M.P:Chapter 9

154 5 0
                                    

Angela's POV

Nabato ako sa aking kinatatayuan habang nanlalaki ang mga mata na naka-tingin sa harapan ko,hindi ko alam kung paano napunta dito ito dahil kanina lang sa malayo ko sya natatanaw.

Ano bang meron sa puno na to?kanina sinusundan nya ako tapos ngayon makikita ko nasa harapan ko na?na engkanto na yata ako eh,hindi magandang idea ang larong naisip nila nakakatakot tsaka nasaan ba sila Lilia?bakit nila ako iniwan?,nakakainis naman!natatakot na ako dahil napaka creepy ng gubat na to.

Sabagay tingin ko naman lahat ng gubat ay creepy dahil hindi natin alam kung ano-ano o kung sino-sino ang pwedeng maka-encounter natin sa lugar na ganito,speaking of the devil,paano nga kung may makita ako ditong di kanais-nais?,baka may nakatira ditong baliw na serial killer na may dalang chainsaw at putul-putulin ang katawan ko?paano kung may ahas dito na malaki kasing laki ng anaconda na palabas?paano kung may mga bee or whatever na dangerous dito at patayin ako katulad ng sa the hunger games?paano kung may mga wolf dito na kaya akong lapain ng buhay katulad ng sa twilight?,o kaya may mga unggoy dito na sasaktan ako kung malaman nilang hindi ako taga dito?pero siguro nandito si tarzan para iligtas ako.

Isinantabi ko nalang muna ang takot o mga masasamang pwedeng mangyari saakin at nilakasan ko nalang ang aking loob kaylangan kong mahanap ang daan palabas sa gubat na ito bago pa man dumilim ng tuluyan.

Naglakad-lakad ako at lumingon-lingon nag babakasakaling may makita akong palatandaan na pwedeng magturo para maka-labas ako dito.Nanlalamig ang mga kamay ko dahil sa takot ayoko pang mamatay lalo na sa lugar na katulad nito,marami pa akong gusto gawin sa buhay at makasama habang buhay ang taong gusto ko.

Habang naglalakad ay may narinig akong umuungol,nag umpisa na akong pangilabutan at bumalik ang takot na nararamdaman ko kanina,may narinig pa ulit akong kumaluskos sa matataas na damuhan na malapit lang sa akin kaya naman mas binilisan ko ang lakad hanggang sa di ko na namalayang tumatakbo na pala ako,lumipas ang ilang minuto ay napagod na ako sa pagtakbo at tagaktak na ang pawis ko ,hinahabol ko na din ang aking hininga at nauuhaw.

Mas lalo naman akong kinilabutan nang maramdaman ko ang prisensya nya o nila at mas lumakas ang mga ungol na ngayon ay nang-gagaling na sa likuran ko ,dahan-dahan akong lumingon patalikod at sa oras na huminto ang mga mata ko ay pinag sisisihan ko kaagad na lumingon pa ako dahil sumentro saakin ang dalawang pares ng mapupulang mga mata at nagsisitaasang mga balahibo.

Napaatras ako nang lumihis ang mga ulap sa langit dahilan upang sumentro ang sinag ng buwan sa dalawang nilalang na nasa harapan ko at masilayan ang buo nilang katawan na napaka-laki at mabalahibo ,hindi ito mga ordinaryong mga lobo dahil sila ay maliliit kasing laki ng mga aso ,pero ang dalawang nakikita ko ngayon ay doble o triple ng laki nila.

Hindi ko alam kung ano ba dapat ang gawin,ang tumakbo ba kahit na alam kong mas mabilis sila kesa saakin o tumayo nalang dito at hintaying lapain?hindi na ako makapag-isip ng maayos dahil kinain na ng takot ang buong katawan ko.

Humakbang palapit saakin ang isa habang nanlilisik ang mga mapupula nyang mga mata at nakalabas ang kanyang mga ngipin na matutulis,napahakbang din ako patalikod dahil ayokong makalapit man lang sya saakin.

Umabante sya habang ako ay umaatras binalot naman ako ng kawalan ng pag-asa nang lumapat ang aking likod sa isang malaking puno ,ito na ba ang katapusan ko?ito na ba ?hanggang dito nalang?dahil sa sobrang takot ay nag-unahan na sa pagbagsak ang aking mga luha mula sa mga mata kong nakatitig parin hanggang ngayon sa halimaw na nasa harapan ko.

Naramdaman ko ang paglambot ng aking mga tuhod at tuluyan na akong napaupo sa masukal na lupa at humagulgol ng iyak habang nakapikit ,tumuloy sa paglapit ang lobo saakin hanggang sa maramdaman ko ang mainit nyang hininga sa aking mukha at sabay dinilaan ako sa aking pisngi,ramdam ko din ang pagtulo ng malagkit nyang laway mula sa pinsgi hanggang sa aking leeg ,narinig ko din ang pag ungol nito ng mahina.

Lalo akong nawalan ng pag-asang mabuhay dahil sa alam kong walang ibang maaaring tumulong o magligtas saakin dito,para namang bahang pumuno sa utak ko ang mga masasayang memorya na nangyari saakin noon na hindi ko na maaring maramdaman pa sa hinaharap dahil sa sitwasyon ko ngayon,muli ay binalot ako ng takot dahil sa maaari kong kahantungan ngunit may isang bagay na biglang pumasok sa aking isip at hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin nun pero kumawala sa aking mga bibig ang isang pangalan na matagal-tagal ko ding hindi nababanggit.

"Luther..."

Ipinikit ko nalamang ng matiim ang aking mga mata at naghihintay sa tadhanang sasampal sa akin at magdadala sa huli kong hantungan.Pero nagitla ako nang may malakas na pwersa akong maramdaman sa harapan ko na tila bumagsak kaya naman lumipad kaagad ang aking tingin sa harapan ngunit mas lalong nanlaki ang aking mga mata sa sumunod kong makita.

Isa pang lobo ,pero naiiba sya sa mga lobong gustong umatake saakin dahil mas malaki ito sa kanila mas nakakatakot ang awra nya at higit sa lahat ay napaka puti ng kanyang mga balahibo kasing puti ng buwan sa langit,hindi ko alam pero parang nabibighani ako sa anyo nya kahit na nakatalikod sya saakin ,at sa di ko din malaman na dahilan ay tila naramdaman kong gumaan ang aking pakiramdam and I feel safe.

Napukol namang muli ang aking atensyon sa dalawang lobo na ngayon ay umatras na dahil sa pag-garalgal ng matikas na lobong nasa harapan ko,bumaba ang kanilang mga tenga sensyas ng kanilang pag-amo at yumuko ,ilang sandali lang ay lumayo na sila at mabilis na tumakbo paalis.

Nang tuluyan nang makaalis ang dalawa ay lumingon na ito paharap saakin at lumapit ,nabigla ako sa biglang paglambot ng mga mata nito nang magtama ang aming tingin ,at kahit na sabihing aso sya or I mean wolf sya parang nakikita kong nakangiti sya saakin,nangangati naman ang mga palad kong nais humawak sa kanya kaya naman nawala na sa isip ko na matakot sa nilalang na ito dahil ilang saglit lang ay lumipad na ang aking dalawang kamay at sabay pumulupot sa kanyang leeg.

Niyakap ko sya at dinama ang napaka lambot at mabango nyang balahibo?,naisip ko lang hindi ba ang mga wolf ay madudumi?or mabaho?kasi nakatira sila dito sa gubat at di naman siguro sila naliligo araw-araw tulad ng tao ,kakaiba ang isang to pero kahit na,masaya parin ako dahil di ko inakala na isang katulad nya ang magliligtas saakin.

Nakaramdam ako ng antok at pagod dahil sa mga nangyari kanina at dahil na rin siguro sa naging kumportable na ako sa pagyakap ko sa asong to,hindi ko magawang tanggalin ang pagkakayakap ko sa kanya kaya naman ibinaon ko nalang ang aking mukha sa kanyang leeg ,naramdaman ko naman na humiga sya kaya inayos ko ang aking posisyon at mas humiga ng maayos ,ginawa ko syang unan habang di pa din inaalis ang pagkayakap sa leeg nya.

At bago ako lamunin ng antok ay muli ko pang nasilayan ang kanyang magagandang mga mata at binulong ang salitang thankyou ,ipinikit ko na ang aking mga mata pero sa huling pagkakataon ay may narinig pa akong nagsalita o hindi ko alam kung imagination ko lang ba iyon.

"You're welcome,Sweetie"

☆☆☆
04-19-16
Tuesday

Ohhh..so here's the next chapter ,Sorry it took so long for me to update .Hope you enjoy this one.

And by the way,is there anyone who wants to help me to improve this story??please msg me if you want 'coz I need someone who can be my buddy to make this story more interesting.It's not easy to make a story if you're alone especially a beginner like me with this kind of category.

So thankyou guys and stay safe Sexy Beauties:-)

KaliAeon♕

My Possessor Where stories live. Discover now