Mistaken
Prologue
Labing isang magkakaibigan. Tatlong linggong bakasyon. May mga taong nakatakdang patayin, may mga taong handang lumaban. Maraming mamamatay, hindi pa alam kung may mabubuhay.Handa na siya sa maaaring mangyari sa kaniya. Ang tanong, handa na rin ba ang mga kaibigan niya? Handa na siyang harapin ang impyerno. Pero ang mga kaibigan niya, matagal nang nakabaon sa impyerno. Handa na siyang itama ang lahat. Pero magagawa niya ba 'yon, kung pati mismong mga kaibigan niya, mali ang naging desisyon sa buhay?
Ikaw, handa ka na ba?
"Pagsisisihan niyo 'tong ginawa niyo sa'kin! isa-isahin ko kayo, magmula sa taong nagsimula ng lahat hanggang sa taong nagbigay ng matinding pasakit sa'kin!"
Lahat tayo kailangang harapin ang mga pagsubok na para sa atin. Hindi natin pwedeng ipagsa walang bahala ang mga ito.
Lahat tayo ay dapat harapin ang mga kasalanang nagawa natin. Hindi natin pwedeng takasan ang mga ito.
Lahat ng mangyayari sa hinaharap ay dapat nating paghandaan. Hindi natin pwedeng laktawan ang mga ito.
At higit sa lahat... kailangan nating pagbayaran ang mga kasamaang nagawa natin noon, dahil kung hindi... sama-sama tayo'ng magdurusa.
Paano kung dahil sa isang maling desisyon, masira ang buhay niyong mag kakaibigan? Magagawa mo pa kayang mag desisyon, kung ang kamatayan ay nasa harapan mo na?
Papayag ka bang patayin ka nila o lalaban ka sa mga maaaring gawin nila? Tandaan na sa bawat maling desisyon mo ay may mga buhay na nakasalalay.
Ano mag dedesisyon ka pa ba? Kasi kung oo, buhay mo ang nakataya...

BINABASA MO ANG
Mistaken
Misterio / Suspenso©2015 | Brythelei. (Novel) “Everything was just a mistake. All of it was just their stupid mistakes. All of it was just mistaken.”