KINJI’S POV
Nandito ako ngayon sa town para narin salubungin si Steven dahil kami’y magpapalevel na. Tumingin ako sa gawing kanan at parang merong pinagkakaguluhan dun.
“Oh my! Prince Charming na Prince Charming ang dating nya!” sigaw nung isang babae habang sinusundan yung tatlong armored players. Sa tantsa ko nasa level 10 na ang mga ito dahil narin sa kanilang kasuotan.
Hindi ko napansin na meron na palang PM si Steven sakin. Kaagad ko itong tinignan.
“Kinji dito ako Elderwoods!” message 1 from Steven.
“Pre Merchant nalang tayo magkita” message 2 from Steven
Tinignan ko yung map para makita yung fastest way papunta sa merchant kasi nasa circle ako. Kaagad kong tinungo ang merchant at nakita si Steven. Namangha ako sa itsura niya dahil may aura siyang puti sabay may maangas na bow na suot suot.
“Steve!” sigaw ko para kunin ang atensyon ni Steven.
“Oi Kinji! Ang tagal mo!” pagmamaktol nitong bungad sakin sabay may batok na kasama.
“Aray! Pasensya naman! Nga pala pre nakita mo yung mga naka plated armor kanina?” pagtatanong ko dito habang hinuhimas himas ang batok ko.
“Ah ou. Bumili sila kanina dito sa merchant at nakausap ko yung isa” sabi naman ni Steven.
“Ang astig no? Angas ng dating nila! Ganun din kukunin kong class eh kaya ganun din ang magiging itsura ko haha” sabi ko kay steven habang may kinang sa mata.
“So swordsman din kukunin mo? Nakausap ko kasi yung isa kanina at sinabing swordsman silang tatlo” tanong sakin ni Steven habang naglalakad.
“Ou naman kaya nga sword hawak ko diba? Maiba tayo, ano yang bow mo atsaka bakit may aura kang puti?” pagtatanong ko sakanya.
“Ah. Eh. . . ano bumili ako ng voucher para dito hehehe” sagot niya sakin pero alam kong nagsisinungaling siya kaya nagbigay ako ng death glare.
“Ou na! Ou na! Aamin na pero satin lang tong dalawa ha?” sabi niya sakin at tumango ako. Nagpunta kami sa lugar na di masyadong napapalibutan ng mga players.
Inamin sakin ni Steven na isa siyang Beta Tester at yung mga gamit niya ngayon ay binigay ng mga GM sakanya bilang suhol para indi ko ipagkalat ang laman nitong game.
THIRD PERSON’S POV
Katapos ang revelations about sa pagiging Beta Tester ni Steven ay napagpasiyahan na nilang pumunta sa leveling spot na tinutukoy ni Steven.
May 4 na gates ang Elderwoods Town. North ang [Beginner’s Plain] (Lvl 1-5 Monsters), sa West naman ay ang [Elderwoods Forest] (Lvl 6-30 Monsters), East ang [Arcane Forest] (Lvl 30-50 Monsters), at ang South ay papuntang 2nd Map na pangalan ay [Land of Amberstone] na currently locked dahil may mga dungeons at leveling restrictions kang dapat imeet.
Nagtungo ang dalawa sa Elderwoods Forest at medyo lumayo sa mga nagpapalevel na characters. Pumunta sila sa lugar na level 10 na ang mga mobs. Napansin ito ni Kinji at nagtanong kay Steven.
“Pre level 5 palang tayo ano kaba? Hindi natin to kaya!” pagpapaliwanag ni Kinji kay Steven habang pinipigilan siyang maglakad.
“Trust me par! Kaya natin yan. Remember diba ng BT ako kaya just go with the flow” confident na sabi ni Steven.
STEVEN’S POV
“Pre level 5 palang tayo ano kaba? Hindi natin to kaya!” pagpigil sakin ni Kinji habang kami’y naglalakad.
BINABASA MO ANG
Dragon Tales Online
Ficção CientíficaWhat if you play a game that will depend the lives of many but the sacrifice would be yourself? Would you still fight? Would you still find a way out? Would you survive? What if you fell in love and the game would be the only way to see him/her, wou...