Sorry sa long no update guys :D Napaka busy ko this year, ganon siguro pag maganda laging busy, alam nyo na, rampa dito rampa jan. Pero totoo nga medyo naging busy ako, puro pimples na ko! Exam.tour.event.party.exam.event.review.review.exam.exam. mag-e-explode na utak ko! hahah push me luck guys para sa up coming exam ko ulit, so stressing.
Hope you enjoy reading my-not-so-perfect-story! Love you guys for reading this nagulat ako 1k na siya love you guys! Sobrang dami na para sa akin ng 1k, compare to the other stories na millions, sapat na sa akin ung kalalabasan nito even just a hundred views, and thankful kasi nag thousands pa siya. :D
—
MAAGANG nagising ang dyosa na nag-ngangalang Fancie. Parang hindi nga ako natulog at may eyebag pa. Lagi kasing nag-papa-flash sa utak ko ang pag-halik ni Leo sa akin, naiinis ako dahil don dahil nasira ang beauty rest ko, ngayon pa lang din naman ako papasok after two days na absent ko. Pero ok lang 'to, ang dyosang ipinanganak ay dyosa hanggang sa pag tanda. Keri lang ang eyebags na yan!
Naligo na ako para laging mabango ang dyosa nyo. I-ku-kwento ko pa ba kung paano ginawa ang pag-ligo ng isang dyosa? Well sekret na'yon. hahah syempre nag hilod ! tapos gamitin nyo ung pinaka magaspang na bato sa labas ng bahay nyo saka 'yon ang gamitin nyo para pati balat nyo tanggal, baka pagkamalan pa kayong porinjer sa pula at baka maging famous ka pa.
Mapino at dahan-dahan akong bumaba ng hagdan sa bahay namin, at pumunta ako sa dinning table para kumain, at nakakagulat dahil naka-kita akong malaking daga na naka-upo at kumakain sa lamesa. Ang astig nang daga marunong humawak ng tubig, napaka-cool!
Bilang isang magandang dilag, inaya ko si Manang Dub sa kusina para kumain. At ng makita niya ako mula ulo hanggang paa ay napa-nganga siya. Psh! Alam ko namang fancy and gorgeous ako, baka na tibo na si Manang niyan.
Binati ko si Leo pero tuloy lang siyang kumain. Arrgh! Simula kahapon ay naging ugaling Monggi nanaman siya! Parang hangin na lang ulit ako sa kanya, at sa di ko malamang dahilan ay nasasaktan ang puso kong gorgeous.
"Hmm...L-Leo, masarap ba 'yung ulam?" -tanong ko na medyo nautal pa.
Hindi siya sumagot at tuloy lang sa pagkain. Kaya nagsalita ulit ako
"Leo, pwede ba ako s-sumabay sa ano... sa s-schol?" -tanong ko dito.
No Answer pa din sya. Bakit ba ayaw nya ko pansinin! 'E ba't kasi nagpapansin ka?' Shut up mind.
"Aah... Gusto m-mo ng tubig?" -sunod na sabi ko sa kanya.
Pero tuloy lang ito sa pagkain niya. Bakit ba kasi ako nagpapansin sa kanya! Kung ayaw niya ko pansinin edi wag! Psh!
Umupo ako sa bangko na katapat niya, bread ang ang kinain ko, saka egg. I need diet, feeling ko kasi ang taba ko na ulit, si Max kasi! Bigay ng bigay ng kung ano-ano e. Yan tuloy.
Kung minsan pag sobra na si Max sa mga binibigay niya ay hindi ko na iyon tinatanggap pa. Kaibigan ko pa rin siya, at alam ko ang lahat ng sobra ay bawal at nakakasama sa tao, alam ko masasktan siya pag-pinagcontinue niya ang feeling niya para sa akin, at 'yon ang ayaw ko sa kanya mangyari.
"L-Leo--" -napatigil ako ng pag sasalita ng may maalala ako.
'If ever you annoy me, I will tell to your parents what happened. Got it?'
Isang malakas na thunder ang bumatok sa akin. Ibig sabihin ba non ay wag ko na siya inisin? Saka bakit ba siya naiinis? Dahil cute ako? Dahil maganda ako? O dahil sobrang sexy ko? Kung alin man don, natutuwa ako ^.^ compliment parin kasi yon!
Magsasalita na sana ako para ma-annoy ko siya kasi isang compliment para sa akin 'yon, ng magsalita si Manang sa likod ko, na hinihigal, siguro ay tumakbo si Manang.
BINABASA MO ANG
He's My Teacher slash Husband
RomanceHindi lang basta-basta ang buhay meron ako. Kamusta naman daw ang lalaking nasa harap ko? Well Teacher,mayaman, matalino, maputi, matangkad, gwapo at ma-bato----- I mean, hindi siya ung type ko >.< ! Basta! Kahit ma-bato ang katawan niya hindi ko s...