Chapter 1

3.9K 60 2
                                    

Kiefer's POV

"Kief, I n-need space." nagulat ako sa sinabi niya bakit? bakit niya kailangan yun may nagawa ba akong mali?

"Ly.." mahinahon ko paring sabi sa kaniya

"Kief sorry, pero.. pero kailangan talaga natin ng space."

"Kief sakal na sakal na ako eh, ayoko na."

"Alyssa a-are you b-breaking up w-with me." paputol putol kong sabi sa kaniya

"Kiefer ang hirap hirap na kasi, yung feeling na hindi ko na kilala yung sarili ko dahil feeling ko ikaw na kumokontrol sa akin. Simula nung naging tayo kontrolado mo na buhay ko Kief."

Para akong tinusukan ng maraming kutsilyo dahil sa mga narinig ko, hindi ko naman intention yun eh mahal na mahal ko si Alyssa siya ang buhay ko ayoko siyang mawala sa akin hindi ko kaya.

"But that was not my intention. Ang gusto ko lang ay yung kung ano makakabuti sayo."

Alyssa's POV
Hindi ko na kaya yung tension sa pagitan namin ni Kiefer. Feeling ko anytime mag bre-breakdown na ako.

"But that was not my intention. Ang gusto ko lang ay yung kung ano makakabuti sayo." madiin na sabi niya

"Kief puro kabutihan ko nalang iniisip mo. Iniisip mo ba kung masaya ba ako? Inisip mo ba kung masaya ako sa bawat desisyon na ginagawa mo sa buhay ko, na dapat ako nag d'desisyon. Kief kasi buhay ko yun. Hirap na hirap na ako kief sakal na sakal na ako. Nagiging selfish kana rin sa sarili mo. Minsan Kief mahalin mo rin yang sarili mo wag puro ako." nag break down na nga ako hindi ko na kaya tuloy tuloy na pagtulo ng luha ko.

Kiefer's POV
Oo alam ko naging selfish narin ako sa sarili ko, dahil palagi siya nalang iniintindi ko ako nag d'desisyon palagi sa kanya. Mahal na mahal ko siya hindi ko talaga kaya pag nawala siya sa buhay ko. Hindi ko na alam yung gagawin ko pag nawala siya.

"Ly... intindihin mo naman ako. Aayusin ko to. Gagawin ko lahat para sa atin please, mahal na mahal kita Ly." Patuloy parin siya sa pagiyak ayokong nakikita siya na umiiyak, mas lalo akong nasasaktan. Lalo na't ako pa yung dahilan ng pag-iyak niya.

"Kief ilang beses kitang inintindi, kahit nahihirapan na ako iniintindi parin kita kasi mahal kita pero Kief sobra na eh. Hanggang sa dumating na yung punto na napagod na ako kakaintindi sayo. Kiefer please, ngayon lang ako gagawa ng desisyon sa atin, ngayon lang ako hihiling sayo please.. just let me go." tumakbo na siya paalis pero hinabol ko siya

"Alyssa wait!" nakuha ko ang braso niya at iniharap ko sa akin at niyakap siya ng sobrang higpit naramdaman kong tumutulo na ang luha ko.

"I won't do that.. Ly ipaglalaban ko tong relasyon na to, just give me another chance."

"Kiefer pakawalan mo na ako. A yoko na. Pagod na ako. Suko na ako. Alin ba do'n ang hindi mo maintindihan?" kinakalas niya ang pagkakayakap ko sa kanya pero mas lalo ko pang hinigpitan, kung pwede lang sana ganito nalang kami.

"Ly please naman, nagmamakaawa ako." she kissed me on my lips and said

"I love you, Kiefer... lagi mong tatandaan ha? mahal na mahal kita. Thank you sa lahat ng memories. Good bye Kief." Naiiyak na sabi niya at umalis na

And I was left dumbfounded. Yung babaeng napakaimportanteng babae sa buhay ko.. wala na.. Ang hirap, ang sakit! Kasi kay Alyssa na umiikot ang mundo ko.

"Nasayo na nga, pinakawalan mo pa. Ang tanga mo Kief! Ang tanga tanga mo!" sabay suntok sa pader

Starting Over AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon