"In the book of life, the answer aren't in the back." -Charlie Brown
-----
Sabado walang pasok, balak ko sanang bumisita kay Leo sa office nya, sabi kase ni Manang nasa office daw ito ng company nila. Akala ko ay hindi na ito nagpupunta pa doon, bukod kase busy ito sa school ay napaka dami pang gagawin dahil sa mga graduate students ngayong taon, at isa na ako doon.
Habang nag bibihis ako ay, hindi ko alam kung ano bang magandang suotin, madami akong damit pero di ko alam kung alin ang magandang isuot ngayon araw. Gusto ko naman maging maganda sa paningin ni Leo, feeling ko talaga ay nagiging malapit na kami sa isa't isa, mas nagiging totoo sa pakiramdam ko ang sinasabi nilang buhay mag-asawa. Nararamdaman ko ang ilang pagbabago nito, mas inaalala na nya ko at palagi ng dumadalas ang pagnanakaw nya ng halik, lalo na kapag na sa bahay kami, kahit kaharap namin si Manang Dub ay wala syang pake.
Napagdesisyunan kong mag skirt, a high waisted pleated mini skirt, with a basic white halterneck crop top, a light pink sling shoulder leather handbag, and an adidas superstar vulc shoes. Ready to go!
Paglabas ko ng kwarto ay napansin ko na mahangin, mukang maganda ang panahon, may biglang isang piraso ng papel na punit ang lumipad na pumatong sa ibabaw ng shoes ko. Kinuha ko ito at tinignan ng mabuti, a round gold ring, lukot na ito at parang sadyang pinunit.
Maganda, ang ganda ng ring. Bat naman kaya punit 'to? tas lukot lukot pa? Saan kaya nakakabili ng ganitong ring? Feeling ko kung hindi ito lukot lukot ay napaka ganda na 'to sa picture. Magpabili kaya ako ng ganito kay Leo? Kaso parang wedding ring naman kase to ye, meron naman na kaming wedding ring. Napangiti ako ng mapait, bakit feeling ko nabitter naman ako sa wedding ring nato? Parang na intimidate ako, kung simple tong nasa litrato ay mas simple ang amin. Silver ang wedding ring namin samantalang ito ay gold at may diamond pa. Isang silver plain wedding ring ang napili ni Leo noon, parang wala pa nga sa loob nya ang pagpili noon. I smiled bitterly. It doesn't matter right now, I have Leo beside me and that is fine.
I realized last night, kung iiwasan ko si Leo ay wala lang din kwenta. Kasal kami kahit balik-baliktarin ko pa ang mundo. At narealized ko din kung gaano na ako attached sa kanya, kung gaano katindi ang epekto niya sa akin, kung gaano ko sya namimiss kapag umaalis sya at napapalayo sa akin, in short napaka laki na ng part nya sa puso ko, baka nga buong puso ko pa. Dahil kagabi ko narealized ko kung gaano ko sya kamahal simula pa noon, na parang tumindi lang at mas lumalim pa habang tumatagal. At walang gamot na makakapigil sa nararamdaman ko...
I keep the picture inside my bag. Lumakad na ako, wala kaming driver, meron actually pero andoon sa bahay nila Mom and Dad. Ayoko naman ng istorbohin iyon, minsan ay andito ang family driver namin para magamit ko, pero sa ngayon ay ayoko munang istorbohin ang mga tao sa paligid ko. I can handle naman na, malaki na ko.
Nag cab na lang ako at sinabi ang lugar na aking pupuntahan. Kinakabahan ako, first time ko kase syang pupuntahan sa kanilang company, gusto ko lang naman syang ayain lumabas para mamasyal o kaya'y kumain. Ilang minuto lang ay nasa tapat na ako ng company nila, isang matanyag na building ang bumungad sa akin, pumasok na ako doon, kilala na ako ng ibang stuff dito dahil madalas kami ni Mom dito dati kapag may meeting si Daddy dito sa company nila, madalas kase namin sunduin si Daddy pagkatapos nya dito, hindi din naman ako naglilibot sa building na'to kaya hindi ko din talaga alam at kabisado kung saan ang office ni Leo.
Nagtanong ako sa information table, sa pinaka tuktok pala ang office ni Leo, mukang medyo magtatagal ako ya, hays namimiss ko na kase sya talaga eh. I can't wait to see him na.
--
....and done. Everything is settled. Leo would be surprise, I know that. I smiled sweetly thinking Leo is in shock seeing me as his secretary. Well, tomorrow pa naman yon and as of today I need to treat myself for a job well done!
BINABASA MO ANG
He's My Teacher slash Husband
RomanceHindi lang basta-basta ang buhay meron ako. Kamusta naman daw ang lalaking nasa harap ko? Well Teacher,mayaman, matalino, maputi, matangkad, gwapo at ma-bato----- I mean, hindi siya ung type ko >.< ! Basta! Kahit ma-bato ang katawan niya hindi ko s...