#2 - Weird

533 14 0
                                    


Pagkatapos ng ilang oras na pagtambay namin sa TILOffee nagkanya-kanya nanaman kami dahil may mga personal things pa daw silang dapat asikasuhin at nangunguna talaga dun si Krys. Sinabihan niya rin ako na bukas na ang start ng registation para sa sasali sa Mr & Ms. TILOFIL kaya heto ako at nananalangin na sana magkita kami ni Alex ngayon.


Pagtingin ko sa relos ko 11:11 A.M na pala pero ang mas pinagtataka ko, himalang hindi man lang ako tinatablan ng gutom. I mean magla-lunch na pero kahit breakfast hindi pa ko kumakain. Ganito ba yung epekto ng stress?


Dahil hindi ko naman alam kung saan ako pupunta naglakad-lakad na lang ako kung saan man ako trip dalhin ng mga paa ko. Hanggang sa makarating na lang ako sa main ground ng school kung saan inaayos na yung stage, mga booths, at mga rides saka ko din napansin na nandun na pala si Krys. Pero imbis na guluhin ko pa siya nagpatuloy na lang ako sa paglalakd-lakad at sobrang na-appreciate ko talaga yung laki ng pinagbago ng event this year dahil sa ayos at linis ng gawa kahit hindi pa talaga siya totally tapos.


Naglakad-lakad pa ko palibot sa ground hanggang sa mag vibrate yung phone ko at saka ko lang naramdaman yung pagod kaya naupo muna ako sa isa sa mga benches na malapit sa'kin. Serously, wala pa ko sa kalahati pero feeling ko puputok na lahat ng ugat ko sa paa.


Pagbukas na pagbukas ko pa lang ng phone ko parang may kung ano ng sumapi sa katawan ko nung makita ko kung kanino galing yung text at kung anong nilalaman nun. Fvck! ganito na ba ako ka desperado sa contest na yan?


I'm free now. Gym.


Matipid niyang reply, ano pa nga bang aasahan ko sa taong yun? buti nga nagreply pa kaya dapat maging thankful pa ko. That's how our system works.


'Okay wait for me baby ;)' reply ko and I know idedelete niya lang yun agad katulad nung ginawa niya before at sa harap ko pa. Hah! that bastard.


Dahil mahalaga bawat oras, wala na kong inaksaya pang oras at lakad takbo na kong pumunta sa Gym. Besides, kaylangan kong umuwi sa dorm later para tumulong mag bake ng cupcakes para sa booth na pinagtulong-tulungan naming pito. 


Habang naglalakad ako papuntang gym hindi ko naman napigilang alalahanin uli kung paano ko nakilala si Alex at kung bakit ko siya nakapartner sa Mr & Ms. TILOFIL. 



"Huhuhu! hindi ko talaga matanggap na tinurn down niya ko sa harap ng babaeng yun!" iyak ko sa harap ng anim kong kaibigan na halata namang pigil na pigil yung mga tawa nila. Mga bwisit talaga napaka supportive nilang mga kaibigan. 


"Pfft. Nickie wag ka ng umiyak dito- I mean pinagtitinginan na tayo oh! hindi mo ba kayang pigilan yang luha mo hanggang sa dorm?" halos pabulong na sabi ni Nikka habang inabutan naman ako ni Ashley ng bottled water.


Bwisit naman kasi yung lalaking yun  masyadong paasa! akalain mo yun isang dyosa na nga yung lumalapit sa kanya siya pa yung choosy? all this time nagpapakatanga lang pala ako sa isang kasinungalingan na may gusto siya sa'kin at talagang plinano pa nila ng shokoy niyang girlfriend. Pag ako talaga naging presidente papatapon ko sila ng sabay sa North Korea ng magera sila don. Pasalamat talaga silang dalawa na naligaw sila sa Elite Family kundi paglilinisin ko talaga sila ng CR sa likod ng gym gamit yung mga bunganga nila. 

TILOFIL HIGH [COMPLETED]Where stories live. Discover now