Chapter 6: Twins
*ito yung nung nagpunta sila sa mall*
Faith's POV:
"Bultaoreune. Fire!"
Ang ingay! Pinatay ko agad ang cellphone ko at natulog uli.After 5 minutes...
"Bultaoreune. Fire!"
pinatay ko uli yung cp ko.5 minutes later...
"Bultaoreune. Fire!"Badtrip! Lintek! Nakakainis! Sino bang tumatawag? Pagtingin ko si Love lang pala. Tss. Istorbo masyado. Sabado naman ngayon eh tapos 9:45 pa lang ng umaga! What's with her? Alam nya namang natutulog pako eh. Dali-dali ko syang tinawagan.
"HOY LOVE! ANG AGA-AGA NAMBUBULABOG KA! BAKIT BA?"
[Relax. Grabe. Ikalma mo puso mo. Mag-ayos ka, susunduin ka namin jan, mall tayo.]
"Tss. Magmamall lang naman pala, eh bat ang aga-aga mo kong ginising?"
[Duh. Kung hindi kita gigisingin ngayon, 1:00 ka na gigising! Edi hindi ka na namin nakasama! Sige na we'll fetch you later. Bye.]
*toot*
Psh. Daming alam sa buhay. Naligo na ako at nag-ayos. Hindi nako kumain kasi alam ko naman na pagkain ang ipinunta nung mga yun dun. Hindi naman mahilig magshopping si Joy. Si Wisdom naman puro comic books lang nina Doraemon at Detective Conan ang bibilhin tapos yung mga manga ba yun? Ah ewan. Halos mapuno na nga ni Wisdom yung isang buong kwarto sa bahay nila ng libro eh. Tsh.
"Hoy Faith bumaba ka na jan, bilisan mo!" rinig kong sabi ni Love. What the? Eh kakatawag nya lang kanina ah?
"Gutom na kami! Alis na tayo!" sabi naman ni Wisdom.
Haay. Kahit kelan talaga sila. Ni hindi man lang sila nagdoorbell o kaya hinintay si yaya na pumunta sa pinto at pagbuksan sila. Psh.
Bumaba na ako at niyakag silang umalis.
"Yaya, alis lang po ako. Kasama ko naman po si Love, si Joy at tsaka si Wisdom. Uwi na rin po akong mamayang 6 p.m. Bye po!" pagpapaalam ko.
"Sige, hija. Basta wag magpapagabi ha! Umuwi ka kaagad o kaya magpasundo ka na lang kay Andrew mamaya!" rinig kong sabi ni Yaya.
"Opo. Sige po, alis na po ako."
Pagkatapos nun, dumiretso na kami sa mall. Nakasakay ako sa kotse ni Wisdom. Si Love naman, may sariling kotse. Bakit kasi ako wala? ~T_T~
Haay. Tapos si Joy naman sa motor nya nakasakay. Hindi sya sumasakay sa kotse. Ang bagal daw kasi namin mag-drive. Psh.*Mall*
Dun muna kami sa fooodcourt tumambay. Ito naman agad yung una naming pinupuntahan eh.
Soup yung kinain ko tapos si Wisdom ayun nakatitig na naman sa cellphone nya habang kumakain. Ito namang si Joy, chocolates at cookies agad ang tinira. Si Love naman, ewan ko. Parang ang lalim ng iniisip.
"Psst, napano ka Love? Bakit tulala ka jan?" tanong ko sa kanya.
"Hah? Ah wala. Naisip ko lang si Mommy and Daddy." sabi nya naman.
"Alam mo Love, kaya nga tayo pumunta dito para makapag-enjoy eh. Tsk."
"Ok. Wait lang ha? May pupuntahan lang ako." pag-iiba naman ni Love ng usapan. Naubos na nya kaagad yung kinakain nya.
"Sama." mahinang sabi ni Joy. Medyo nagulat siya kasi hindi niya yata inaasahang maririnig yun ni Love. Haha. Ang lakas-lakas kaya ng boses nya. Kaya kahit mahina, maririnig pa rin ng kahit sino.
BINABASA MO ANG
Fall in Love Again
Подростковая литератураIsang kuwentong sisimulan ng mga bida. Walong bidang nagkakilala sa Khajie High, na nagsimulang magtagpo sa silid-aralan. Nagsimula sa pag-aaway, pagbabati, pagiging magbabarkada. Walong magkakaibang taong may iba't-ibang ugali, iba't-ibang panan...