Chapter 8

25 0 0
                                    

Day 1

Zia's POV

"Good morning manang." Bati ko kay manang ng makita ko siya sa may kusina. Umupo na ako at saka nagsimulang kumain. Ilang minuto lang din ay dumating na si L at umupo sa aking harap. Nagpatuloy lang ako sa pagkain at kumain na rin siya.

Malapit na akong matapos ng magsalita siya.

"Did you cry?" Hindi ko sinagot yung tanong niya. Bahala siya sa buhay niya. Pagkatapos niya akong pagbawalang lumabas. "Look I'm sorry ok?"

"Huwag kang magsorry kasi sinadya mo naman." Nagulat ako sa aking sinabi at lihim kong pinagalitan ang sarili. Nagtaas ako ng mukha upang tingnan ang kanyang reaksiyon at mas lalo lang akong kinabahan ng makita ko sa kanyang mga mata ang pagkagulat at pagtataka. Bago pa siya magtanong ay tumayo na ako at lumabas ng kusina.

Damn this mouth. Mura ko sa aking sarili. Pumunta ako sa may pool at nakasalubong ko ang ibang mga bodyguards. I just smile at them at umupo sa gilid ng pool. Tumingala ako sa langit at napangiti sa aking nakita. Parang ang tahimik lang ng kalangitan.

"Iha, nandito ka lang pala." Narinig kong nagsalita si manang at lumingon sa kanya. Lumapit siya sa akin at binigay ang phone. "Gusto kang makausap ng daddy mo." Sabi niya ng makitang kumunot yung noo ko.


"Hello daddy."

"Hello baby. Where are you now?" Tanong ni daddy.

"Nasa pool po dad." Narinig kong bumuntong hininga si daddy.

"Zia, don't use your phone muna ha. Turn it off."

"Bakit po daddy?"

"Someone told me that David is tracking you know." David? Yan ba ang pangalan ng kalaban ni daddy? "Mag-iingat ka baby ha. I promise na mahuhuli rin siya."

"Ok po dad." I said at binigay ko na kay manang yung phone. Tumayo na ako at bumalik sa loob. Umakyat ako at tinungo ang aking kwarto ngunit nagulat ako ng pagbukas ko ay nakita ko si L na hawak ang aking phone.

"Bakit hawak mo ang phone ko?!" Tanong ko sa kanya at binawi yung phone ko.

"Pinatay ko lang. Utos kasi ng daddy mo." Sagot at tiningnan ko siya ng masama. Nilagay ko yung phone sa drawer at saka tumalikod.

"Saan ka pupunta?"

"Sa pool!" Sagot ko at handa ng lumabas ng pinigilan niya ako.

"Dito ka lang sa loob at baka may makakita pa sayo."

"But I want to swim!!!" Sabi ko sa kanya and he takes a deep breath. Mula sa braso ay bumaba ang kanyang hawak sa aking kamay at saka ako hinila. "Saan mo ako dadalhin?!"

"Sa pool ngunit babantayan kita." Sabi niya without looking at me. Dahil nasa huli ako, napatingin ako sa aking kamay na hawak niya. Bakit ganito ang nararamdaman ko?

Narating namin ang pool at saka pa niya ako binitawan. Umupo siya sa may chair at hinubad ko na rin ang aking robe and I start swimming. Pumunta ako sa other side at tumingin sa pwesto niya. Nakita ko siyang tumayo at napalunok ako ng maghubad siya ng shirt at nagsimulang maglangoy papunta sa akin. I mean sa pwesto ko. At dahil hindi pa ako nakaget over, namalayan ko na lang na nasa tabi ko siya.

"Bakit ang maldita mo Belle?" Tiningnan ko siya ng masama ngunit bigla ring kumunot ang noo ko ng magsink sa aking utak ang tinawag niya sa akin.

"Belle?" Takang tanong ko sa kanya ngunit ngumiti lang siya. Inirapan ko siya at saka umupo sa gilid ng pool. Umupo rin siya sa tabi. Tsk.

"Alam mo Belle, dapat bawas-bawasan mo na yang masamang ugali mo para naman magkaroon ka na ng boyfriend."

"I don't need a boyfriend." Sagot ko sa kanya. Umiling lang siya at nanahimik.

"Do you use gun?" Tanong ko sa kanya ng hindi ko na matiis ang katahimikan.

"Yes. I was in fourth year high school ng matuto akong gumamit ng baril." Tumango lang ako at saka nagsimulang lumangoy patungo sa kabilang side. Umahon na ako at sinuot yung robe. Umahon na rin siya at saka kinuha ang kanyang shirt. "Let's go." Sabi niya at saka nagsimulang maglakad. Sumunod ako sa kanya at napatingin sa kanyang likod. Nagulat ako ng makita ang dalawang scar.

Fourth year. After a year. Napailing ako sa aking naisip. Bakit ko ba yun iniisip?


Napatingin ulit ako sa scars niya. Saan niya kaya yan nakuha?

"Any problem?" Tanong niya ng humarap siya sa akin. Umiling lang ako at saka inunahan siya sa paglalakad.

>>>>>>><<<<<<<

Shirtless Jevi Luke.

Protecting The Bad PrincessWhere stories live. Discover now