Mayroon akong pamangkin. Yung nanay nya kasi may third eye at nasa dugo na nila yung pagkakaroon ng third eye. Kaya nasabi namen na may third eye ang pamangkin ko dahil..
Isang araw ay napapansin ng Tita ko na may kinakausap yung pamangkin ko. Tinanong niya kung sino yung kausap at sabi nya si Waypi, Posti at si Mayme . Sabi ng Tita ko sino yun tas sabi ng pamangkin ko "Yung mga babae magaganda kaso nga lang ay maliliit." Well nagulat naman ang Tita ko kasi sa bahay na yun ay may nabalitaan nga daw na may duwende dahil doon nakatira yung pinsan ko noon na may nakita din don nung bata sya. Anyway ... Tapos napapansin nila na may kausap lagi yung pamangkin ko. Isang araw na sa may terrace yung tita ko pati pamangkin ko nagulat sya ng marinig niya na sumigaw yung pamangkin ko. "Wait ! Wait !" Nakatingin sya sa may puno ng Chico. Tapos tinanong ng tita ko. "Sino yun ?" Sabi ng pamangkin ko "Sina Mayme papuntang Mindoro." Tas simula ng araw ng yun parang wala nang kinakausap yung pamangkin ko.
Isang araw tumawag yung daddy ko kina tita at kinausap yung pamangkin ko. Kinamusta ni Daddy yung mga kaibigan nung pamangkin ko. "Asan sina Waypi ?" Sabi ng daddy. Tas sabi ng pamangkin ko "Asa Mindoro". Tas sabi ng Daddy ko "Sinong kasama?" Sabi ng pamangkin ko "si Lola Puleng" .. Narecord yung tawag na yun at narinig ko pa yung takot at parang di makapaniwala na boses ni Daddy.. Tinawag nya yung Tita ko na kapatid nya .. Sabi niya sa Tita ko "Anong pinagsasabi nyan ??" Sagot ng Tita ko "Ewan ko dyan.. Di ko naman nababanggit yung pangalan ng inay."
Sa totoo lang ang Lola Puleng ay ang lola ko na matagal ng patay. Hindi namen sya nababanggit o napagkwekwentuhan kaya naman gulat na gulat kame ng mabanggit nung pamangkin ko yung Lola ko ..
BINABASA MO ANG
Batangas (horror stories)
HorrorHorror Stories that happened in Batangas. Mga naririnig na kwento sa Batangas ...