Angela's POV
May isang lalakeng nakatalikod sa aking harapan at unti-unti itong naglalakad palayo sakin na tila papunta ito sa isang liwanag,nag tataka ako kung sino sya pero bakit ganito?bakit hindi ako makahinga ng maayos? bakit sumisikip at parang pinipilipit ang puso ko?sino ba talaga ang lalakeng ito?bakit ganito ang epekto nya saakin?hindi kona alam at nalilito na ako dahil sa nararamdaman ko.
Ngayon naramdaman kong kusang gumalaw ang aking katawan,humakbang ako palapit sa kanya at sinubukang abutin sya ngunit malayo pa din sya saakin kaya mas binilasan ko pa ang pag-lalakad ko na halos naging takbo na pero kahit anong gawin ko wala pa ding silbi.Hindi ko talaga sya maabot at habang tumatagal ay lalong kumi-kirot ang aking puso at nawawalan na ako ng pag-asa na malalaman ko pa kung sino ang lalakeng iyon.
Di nagtagal ay bumigay na din ang aking mga paa't tuhod hanggang sa tuluyan na akong bumagsak sa malamig na sahig at naging dahilan ng pagka sprain ko sa paa na lalo pang nag padag-dag sa sakit na nararamdaman ko ngayon ,hindi ko na din mapigilan ang mga luha kong kanina pa nag babadyang bumagsak mula sa aking mga mata.
Hindi ko maintindihan kung bakit ako nag kaka-ganito ,napaisip ako kung bakit ba ako umiiyak ng dahil sa lalakeng iyon.Pero may pakiramdam ako na parang alam ko sa sarili ko ang tamang sagot sa tanong ko at nakatago lang yun sa pinaka malalim na bahagi ng pagkatao ko na natabunan na dahil sa pagdaan ng panahon.
Muli ay lumingon ako sa kanya at laking gulat ko nang makita syang huminto at ang sumunod na nangyari ay ang hindi ko inaasahan sa lahat.Lumingon sya sa direksyon ko ngunit bago ko pa makita ng tuluyan ang mukha nya ay bigla nalang syang nabasag at nagka-lasog-lasog na para bang isang salamin at ang bawat parte nito ay sumama at dinala na ng hangin sa kung saan.
Ngunit bago pa man sya maglaho ng tuluyan ay nahagip pa ng mga mata ko ang pag-agos ng liha sa kanyang pisngi na unti-unting nahuhulog papunta sa sahig at sa oras na lumapat ito sa malamig na sahig ay nag iba bigla ang paligid ko at biglang naging tubig ang sahig na kinalalagyan ko kanina.
Ngayon ay napadpad naman ako sa ilalim ng tubig na ikina-alarma ko kaya naman sinubukan kong umahon at lumangoy ngunit katulad kanina ay hindi pa din ako makaalis kaya naman unti-unti ay nawalan na ako ng lakas at wala na lang akong ibang ginawa kundi ang hayaan ko ang sarili kong lumutang sa tubig.
Ipinikit ko ang aking mga mata at hinayaan na lamang kung anoman ang sitwasyon ko ngayon ,hinihintay ko na malagutan nalamang ako ng hininga dahil tutal naman walang nangyayari kahit anong gawin ko.
Biglang may pumasok sa isip ko at naalala ko ang mga oras na nararamdaman kong kasama ko si Luther at sa di komalamang dahilan ay parang mas lalo kong naramdaman ang pag sikip ng aking dibdib at nakaramdam ako ng matinding kalungkutan ,muli ay may kumawalang luha sa mga mata ko na agad naman humalo sa tubig alat.
Nag paulit-ulit sa isipan ko ang pangalan nya hanggang sa may naramdaman nalamang akong biglang may sumakop sa aking labi at binigyan ako ng hangin upang magkaron ng hangin ang katawan ko at makahinga pa ulit ako.
Ang napaka pamilyar na sensasyon na iyon ay kumalat sa buong sistema ko kaya naman pinanatili kong naka pikit ang aking mga mata upang mas maramdaman pa ito,at kahit hindi ko buksan ang aking mga mata at tignan kung sino ba ang taong kasama ko ngayon ay alam ko na agad kung sino ito dahil tanging iisang tao lang naman ang alam kong makapag bibigay saakin ng ganun klaseng saya at karanasan at hindi lang 'yun dahil kilalang-kilala na din sya agad ng katawan at puso ko.

YOU ARE READING
My Possessor
RomansaWho will you choose?the one who you love the most or the one who love you most?. Each one of us had something we want to possess ,it's either things or humans .We want to take care of them like our own,for us they are priceless and the most precious...