Chapter 8

3.8K 63 20
                                    

Denden's POV

Tumawag na si Kief, he said he'll fetch us in an hour, hindi pa rin gising si besh.

"Besh." pag-gising ko sakanya

"Hmm.." she responded

"Besh gising na. May pupuntahan pa tayo." pagkatapos ko sabihin yun ay nakita kong minumulat niya ang kaniyang mata

"Besh?" pagtanong niya pagkadilat ng kaniyang mga mata "Bakit ako nandito? Teka.. Paano ako napadito? Eh sa huling pagkakaalam ko nasa office ako kasi tinatapos ko yung paper works, nag-ot ako hanggang sa nakatulog ako.. Wait.. Teka.. Paano? Ugh. Ang sakit ng ulo ko." dire-diretso niyang tanong. Haay, Alyssa.

"Besh teka, hinay-hinay lang. Uhm, hinatid ka ni ano dito kasi nakatulog ka sa office at sobrang late na." pagsagot ko sa mga katanungan niya

"Sino Besh? Sino nag-hatid sa akin? Para mapagpasalamatan ko naman." Patay, ano sasabihin ko ba.. Pero sabi kasi wag sabihin. Think Denden, think.

"Si ano besh.. Si uh, si K-ki-ki..anna oo tama, si Kianna." woooo~ sana maniwala

"Alam mo besh ang weird mo ngayon." patay, napansin ata

"Alam mo kung ano-ano napapansin mo." sabi ko naman

"Tignan mo nga ang aga mo naligo, eh dati hindi naman." oh sht.. I nearly forgot

"Besh maligo ka na. Susunduin tayo ni sir Kief."

"Huh? Ah eh, bakit daw?"

"Mag-out of town daw tayo, besh sige na maligo ka na."

"Para saan? Saan tayo mag o'out of town? Ilang araw?" daming tanong

"Dami mong tanong maligo kana nga mamaya nandito na si sir Kief." sabay kindat hahaha

"Edi wow, besh. Kindat kindat ka diyan. Lul." sabi niya tapos biglang tumakbo sa cr

Fille's POV

Tinawagan ako ni Den kanina. Nkklk si Kief biglaang outing ang nais. Tapos na rin ako mag-ayos hinihintay ko nalang si Ella para sabay kami pumunta sa condo ni Den, doon daw kami susunduin ni Kief. Hm, anong pakulo kaya 'to ni Kief?

*phone ringing*

"Hello."
"Sige lalabas na ako."

Si Ella, sinabing nasa labas na siya ng bahay, labas na daw ako para diretso na kami kay Den.

Alyssa's POV

Ano naman kayang pumasok sa isip ni Kief at nagtawag ng biglaang out of town? Tapos na ako mag-ayos, pinahiraman ako ni Den ng mga damit niya, hindi naman siguro kami mag-tatagal do'n. Si Den, nag-aayos palang, nauna pa ako, ang bagal kasi kumilos eh.

May nag doorbell na baka sila Ate Fille at Ella na siguro 'to, sabi kasi ni Denden anytime pupunta yung dalawa dito kasi dito kami susunduin ni Kief.

In-open ko na yung door, sila nga.

"Ly!" si ate Fille, akala mo naman ilang buwan kaming di nagkita kung makasigaw.

"Ate ang aga-aga ang lakas ng boses mo." kunwari naiirita ako pero natatawa talaga ako.

"Meron ka ba ngayon at ang sungit mo?"

"Hoy wala ah."

"Oo nga pala, bakit di ka sumabay sa amin sa pagpunta dito?"

"Ah dito kasi ako natulog, nakatulog ako sa office kagabi, sabi ni Den dinala daw ako ni Kianna dito."

"Ah buti nabuhat ka niya?" and we all laughed. Nga naman.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 12, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Starting Over AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon