CHAPTER 1: The Release and Creation

13 1 0
                                    

“THIRD PERSON POV”

Maaga palang ay gising na lahat ng gamers from around NEXUS at excited sa mangyayari ngayong araw. Ngayon na ang release ng DRAGONS TALE ONLINE este FIRST DAY OF SCHOOL NA!. Medyo napaaga ang ating bida na si Steven Moonshire, 17 years old at kasalukuyang estudyante ng CRISFORT ADVANCE UNIVERSITY. Taking up Bachelor of Advance Science major in Virtual Communication. Nakatira siya ngayon sa Alpha Site, District 50 ng Central District. Isa siyang avid fan ng online games at madalas eto ang kanyang pampalipas oras. Tunghayan natin ang kwento nya habang inip na inip na sa pila.

“STEVEN’S POV”

“Ano ba yan ang tagal naman magbukas nito! Thud Thud Oy! Manong anong oras na!” pagwawalang sigaw ng mga tao sa game shop at ngayo’y nasa harap ko.

Tao nga naman no? hay...

“Krinngg” tunog at hudyat na magbubukas na ang shop.

Dahil dito ay nag madali akong umatras para hindi mahagip ng metal protector na kasalukuyang umaangat. Ou excited ako pero di naman ako kasing OA nung nasa hrapan ko. Pssh!

Nang magbukas ang shop ay dali dali akong nakipagsiksikan sa loob. Wala ng pila pila kasi lahat ng nasa likuran ko ay nauna na sakin. Maswerteng nakaabot ako sa pinakahuling piraso ng chip pero promise medyo mahal to.

Tshhhhh. Medyo pinunasan ko ang takip ng laro. DRAGONS TALE ONLINE. Hmm excited na ulit akong makabalik sa mundong ito.

“Hep! Hep! Heeeeeeeeeeep!” narinig ko ang isang pamilyar na boses ng nagpanginig ng tuhod ko. Unti unti namuo ang mga gabutil ng munggong pawis sa noo at unti-unting tumalikod. Unti unti kong naaninagan ang itsurang babae na tila may kakaibang aura na parang papatay ng tao.

“H...ha...Hi Ti....Tita ano pong ginagawa nyo sa ganitong lugar?” tanong ko habang medyo nauutal pero hindi ko pinahalatang natatakot ako kasi alam kong alam niya na hindi nanaman ako pumasok.

“Kamusta napakagaling kong pamangkin? Medyo busy ata tayo dyan ha?” nakangiting demonyo ito habang papalapit sakin sinusuntok ang kanyang kabilangpalad.

“Eh.. Eto tita ayos naman po ako at medyo late nako sa school kaya” hindi pa ako nakakatapos magsalita eh tumakbo na agad ako papunta sa hover bike ko at dumeretso papuntang school.

Siya ang Tita Aurora ko pero to be honest guys, hindi talaga siya nakakatakot sa physical nyang anyo kasi kung tutuusin eh napakagandanda niyang babae ang nakakatakot sakanya eh ang kaya nyang gawin sakin. Mabait sa mabait si tita ang kaso wag kang papahuli. Nako! Last time nga nahuli nya akong di pumasok eh na Hulk Smash ako. Kaming dalawa nalang sa buhay simula ng mamatay ang aking Mama at Papa dahil sa bumagsak ang kanilang sinasakyang ShuttlePlane na papunta sanang GAMMA site.

“Hay buti nalang nakatakas ako” bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa likod ko.

THUD!

“Aray ko!” daing ng isang babae

“Uy! Sorry” bumaba ako sa hover bike ko at tinulungan siyang tumayo.

“Letche! Di ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo!” tulak niya sakin habang naglakad palayo.

“Sungit naman nun, Hay tinulungan na nga makatayo” bulong sa aking sarili.

Dumiretso na ako sa school at parang hindi ata ako late. Sabagay Opening palang naman ng bagong school year. Pinindot ko ang isa sa functions ng Virtual glass at nakita ko ang oras ng klase ko sa organizer. 10:30 am palang pala ang una kong subject aktong tumingin ako sa oras at nakita kong maaga pa akong ng 2 hours.

Dragon Tales OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon