M.P:Chapter 2

364 4 0
                                    

Pumasok na ako sa office na abot tenga ang ngiti na agad naman napansin ng kaybigan kong si Lilia.

"Goodmorning ,mukhang masaya ka ah?"

"Goodmorning Lil,sinabi mo pa"

Nginitian nya ako at bumalik na sa trabaho.

Mga ilang oras ang makalipas ay may iniabot saaking mga folder si Lilia at nakisuyo kung pwede ko bang ibigay ito sa boss  which is si Sir Cristopher ,tama sya nga pero kahit na empleyado nya ako dito sa kumpanya  nila ay  hindi pa din nya ako magawang bigyang pansin.

Napangiti nalamang ako ng malawak nang maisip kong ito na ang pagkakataon para mapansin man lang nya ako ,o kaya'y matingnan sa mga mata for the first time.

Naiisip ko palang iyon ay nararamdaman kong malakas na ang tulo ko sa baba.

Kumatok ako ng tatlong beses atsaka pumasok,nakita ko syang naka upo sa kanyang swivel chair at naka kunot ang noo habang naka tutok ang atensyon nito sa kanyang laptop.

"Goodmorning Sir,pinapabigay po ito ni Lilia"

Mas lumapit ako at inilapag ang mga folder sa desk nya.

Para namang nag pantig ang tenga nya nang marinig ang boses ko.

And for the first time ay dumapo ang tingin nya saakin.

Nakaka akit ito at napaka lalim na nakaka lunod kung matagal mo pa itong tititigan.

Pero ibinalik naman agad ang atensyon sa monitor ng laptop nya.

"Nasaan si Lilia?,bakit ikaw ang nag hatid?"

"Di ko po alam Sir basta pinaki suyo nya lang po saakin"

Magalang na sabi ko.

"Ok you may go now"
Sabi nya nang hindi pa din ako nililingon.

Mahinahon pero puno ng awtoridad ang pagkakasabi nya nito.

May kung anong lungkot akong naramdaman,yun na yun??ganun lang??di man lang nya ako kakausapin ng matino??.

Sabagay sino ba naman ako para mapansin nya??siguro ang gusto nya ay yung mga sexy ,tall and beautiful na babae,yung may class ang dating di tulad ko na mukhang highschool student palang kahit na 22 years old na ako.

Di ko namalayan na nakatayo pa din ako sa harap nya at titig na titig sa kanyang gwapong mukha.

Nilingon nya akong muli at pinag taasan ng kilay.

"Go back to your work Miss"

Nabato naman ako lalo sa aking kinatatayuan nang tawagin nya akong miss,nalulungkot ako dahil hindi nya alam ang pangalan ko.

Tumalikod na ako at di ko namalayang lumandas na ang luha ko galing saaking mga mata pababa.

Agad ko naman iyong pinunasan at bumalik na sa trabaho ko.

Halfday lang kami ngayon dahil sinabi ng boss ,buti nalang dahil kaylangan ko ng pahinga.

Pahinga para di sya makita.

Kaylangan ko ng matulog baka sakaling mapanaginipan ko na ulit sya at mag iba ang pakikitungo nya saakin di tulad kanina na napaka lamig ng atensyon na binigay nya sakin na mas malamig pa sa atlantic ocean.

Gusto kong maramdaman na angkinin nya ako ng buong-buo.

Humiga na agad ako sa kama ko pagka dating ng bahay at ipinikit ang mga mata ko.

"Angela...."

Napamulat bigla ang mata ko nang parang narinig kong may tumawag sa aking pangalan.

My Possessor Where stories live. Discover now