Love is deaf... You can't just tell someone you love them. You have to show it. -I.L.Q
—
SWEET foods are the best! Yummy! Andito ako ngayon kila Bea. Anong ginagawa ko? Ano pa edi kumakain ng chocolate! Sa bahay kase bawal ang mga gantong pagkain lalo na ang junk foods. Nakakainis! Hindi naman ako mamatay pag kumain ako nito pero, sa tuwing bibili ako makikita ko na lang na nasa basurahan na ung chocolate or junk foods kong kinakain.
Ilang movie na rin ang napapanuod namin ni Bea pero wala kaming sawa! Ako ang namimili, pano pag siya ang mamimili, ung censored na movie ang pipiliin! Inosente pa ako no! Green kasi ang utak nitong kaibigan ko, sarap kutusan!
"Girl, may itatanong sana ako." -Sabi ko sa kanya.
Naka tingin pa rin kaming dalawa parehas sa plat screen tv niya na bagong bili, Isa din sa mga dahilan kung bakit ako nandito para basalan un. hahah
"Ano yun?" -sagot naman niya halatang busy kakanuod at pagkain ng junk foods.
Ang ganda kasi ng pinapanuod namin. Kaya hirap akong kumilos at dahil halos nasa kandungan ko ang mga pagkain.
"Paki tingin naman kung ano ng oras.." -sabi ko.
Dahil sadista ang babae na 'to. Binatukan niya ako. Wala na ngang laman ung utak ko, binatukan pa! Hays! Pasalamat siya mahal ko sya.
"Aray ko yah!" -Sigaw ko sa kanya.
"Ba't ba kasi ang tamad mo!" -sigaw niya sa akin pabalik.
Binatukal ko siya ng chips, kaya binatukal niya din ako, at nung maubos ung chips ay ung mga balat naman ng junk foods at chocolate ang ginamit namin at nagbatukalan ulit, hanggang sa magsawa kami. Tawa kami ng tawa pagka-tapos.
Bigla akong naalarma, gosh! ano ng oras? Tumakas lang ako kay Monggi! Agad kong hinanap ang phone ko.
"6:30?!" -sigaw ko ng makita ang oras.
Lagot na talaga ako sa Monggi na un! Ala singko pa lang ng hapon ay isinasarado na niya ung gate. Baka sa labas ako patulugin ng Monggi na un! Nung last time akong umuwi ay sa couch ako natulog! I-lock ba naman ung sarili kong kwarto!
Sa sobrang inis ko nun ay nilagyan ko ng mantika ang labas ng pinto niya, pero sa di malamang dahilan ay hindi man lang siya nadulas at pagkagising ko hindi na madulas ung labas ng pinto niya at walang bakas ng mantika.
"Grabe ang OA mo friend. Ang aga-aga pa kaya." -Sabi nito sabay higa ulit sa kama.
Pinanlakihan ko siya ng mata. Alam niya naman e! Monggi hate late. Hate stupid. Hate repeating. At lahat ng hate niya na un ay ako!
Nanlaki na din bigla ang mata niya. Napatayo siya at kinuha ang phone niya.
"Holy cow! Nalimutan ko friend! " -Sabi pa nito.
Kinuha niya ung mga gamit ko, at tinawagan niya si Manong Haner, para ihatid ako sa bahay namin. Naglakad ako ng mabilis pababa ng hagdan.
"Bye Friend! Kita na lang tayo bukas!" -sigaw ko habang papalabas ng bahay ni Bea.
Hindi ko na hinintay ang sagot niya at tumakbo na ako sa kotse para sumakay. Gosh! Kung ano-ano nanaman ang sasabihin ng lalaki na un! Sasabihan nanaman niya akong isip bata at napaka stupid! Wala na yata akong ginanawang maganda sa mata niya.
Hindi ko alam pero, sa tatlong taon ko siyang kasama, sa kanya lang ako nasisindak at napapaurong ang dila kung minsan pa nga ay barado ako pag sumasagot ng wala sa katwiran.
BINABASA MO ANG
He's My Teacher slash Husband
RomanceHindi lang basta-basta ang buhay meron ako. Kamusta naman daw ang lalaking nasa harap ko? Well Teacher,mayaman, matalino, maputi, matangkad, gwapo at ma-bato----- I mean, hindi siya ung type ko >.< ! Basta! Kahit ma-bato ang katawan niya hindi ko s...