Chapter 6

23 1 0
                                    

"Zia, I said open this door!" Nandito ako ngayon sa bahay ng taong kailangan kong protektahan at tama kayo ng nabasa. Si Zia ang poprotektahan ko. Nang malaman ko ito kanina, gusto kong magbackout. For pete's sake! Paano ko pakikisamahan ang babaeng ito?


"I'm sleepy Andrea. Just open that door." Sagot naman ni Zia sa loob. Kanina pa kami nandito sa harapan ng pinto ng kanyang kwarto ngunit hanggang ngayon ay hindi niya parin kami pinagbuksan. At ang reason niya, dahil inaantok pa siya! Hindi lang pala tu maldita, tamad rin!


"Zia, you will open this door o sisirain ko ito ngayon." Banta ni Andrea at bigla na lang bumukas ang pinto. Napalunok ako ng makitang naka short lang siya at spaghetti shirt. May yakap rin siyang isang malaking teddy bear. She looks like a child pero bakit ang hot niya? Lihim kong namura ang aking sarili dahil sa naisip ko.


Tumingin siya sa akin at bigla na lang sumara yung pinto. Ano na naman bang problema niya?

"Bakit mo sinara ang pinto?" Gulat na tanong ni Venus.

"Sa sala na kayo maghintay. Bababa na ako." Sabi ni Zia at tumingin ang dalawa sa akin.

"Sorry for that Luke. Let's go." Sabi ni Andrea. Tumango lang ako at sumunod sa kanila. Umupo na kaming tatlo sa sofa at hindi nagtagal ang bumaba naman si Zia. Ngayon ay nakasuot na siya ng robe.

Umupo siya sa isang chair at tiningnan ako ng masama. Dinedma ko lang siya.

"Bakit nandito yan?" Tanong niya refering to me.

"Siya ang magiging personal bodyguard mo Zia." Sabi ni Andrea na nagpagulat sa kanya.

"Siya??? Bodyguard ko?? No way!" Sabi niya with matching turo sa akin.


"Wala ka ng magagawa Zia kasi iyan ang sabi ng Daddy mo." Sabi naman ni Venus. Bakit itong mga kaibigan niya mababait siya hindi?

"But daddy said na ang bodyguard ko ang magproprotect sa akin. Eh sa taong ito, baka siya pa ang pumatay sa akin." Sabi ni Zia at tumingin sa akin. Dahil sa hindi na ako nakatiis, nagsalita na ako.



"Talaga lang ha? Baka ako pa yung mapatay mo, sa taas ba naman ng sungay at buntot mo?" Sabi ko at tumingin rin sa kanya. Narinig kong tumawa ng mahina yung dalawa ngunit hindi naman maipinta ang mukha ni Zia. Akala niya siguro nakakalimutan ko na ang kasalanan niya.


"What did you say?!" Sabi niya at napatayo.

"Bingi."

"Hindi ako bingi!!"

"If you're not, bakit tinatanong mo pa kung ano yung sinabi ko?" Akala niya siguro magpapatalo ako? Tumalikod na siya at saka umakyat ng hagdan.

"Zia, don't be rude." Sabi ni Andrea ngunit nagpatuloy lang siya hanggang sa makapasok siya sa kanyang kwarto.

Tumayo ang dalawa at nagpaalam na kakausapin daw muna nila si Zia.

Naiwan akong mag-isa hanggang sa may dumating na katulong. Medyo may katandaan na rin siya.

"Pagpasensiyahan mo na si Zia iho ha. Mabait naman yun." Sabi ni manang. Yun mabait? Saang banda? Kahit na hindi ako naniniwala, ngumiti lang ako kay manang. Nilapag niya sa maliit na mesa yung inumin at pagkain at saka bumalik sa kusina.

Umiinom na ako ng juice ng bumaba sina Andrea at Venus.

"Sorry sa inasal ni Zia Luke ha."

"Ok lang. I think I can handle her." Sabi ko sa kanila. Hinding-hindi ako papatalo sa ugali niya.

"Tumawag pala si tito at sinabi niya na dito ka na daw tumira simula ngayon. Ipapadala na lang daw ng papa mo yung mga gamit at damit mo." Kahit naguguluhan, I just nod at them.

"May tiwala kami sayo Luke." Sabi ni Venus at nagpaalam na sila. Tiningnan ko ang wristwatch and it says na 9:28 na. Wala bang planong kumain ang babaeng yun?

"Iho, samahan na kita sa magiging kwarto mo." Nagulat ako ng may magsalita at nakita ko si manang kasama ang apat na lalaki na may dalang malita at boxes. Siguro ito na yung mga gamit ko. Tumango lang ako at sumunod kay manang.

Binuksan ni manang yung pinto ng kwarto na katabi ni Zia. Pumasok ako at sumunod naman yung mga lalaki.



"Kailan namin aayusin ang mga gamit mo iho?" Tanong ni manang at umiling lang ako.

"It's ok na manang. Ako nalang po ang mag-aayos." Sabi ko at nagpasalamat sa kanila bago sila lumabas ng kwarto. Tiningnan ko buong paligid ng kwarto. Maganda siya. Kasing laki rin ito ng kwarto ko.


*boogggssshhh*

Nagulat ako ng marinig ang isang ingay na nagmula yata sa isang pinto. Nilapitan ko yung pinto at binuksan, iyong bukas na pwede ka ng makasilip. Bumungad sa akin ang kulay pink na room na maraming stuff toys.


"Ouch." Napalingon ako sa isang banda ng room at nakita ko si Zia. Gusto kong matawa sa aking nakita. Nakaupo siya at maraming libro ang nakalatag sa sahig at may isa pang libro na pumatong sa kanyang ulo.

Narinig kong bumukas yung pinto sa kanyang kwarto at lumapit sa kanya si manang.

"Hahaha. Anong nangyari sayo iha?" Natatawang tanong ni manang. Nag-expect ako na sisinghalan siya ni Zia dahil sa pagtawa ngunit nagulat ako ng biglang nag-iiba yung expression niya.

"Ewan ko po yaya. Bigla na lang nahulog yung mga libro. May masamang kaluluwa kasi ang nakapasok dito sa baha." Sabi niya at nagpout pa.

Sinara ko na yung pinto at saka nagsimulang mag-ayos. Habang nag-aayos ako ng aking mga gamit, hindi ko mapigilang mapangiti. So the bad princess is also a clumsy princess ha.



>>>>><<<<<

Vote
Comment
Follow

Protecting The Bad PrincessWhere stories live. Discover now