THIRD PESON’S POV
Hindi masyadong pansin na excited na excited si Steven at ayun napapasayaw pa sa may damuhan. Mga ilang minuto din niyang inenjoy ang view kaya medyo nakahinga narin to ng maluwag. Tumngin ulit ito ng malayo na parang pirata sa taas ng watchtower na nakasalute form.
Steven’s POV
“Hooh! Ang layo parin tignan nung town. Hmmmm. Palevel muna ako sandali” bulong ko sa sarili habang nagmamarcha sa plains. Tinignan ko ang aking inventory para maghanap ng magagamit. Nakakita ko ng isang Wooden Weapon Box, 5 Healing Potions, 5 Mana Potion, at 2 Beans (Stamina Recovery Item). Naalala ko tuloy yung pinangakong item ng mga GM at naisip ko na baka nadelay lang sa pagdidistribute. Nang buksan ko ang Wooden Weapon Box ay pinapili ako sa tatlo:
[O] Wooden Sword (Melee) Physical Damage +10
[O] Wooden Magical Stick (Range) Magical Damage +10
[O] Wooden Bow (Range) Physical Damage +5 Attack SPD +3“Eenie Meene Miney Mo” Pag rerecite ko ng pambatang way ng pamimili kasi hindi pa ako sigurado kung saan ako magiging comportable kasi nung nasa BETA TESTING palang siya eh wand pinili ko and it sucks men!
“Hmmmm. . .” Malalim akong nagiisip at sa huli pinili ko ang Wooden Bow habang naglalakad patungo sa isang forest.
“BAG!Tsssk! Tsssk!” tunog mula sa aking likuran na nalagpasan ko ng mga 5 hakbang.
“Hmmm. . .” Pa-alertong tugon ko habang dahan dahang binubunot ang aking bow at medyo mabilis akong tumalikod at nag step back ng mga limang hakbang.
“Pu..tcha! Lumabas ka dyan at nate...tense nako! Bibilang ako ng tatlo!” sigaw ko na di mo malaman kung natatakot ba o naeexcite.
“Isa!” sigaw ko
“Tsssk! Tsssk! Tssk!” medyo naging magalaw ang nasa likod ng bush
“Pota! Dalawa!”sigaw ko ulit habang nagrereload ng aking pana, hinila ito ng sagad,at sabay tutok sa kinaroroonan ng kaluskos.
“Tssk!” huling tunog na napakawalan ng nagkukubli sa bush at may lumabas ditong lalake.
“Pre easy! Gusto ko pang paramihin ang lahi ko!” sabi ng lalaki habang nakataas ang ang dalawang kamay at sa kanang kamay nito ay may hawak na Wooden sword.
“Anak ka ng tokwa! Kala ko bakbakan na eh! Bakit ka kasi nagtatago dyan?!” tanong ko habang inalis ko ang palaso sa aking pana.
“Ah.. eh kasi.. Naligaw ako kaya tumaas ako sa puno para tumingin ng daanan kaso nahulog ako hehehe” sagot nito habang pinapagpag ang kanyang suot. Sa itsura palang ng lalaki ay halatang medyo may saltik kaya kumalma na ako ang medyo nawala na ang pagkatense.
“Ah ganun ba? O sige una na ako. Pasensiya kung tinutukan kita kanina” pamamaalam ko habang sumaludo ko tapos tumalikod. Lumakad ako palayo pero napansin ko na sumusunod parin sakin yung lalaki.
“Hmmmm. . . Anong problema mo at para kang anino dyan sa likod?” pagtatanong ko sa lalaki.
“Ah.. eh diba nga naligaw ako? Baka alam mo pano bumalik? Hehehe” sagot nito na may halong nakakalokong tawa. Medyo napansin ko na parang natatakot ang lalaki kaya hinayaan ko nalang itong bumuntot sakin.
“Ah.. eh san ka ba papunta ngayon? Magpapalevel ka ba?” tanong ng lalaki sakin.
“Tsk” tahimik kong sagot.
“Ah.. eh babalik ka ba ng town?” tanong ulit ng lalaki at naramdaman ko na humuhingi ito ng kasagutan.
“Pota! Isang tanong pa papanain na kita!” iritang sagot ko sabay tingin sa lalaki.
BINABASA MO ANG
Dragon Tales Online
Science FictionWhat if you play a game that will depend the lives of many but the sacrifice would be yourself? Would you still fight? Would you still find a way out? Would you survive? What if you fell in love and the game would be the only way to see him/her, wou...