Chapter 2

42 2 0
                                    

Maingay at maraming nag-iinoman. May sumasayaw na rin sa dance floor at yung iba naman ay nakikipagmaking-out.

Iyan ang sumalubong sa akin pagpasok ko sa loob ng bar. Umuwi na ba ako? A big NO. Ano naman gagawin ko dun sa bahay? Magkukulong sa kwarto?

Naglakad na ako at lumapit sa grupo ng mga kababaihan na may kaflirt.

"Zia!!!" Sigaw ni Venus ng makita niya ako. Umupo na ako at saka kinuha yung baso na may alak.

"Galing ka pa sa school niyo?" Tanong ni Andrea and I just nod at ininom ko na yung alak.

"What? So it means hindi ka pa nagdinner? My god Zia! Ilang beses na kitang sinabihan na bawal kang uminom kapag hindi ka pa nakakain!" I just rolled my eyes sa sinabi ni Andrea. She act like my mother.

Nagulat na lang ako ng tumayo sila at hinila ako bigla.

"What the?! Kakarating ko lang ah." Sabi ko at sinubukang alisin ang aking kamay na hawak ngayon ni Andrea ngunit ang lakas niya.


"Bakit ba kasi ang kulit mo Zia? Paano kung magkasakit ka niyan?" Tanong ni Venus habang dala-dala ang aking bag.


"I can take care of myself kahit na magkasakit man ako! I'm not a child!" Sabi ko ngunit hindi parin sila nakinig hanggang sa narating namin ang parking lot.

"Venus, use her car. Sa akin siya sasakay?" Sabi ni Andrea at tumango naman si Venus at lumapit na sa aking car.

"Venus Vergara, huwag na huwag mong pakialaman ang kahit anong bagay diyan!!" Bilin ko sa kanya at ngumiti lang siya. Ngiti ng isang evil witch.

Hinila naman ako ni Andrea at itinulak papasok sa loob ng kanyang sasakyan.

"Why the hell you push me?!" Tanong ko sa kanya ngunit tahimik lang siya. What now? Ano ba ang problema nito? Kanina ang saya-saya ngunit naging tigre na lang bigla. "Care to tell me what's your problem Andrea?"

"You! You are my problem! Pinapayagan kitang uminom kahit na hindi dapat ngunit ito! Damn Zia! Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Bakit hindi ka muna umuwi at kumain ha?!" Hindi na lang ako nakipagtalo sa kanya dahil alam ko na kapag ganitong galit na siya, matatalo lang ako.


You want to know who are they? They are my bestfriends since the day I decided to be a bad girl. Sa aming tatlo, ako yung pinakabata kaya ganyan sila sa akin. This girl beside me is Andrea Briones and the girl who's now driving my car is Venus Vergara. Their fathers and mine are bestfriends kaya naman kapag nasa ibang bansa ni daddy kagaya ngayon, sila ang nagbabantay sa akin.



Narating na namin ang aming bahay at hila-hila parin ako ni Andrea. Sumalubong sa amin ang mga kasambahay namin at sabay kaming binati. I just nod at them at pabagsak na umupo sa sofa ng binitawan na ni Andrea ang aking kamay.

"Manang, nakahanda na po ba yung hapunan? Pakainin niyo na po tu at huwag niyo pong palabasin ng bahay." Sabi ni Andrea na nagpagulat sa akin.

"What did you say? I am not allowed to go out? I don't want to stay here!!!!" Para akong batang pinagbawalan sa isang bagay at hindi man lang ako pinansin ng dalawa. Lumabas na sila ng bahay without saying goodbye.

"Kumain ka na iha." Sabi ni manang at tiningnan ko silang lahat ng masama.

"Ayaw kong kumain!!!" Sigaw ko at saka umakyat. Pagbukas ko ng pinto sa aking kwarto ay agad akong umupo sa aking bed at niyakap si teddy. They can't imprisoned me here even if it is just for tonight! I want to go the bar!

Nagring yung phone ko and without checking who's the caller, I answer it.

"Hello anak."

"Yes dad."

"Zia, just stay in our house muna ha. Kahit ngayon lang wag kang magbar." Sabi ni daddy sa kabilang linya.

"But daddy---"

"Zia..." Nagbabanta na ang boses ni daddy kaya wala akong nagawa kundi mag-"yes" kahit na hindi bukal sa aking loob.

Arrrggghhh!!! I hate this! Porket hindi lang ako nakakain ay bawal na akong mag bar? Where's my freedom now???!!!!




>>>>>><<<<<

Vote
Comment
Follow

Protecting The Bad PrincessWhere stories live. Discover now