M.P:Chapter 4

233 4 0
                                    

[Angela's POV]

Ang sakit,sobrang sakit.

Ganito ba talaga dapat?kahit panandaliang saya lang ay ipag kakait pa sayo?,o kung hindi man eh malaking lungkot at kamalasan naman ang kasunod?.

Akala ko kahit ngayong gabi ay makakalimot ako pero ano?,eto ako ngayon at iniwan ng lalakeng kinababaliwan ko pagkatapos akong painitin ay hahayaan nalang akong mag liyab hanggang sa kusa na akong unti-unting mamatay.

Bumalik na ako sa stool na inupuan ko kanina at umorder ng vodka ,pagka lagay palang sa harap ko ay nilagok ko na ng tuloy-tuloy kasabay ng pag agos ng mga luha sa mata ko ay ang pag guhit ng alak sa aking lalamunan.

Lumipas ang ilang oras at hindi ko na mabilang kung nakaka ilan na akong inom ng vodka,at sa ngayon ay kasalukuyan na akong tinamaan nun.

Lumabas na ako ng bar na pagewang-gewang at wala akong pake kung anong itsura ko ngayon.

Di ko na din kayang umuwi dahil hilong-hilo na ako.

Nagising nalang ako na para bang walang nangyare kagabi,hindi ko alam kung paano pa ako naka uwi o kung sino ang nag dala saakin dito sa bahay ko  at as usual tulala lang ako sa kawalan.

Bigla namang may sumagi sa isipan ko nang maalala ang napanaginipan ko kagabi.

-(Flashback)-

Nagising ako bigla nang may nag salita sa tabi ko at naramdaman ang bawat paghaplos nito sa aking pisngi ,ngunit hindi ko maibukas ang aking mga mata dahil tila ba'y napaka bigat ng mga ito.

"Hey sweetie,next time you do this again I will surely punish you hard 'til you suffer" bulong nito.

Hinayaan ko nalamang nakapikit ang aking mga mata at pinakinggan ang mga sinasabi nya,bakas sa kanyang boses ang pag-aalala pero sa kabilang banda ay mayroon din halong pag babanta.

Kinilabutan ako pero at the same time nakaramdam ako ng comfort dahil sa ginawa at sinabi nya kaya naman di ko mapigilang mapangiti.

"L-luther "

Naramdaman ko na tumabi sya saakin at hinalikan ako sa noo at ramdam kong tila ba may malakas na electricity ang dumaloy sa buong katawan ko at parang may kung anong nag-lalaro sa aking tyan ,dahil din sa ginawa nya ay alam kong nag lalawa na kaagad ang aking pagka babae.

Gumapang ang aking mga kamay papunta sa kanyang braso at bigla ko syang niyakap sa bewang habang sya'y naka pa tagilid na syang ikinagulat nya ,ramdam ko ang biglang pagiging tensyunado ng kanyang katawan kaya  naman napangiti pa lalo ako ng malawak.

Hindi ko alam pero kapag nasa tabi ko sya ay gumagaan ang pakiramdam ko ,at nawawala ang lahat ng problemang dinadala ko.

Sana ganito nalang palagi.
Sana lagi ko nalang syang katabi.
Sana hindi na ako magising pa.
Sana sya nalang at wala nang iba.

Parang ayoko nang bumalik pa sa realidad upang hindi ko na maramdaman ang sakit at lungkot.

"Luther,please stay with me"

Bulong ko sa kanya habang naka yakap pa din.

"I will always be with you sweetie,now take a rest "

Sa huli ay hindi ko pa din mapigilan ang pag ngiti at hinayaan ko nalamang ang aking sarili na lamunin ng antok.
---

Naka tingin pa din ako sa kawalan at ang tanging
iniisip ko lang ngayon ay si Luther.

My Possessor Where stories live. Discover now