"Done kissing my girl?"
Nagka tinginan ang kanilang mata at parang tinutunaw si Fancie sa titig na iyon,tumulo ang mga butil ng luha sa kanyang mata. Nakaramdam siya ng lamig sa katawan at init na pinag halo, at sumabay pa ang sakit ng ulo niya na ngayon lang tumalab dahil sa ininom niya yata kaninang mild na alcohol, mahina pa naman ang tolerance niya sa alak, pero kahit na ganoon ay mas nangibabaw ang kaba ng dibdib niya kesa sa lahat ng nararamdaman niya.
Masamang naka masid si Leo sa asawa na nasa likod nito. Umigting ang panga niya sa galit na nararamdaman. Gusto niyang sigawan ang asawa ngayon at sugurin ang lalaki pero alam niyang isa itong birthday party na hindi dapat mag eskandalo. At nagulat siya sa ginawa ng asawa, kahit gusto niya itong tulungan ay hindi niya magawa dahil masyadong mataas ang pride niya.
Humawak si Fancie sa mag kabilang gilid ng pool at sinubukang umahon, pero hindi sapat ang lakas na iyon para makaahon siya. Sinubukan niya ulit ngunit natumba nanaman siya sa tubig, hinawakan siya ni Kevin para maalalayan pero tinabig niya lang kamay nito, patuloy pa din ang pag agos ng luha niya habang pinipilit niyang umahon sa tubig, hindi naman sa pagiging O.A pero wala siyang gustong gawin kung di mag-explain sa asawa kahit nag mumuka na siyang tanga kakaahon.
Sa huling try niya ay mas nahilo at natumba siya, bigla na lang nag block ang paningin ni Fancie at hinimatay ito. Na alarma ang dalawang lalaki, kahit masakit ang loob ni Leo ay wala siyang pangundangan na tumalon at inagaw ang asawa sa lalaking humalik kanina dito.
"Get off your shitty hands!" -Sabi ni Leo na may pag babanta sa binata, sumunod naman ito sa sinabi ni Leo.
Mabilis na naka ahon si Leo ng walang kahirap hirap habang buhat ang asawa. Agad siyang lumabas ng bahay ni Hannah na pinsan ni Fancie at pumunta siya sa sasakyan. Inilagay niya sa tabi ang babae at umikot siya pagkatapos para sumakay sa kabila. Tumingin siya sa kabuuan ng dalaga, at ngayon niya lang napansin ang suot nito. Napamura siya bago hubadin ang jacket at ipinatong sa katawan ng asawa, napa lunok siya ng makita niya ang maamong muka ng asawa at sa kabuuan nito. Kaya pala akit na akit hayop na yon sa asawa ko! Sa isip isip ni Leo.
Kailangan niyang pagsabihan ang asawa pag ito'y nagising na, hindi siya papayag na palagpasin ang nangyari ng ganon-ganon lang! His too wise para makampante, paano kung mangyari nanaman ito sa asawa, hindi na siya makakapayag pa!
Mabilis na nakarating ang mag asawa sa kanilang bahay, agad na lumabas ng sasakyan si Leo para buhatin si Fancie at ipasok sa loob ng bahay. Binuksan niya ang pinto ng bahay at dire-diretsong pumunta sa harap ng kwarto ni Fancie. Nang hawakan ni Leo ang pinto ng door knob ay naka-lock ito. Siguro ay pupuntahan na lang niya si Manang Dub para kuhanin ang spare keys sa loob ng kwarto ni Fancie. Bumababa siya nadaanan nila ang living room napatingin siya sa wall clock nila sa bahay. Nag igting ang panga niya ng maalalang tulog na ng ganitong oras ang matanda.
Napa tingin siya sa babaeng buhat-buhat niya. Biglang uminit ang pakiramdam niya at nag alab ang mata, napa iling siya sa kanyang nararamdaman. Hindi ito ang oras para magwala ang kanyang sandata! Sa isip isip niya. Hindi sila pwedeng magtabi.....basta hindi pwede!
Napa-tingin siya sa guest room. Siguro naman ay hindi ito naka lock. Sa isip ni Leo. Lumapit ito at hinawakan ang door knob. Napa-mura nanaman ito sa pangalawang pag kakataon.
Wala na siyang choice. Siguro ay sa couch na lang siya matutulog. Umakyat ulit si Leo habang buhat ng pa bridal style ang asawa. Dahan-dahan niya inilapit ang kamay sa door knob, hirap din kasi siya dahil dalawa ang gamit nitong kamay sa pag buhat sa asawa. Binuksan niya ito at inihiga sa kama ang dalaga, napansin niyang basa ang suot nito, nag aalala siya na baka magkasakit ito pag nakatulugan na basa ang damit.
BINABASA MO ANG
He's My Teacher slash Husband
RomanceHindi lang basta-basta ang buhay meron ako. Kamusta naman daw ang lalaking nasa harap ko? Well Teacher,mayaman, matalino, maputi, matangkad, gwapo at ma-bato----- I mean, hindi siya ung type ko >.< ! Basta! Kahit ma-bato ang katawan niya hindi ko s...