M.P: Chapter 13

75 1 10
                                    

Lilia's P.O.V

Maaga akong pumasok sa office dahil sa mga naka deadline na paperworks na dapat kong maipasa today, I even forgot to put some makeup dahil sa pagmamadali ko.

Tinakbo ko na nga hanggang elevator bago pa magsara ang pinto nito , pero nag sisi din agad ako dahil sa paghabol ko nang makita kung sino ang lulan ng elevator.

Nanginig ang mga tuhod ko na naglakad papasok at binati ang dalawang lalaking nasa harapan ko na parehong nakatingin sakin habang walang mababakas na kahit anong ekspresyon.

"G-good morning po Sir Cristian and S-sir Cristopher."

Nauutal kong bati habang naka yuko.

"Tss..you already ruined my morning, bitch"

Hearing that word from him makes me mad but at the same time I know that I don't have any rights to be mad at him, or even hate him.. after what I've done.

The sin of the past , is the sin that I will carry till the day I die.

Gusto kong umiyak pero hindi pwede ,gusto kong sumigaw pero hindi ko kaya ,at sa simpleng paghinga ko ay isa ding malaking kasalanan. Ang buhay ko ay wla nang saysay,at ang tanging alam ko lang ay nabubuhay ako dahil sa kaylangan kong pagbayaran lahat ng kasalanang nagawa ko sa dalawang tao na kasama ko ngayon.

Hindi ako makahinga dahil sa bigat ng hangin sa loob ,nararamdaman kong unti-unti ay nauubos ang hangin pero hindi na ako nag abalang gumawa mg paraan para makahinga ng maayos.

Lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon ay nararapat lang saakin.

Biglang bumukas ang pinto ng elevator at tumambad saakin ang isang babae na malawak ang ngiti nang makita ako.

At sa sandaling ito ay pakiramdam ko'y nawala ang bigat na nararamdaman ko kanina at muli ay nakahinga ako ng maluwag.

Sa isang iglap ay naramdaman ko nalang na nakayakap na ako kay Angela at hindi ko na napigilan ang mga luha na akala ko'y hindi na muling lalabas pa mula sa aking mga mata.

Alam kong nag tataka na ang kaibigan ko dahil sa biglaan kong pag yakap sa kanya at ramdam ko ang pag aalala sa boses nya.

Kaibigan...

Ito din ang isa ko pang kasalan , ang magkaron ng kaibigan na katulad ni Angela na napaka bait. I don't think I deserve her to be my bestfriend.

Sinbukan kong layuan sya pero hindi ko kaya.

At kahit na isa tong kasalanan , si Angela ang nag iisang taong hinding hindi ko bibitawan.

Hindi na....

Cristopher's P.O.V

"Stop acting like a kid"

Nangunot ang noo ko nang marinig ang sinabi ng kuya ko kaya tinignan ko sya na naka tingin na din saakin ng seryoso.

"What?"

" You don't need to say those words in front of her ,you are being disrespectful."

"And what's wrong with that?, I don't need to respect that bitch"

Naiinis kong sagot sa kanya, sino ba sya para pag sabihan ako ng kung anong dapat kong gawin? ,akala mo sya hindi din nasaktan dahil sa babaeng yun, at walang dahilan para patawarin ko ang walang hiyang babaeng yun at bigyan ng kahit katiting na respeto.

" Her sin is not punishable by any law , so I'm making my own law and punishment for that.....

..Bitch!"

---

Angela's P.O.V

Nakaupo ako sa isa sa mga bench na kalapit ng grills dito sa may rooftop na kung saan ay mag mini garden at mga upuan na pwedeng pag pahingahan.

Habang nag papalipas ako ng oras ay naalala ko nanaman ang nangyari sa kaibigan ko knina ,di ko pa din mawari ang dahilan kung bakit ganun ang inasta nya kanina.

Napahinga ako ng malalim at luminga-linga nang biglang lumakas ang hangin na nagdulot ng pagka puwing ng dalawa kong mata.

Ang hapdi nito kaya't di ako maka mulat ng maayos ,habang kinukusot ko ang aking mata ay sya namang muling paghangin ng malakas kaya naman nanatiling naka pikit ang aking mga mata, pero ang di ko inaasahan ay ang maamoy nanaman ang mabangong amoy na iyon.

Ito lang ang tanging pabango na pang lalaki na labis kong nagustuhan, sa tuwing naamoy ko ito ay may mga ala-alang nag babalik saakin...sya..

Iminulat ko ng bahagya ang aking mga mata dahil sa maynnaramdaman akong prisensya na papalapit saakin ,patuloy pa din ang paghangin ng malakas kaya naman hndi ko inialis ang pagkka harang ng kamay ko sa harapan ng aking mata upang gawing panangga.

Kahit malabo at di ko masyadong mabuksan ng maayos ang aking mga mata ay mayroon naman akong naaaninag na isang tao na papalapit sa akin.

Nagpatuloy ito sa pag lakad papunta sa direksyon ko at sa bawat pag hakbang nya ay may kakaiba akong nararamdaman.

Bumibilis ang tibok ng puso ko at dinig na dinig ko ang pag tambol nito.

At ang amoy na un ay....bumabalot sa aking buong katawan.

Base sa naaaninag ko ay isa syang lalake, naka black suit ito at matikas ang kanyang pagkka tindig sa aking harapan.

Nag lakas loob akong itanong ang isang bagay na laging gumugulo sa isipan ko sa tuwing maaamoy ko ang pabangong iyon.

"Sino ka?"

Pagkasabi ko non ay katahimikan lamang ang bumungad saakin.

Nang akmang magsasalita na muli ako ay biglang humangin ng mas malakas ngayon kaya't napapikit ako ng mariin at humawak sa aking upuan.

Di nagtagal ay nawala na din ang malakas na hangin at iminulat ko ang aking mga mata na nawala na ang pagka puwing kaya't sinuri ko kaagad ang aking paligid at nagbabakasakaling mahanap ang lalakeng iyon.

Sino ba talaga sya?

Nang wala akong makita ay mabilis kong naramdaman ang pagka dismaya at nanikip ang aking dibdib.

Akala ko makikilala ko na sya....pero hindi pa din pala.

Napahinga nalang ako ng malalim at tumayo na.

Napatigil ako sa pag lakad nang maramdaman na may pumatak sa aking kamay, at nang tingnan ko iyon ay napatingin ako sa langit at doon ay tuluyan nang bumagsak ang mga .......

luha ko....

--
Hi sexy beauties! sorry sa sobrang tagal ng update ko. And I think may iba sa inyo na tinanggal na tong story ko sa mga library nyo..So I want to apologize for not uprating for too long...And for those who are still waiting for me to update, Thankyou very much! ,I love you all guys:-) .

I know it's a short chapter but I hope you enjoy reading this chapter , actually my eyes are only half open now hehe , but this idea won't let me sleep  , so here it is...

Goodnight guys! 😘😘😘

KaliAeon⭐

(I thought na published ko na to , everything is ok na .pero d pla....hahaxD)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 10, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Possessor Where stories live. Discover now