Chapter 2

2.4K 56 0
                                    

Alyssa's POV

Ang hirap, ang sakit sakit. Ang sakit isipin na yung taong minahal mo ng sobra ay iiwan mo lang. Alam kong hindi maganda yung desisyon ko, pero hindi ko rin masasabi na mali yung desisyon ko. Sobrang sakal na ako kay Kiefer, pagod na pagod na ako kaya minabuti ko munang gawin kung ano ang sa tingin ko'y nararapat sa aming dalawa. Kailangan muna namin dumistansya sa isa't isa. Kailangan namin ng oras para hanapin ang aming mga sarili. Nandito na ako sa dorm siyempre humiga ako agad at umiyak. Then biglang pumasok si besh.

"Besh, okay ka lang? Ba't namamaga 'yang mga mata mo?" si Ella. Wala kasi sila kanina, nag-mall sila, hindi ako sumama dahil yun nga, kinausap ko si Kiefer.

"Uh besh.." di ko masabi sabi dahil paniguradong magwawala yan, magagalit pero malulungkot din 'yan gulo ni besh no? Pero lalo na pag nalaman ni ate Fille, nako presidente ata ng KiefLy achuch yan eh, isama mo pa si Denden. Hay.

"Oh ano na nga besh?" nako naman, naiinis na si madam donya. Pano ko ba to sasabihin.

"Besh, isa ha! Sasabihin mo o hindi."

"BeshWeBrokeUp" mabilis kong pagkakasabi, mukha namang di niya na-gets, okay kumunot na rin yung noo niya. Heto na!

"Ano!!? Hoy Alyssa ha ayusin mo 'yang pananalita mo ha. Di ko maintindihan."

"We broke up besh. We broke up! Break na kami. Wala na kami ni Kiefer" nakita kong gulat na gulat ito

"Besh.. I'm sorry for hearing that." gulat na gulat pa rin ito

"No besh, it's okay." well it's actually not, bumabalik nanaman lahat ng sakit

"Pero gago pala tong si Ravena eh, sabi niya mahal na mahal ka niya at hindi ka niya iiwan!" Ayan galit na siya.

"Besh, wag ka magalit sa kaniya, actually ako yung nakipagbreak. Desisyon ko yun."

"Ano ba yung dahilan, yung kinekwento mo ba dati sa amin?"

"Yes besh, di ko na kasi nakayanan eh sobrang nahirapan na ako. Pagod na ako besh." ayan, traydor talaga 'tong luha na 'to, parang ilog, tuloy-tuloy sa pag-agos

"Shh, stop na besh kung sa tingin mo yun ang makabubuti sa'yo, tama lang ang ginawa mo. Dahil kailangan mo rin ng time para sa sarili mo." ti-nap niya yung balikat ko. haaay, salamat talaga at meron si Ella

"Oh, magpahinga ka na besh, para matigil tigil naman 'yang luha mo, babaha na dito sa kuwarto oh. Joke." ella talaga kainis eh.

"Sige ells, thank you besh ha. Atsaka, paki-kuwento na rin kila ate Fille ha? Baka kasi pag ako nagkuwento magka-iyakan kami."

"Okay besh." then lumabas na siya ng kuwarto para siguro i-kuwento kila ate Fille at sa ibang teammates.

Ella's POV
Naiinis ako para kay Kiefer, Nasasaktan ako para kay Alyssa. Siyempre besh ko yun eh. Minahal niya ng buong buo si Kiefer pero sa ganto din lang sila hahantong, sayang! Nakakahinayang. Eh ship kaya namin KiefLy pero parang lumubog na. Heto bumaba na ako para ikwento sa kanila yung nangyari kay Ly, kararating lang ata nila.

"Guys I have something to tell you." biglang silang humarap sakin lahat.

"Ano yun ate ells?" tanong ni Bea sa'kin pano ko ba to sisimulan

"About Ly kasi." biglang kumunot noo nila, ella naman eh sabihin mo na

"Ella, sabihin mo na kaya!" Den den as usual.

"About Ly at Kief!" sabi ko ng pasigaw.

"Oh, anong nangyari sa ship natin Ella?" Sabi ni Ate Fille.

"Lumubog na!" Sabi ko ng mahina

"Ha? Anong ibig mong sabihin ate?" Bea

"Wala na, Alyssa and Kiefer broke up."

"Ano?!!! Akala ko ba mahal nila ang isa't isa?" sabi ni Ate Fille

"Si Aly nagdecide ate, nakipag break siya kay Kief."

"Nakakahinayang naman silang dalawa, relationship goals kaya silang dalawa." sabi ni besh den, tama naman eh ang perfect nilang tignan

Kiefer's POV

"Anong plano mo ngayon?" si Von, siya unang pinuntahan ko at pinagsabihan tungkol sa nangyari

"Hindi ko alam. Wala na. Hindi ko alam kung paano ko ipagpapatuloy yung buhay ko without Alyssa. She used to be my world. Ngayon wala na." umiiyak nanaman ako sirang sira na tong puso ko hindi ko na kaya.

"Paano ka?" Paano narin nga ba ako? hindi ko alam. Siguro kailangan ko muna magpaka layo layo. Masyadong masakit yung nangyari, parang isang iglap lang bang wala na.

"Siguro gagawin ko na yung matagal ko dapat ginawa nung hindi ko pa nakilala si Alyssa." mahirap pero kailangan

"Sigurado kana ba diyan? Ang dami mong maiiwan kief.. Kiefer pag isipan mo muna ng mabuti." Hindi ko man yung pag isipan ng mabuti pero sa ngayon, ito ang alam kong tamang gawin.

"Oo paps, kailangan ko muna ng oras para sa sarili ko." Nagpaalam na ako kay Von, uuwi narin ako para ipaalam sa pamilya koyung desisyon ko.

Haaay sana tama 'tong desisyon ko. Alyssa mahal na mahal kita.

Starting Over AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon