghintay ka jan papunta nako.]
"O sige bilisan mo. Bye."
*toot*
Ayun, sa wakas. Hahaha. Makakauwi nako. Whoo.
Hinintay ko na lang si Faith at after 15 minutes of waiting, sa wakas dumating na rin ang gaga. Tsk tsk. Kaskaserang driver. Sumbong kita kay yaya eh. XD"Tara na nang makauwi ka na sa inyo. Baka hinahanap ka na ni Yaya nako ka. Haha. Pagagalitan ka na naman nun." sabi ni Faith tapos bumaba na kami.
"Oo na, oo na. Tsk. Tara na nga." sabi ko saka hinila si Faith palabas pero bago yun, nahagip ng mata ko si Mr. Handsome na may kasamang dalawang guy at isang lalaking hindi ko inaasahang makikita ko.
~* View Characters *~
Bae Irene as Love Anrielle Monteverde
Kim Taeyeon as Faith Ashley Chua
Im Yoona as Anne Wisdom Alcantara
Chou Tzuyu as Angel Joy Collins
Kim Taehyung as Lennon Yohan Sy
Byun Baekhyun as John Carlo Park
Lu Han as James Klein Buenavista
Jeon Jungkook as Benidick Angelo Dominguez
BINABASA MO ANG
Fall in Love Again
Teen FictionIsang kuwentong sisimulan ng mga bida. Walong bidang nagkakilala sa Khajie High, na nagsimulang magtagpo sa silid-aralan. Nagsimula sa pag-aaway, pagbabati, pagiging magbabarkada. Walong magkakaibang taong may iba't-ibang ugali, iba't-ibang panan...