Kwento to saken ng aking Tita. Noon kasi nakatira sila sa may bodega namen. Parang kwarto lang yun pag pasok mo tulugan na tas pag labas mo makikita mo yung kawayanan samen.
Isang gabi narinig daw ng Tita ko yung mga manok na nagpuputakan o nag iingay. Naalala nya yung bilin ng lola ko na pag ganun daw ay baka may aswang at sabuyan daw ng asin. Kaya ang ginawa ng Tita ko lumabas sya sa may bodega sabay sabi ng "Ano ba namang mga manok yan ang iingay" sabay saboy ng asin sa paligid.
Kinaumagahan nagulat ang Tita ko nang makita nya na may parang dugo dugo sa labas ng bodega .. Yung parang patak patak ba ..
Kaya naniniwala talaga sya na baka may napadaan na aswang sa may bodega papunta sa kawayanan.
BINABASA MO ANG
Batangas (horror stories)
HorrorHorror Stories that happened in Batangas. Mga naririnig na kwento sa Batangas ...