STEVEN’S POV
“Ang lameeeeeeeeeg!” napasigaw akong nagising kasi nilagyan ni Tita Aurora ng Yelo ang likuran ko. Napatingin ako sa orasan at Shet! Alas 9 na pala! 10:30 pa naman pasok ko kaso gusto ko munang kumain dahil narin sa hindi nako nakakain kagabi. Agad akong nagpunta ng banyo para maligo. Binilisan ko lang ang pagligo kasi naamoy ko na ang niluluto ni Tita at alam kong adobo yun. 15 mins ako nagtagal sa banyo tapos bihis tsaka dumiretso sa kusina.
“Grabe ang sarap talaga ng luto mo tita the best!” pambobola ko sa tita ko para kahit papano mapakita ko kung gano ako kasayang nilulutuan niya ako lagi.
“Nambola ka pa! Halika nga dito kiss kita. Chup! Gusto mo magbaon?” panlalambing sakin ni tita tsaka ako hinalikan sa pisngi.
“Sure basta ba may extra rice hahaha!” sagot ko sakanya habang inaayos ang kusina.
Binalot na tita ang aking baunan at nagpaalam na ako sakanya. Nagmadali akong pumunta sa hover bike ko at humarurot papuntang school. Vrooom! Karating ko sa school eh parang eto na na ang pinaka start ng klase at marami ng nakapaskil na restrictions katulad ng Rules and Regulations, School Council Committee, magkakaibang organizations at marami pang iba. Dahil nga naman sa real time na to, dumiretso na agad ako sa classroom namin.
Sfx: Frrrsh! (tunog ng door na automatic ang response ng pagbukas pag may taong papasok)
Napansin ko na parang late nako kasi lahat sila nandun na at may teacher narin. Tinignan ko yung time at Sheteng Kabisote 10:45 na pala. Lahat silay nakapukaw ang tingin sakin hindi dahil sa late ako ng 15 mins kundi sa suot ko na nakasulat “BETTER TO BE LATE THAN TO BE ABSENT” at sa tingininan nila, parang sinasabing pinatutunayan ko yung nakasulat sa damit ko.
“Ehem! Ehem! So we have a new comer! Hi, I’m Hero Vaugher, your professor on Computer Dynamics. Now, can you introduce yourself to them sir?” medyo seryosong pagapproach sakin at nakatingin sa shirt ko.
“Hi! Sorry to be late prof” paghihingi ko ng paumanhin at dumiretso sa gitna at nakayuko.
“I’m Steven Moonshire of District 50 of Central District. 17 years old” maigsing pagpapakilala ko. May naramdaman ako bigla sa aking likuran. Si prof biglang dinakot ang buhok ko at tinali.
“Hahaha! Sorry to mess up your hair! Ang haba kasi at napakaseryoso mo!” pabiro nito sakin habang tinatali yung buhok ko. Tinuro niya sakin yung magiging seat ko at sa bandang likod yun at paking shet siya mga bente sa ginawa niya sakin ahaha. May narinig akong mga bulungbulungan sa paligid.
“Shet! As in shet! Shet lang alam kong sabihing english! Pero ang pogi nya!” bulong nung isang girl na di ko alam kung bumubulong ba o sadyang nagpaparinig lang.
“Bago maglandi mag aral ka muna shet shetin ko yang mukha mo eh!” sabi naman nung isang girl na medyo mukhang mataray.
“Bakit puro babae naririnig ko” nagtatakang bulong ko at nagmasid sa paligid at Shet! (nahawa nako dun sa girl) 5 lang kaming lalaki kasama na yung prof ko.
Dahil sa medyo pagka-mangha eh umupo nalang ako bigla sa upuan ko at tinaggal yung tali ko sa buhok. Ou tama nga si prof, medyo mahaba na buhok ko kailangan ko na mag pa salon ahaha. Major agad ang napasukan ko pero hindi ito boring katulad ng inaasahan ko kasi kwela ang nangyari pero ito yung tipo na lecture na you have fun while studying kasi hindi nakakabagot magturo si sir. This day, half day lang ang klase kasi mamayang after lunch eh didiretso na kami sa open field para mamili ng papasukan naming club.
Sfx: Kriiiingggg! (Bell sound na hudyat ng breaktime)
“Ang bilis naman ng oras. 2 hrs narin pala ang lumipas” bulong ko sa sarili ko habang inaayos ko yung mga gamit ko nang biglang. . .
BINABASA MO ANG
Dragon Tales Online
Science FictionWhat if you play a game that will depend the lives of many but the sacrifice would be yourself? Would you still fight? Would you still find a way out? Would you survive? What if you fell in love and the game would be the only way to see him/her, wou...