[Nickie's POV]
Ang bilis talaga ng panahon, akalain mo yun february na agad? at isa lang ang ibig sabihin nun. It's TILOFIL High Month! Eto talaga yung pinaka favorite event na gustong-gusto ko eh. Bukod kasi sa isang buwan walang pasok, isang buwan ding hayahay ang buhay, isang buwan puro shopping, and most especially isang buwang puro landian.
"Nickie!" tawag sa'kin mula sa likuran kaya napalingon naman ako agad.
"Nikka!" ganting tawag ko at nag-wave pa kaya agad naman siyang naglakad palapit sa'kin.
Paglapit niya nagbeso-beso naman kami, biglang nagkakatigan ng ilang segundo, at biglang nagtawanan. Sa halos apat na taon naming pagkakaibigan kahit araw-araw pa naming ginagawa 'tong katangahang 'to para bang hindi nakakasawa at laging bago sa feeling.
"Hoy ano ba! mukha na tayong tanga kakatawa dito!" natatawang sabi ni Nikka sabay hampas sa'kin kaya hinampas ko din siya agad. Bwisit bakit ba ang bigat ng kamay ng babaeng 'to?
"Ang sakit mo namang manghampas! at isa pa wala silang pakielam kung tumawa pa tayo maghapon dito, sa tagal na nating nagmumukhang tanga ngayon ka pa ba mahihiya?" irap ko na kinailing niya lang saka kami nag-umpisang maglakad-lakad.
Hindi ko man alam kung saan kami pupunta pero nung makita ko na yung path na dadaanan namin alam na alam ko na agad kung sino at saan kami pupunta. Sino pa nga ba? edi yung pinakabusy naming kaibigan! hindi ata kumpleto yung araw na wala siyang ginagawa malapit niya na ngang madaig yung mga nagtatrabaho dito eh.
TILOffee
Diyan siya palaging tumatambay. Bukod kasi sa pagiging coffee lover niya, diyan na rin siya nakakahanap ng katahimikan lalo pa't kaylangan niya yun bilang isang faculty member na may hawak ng Student Council. Sa mga panahong ganito nga siya busy'ing-busy kaya minsan lang namin siyang makasama nung mga nagdaang araw at paniguradong sa dadaraan pang mga araw.
Nasa labas palang kami kitang-kita na agad namin kung nasaan siya at kung makikita niyo rin siguro yung lagay niya ngayon baka babagsak din ang balikat niyo. Mula kasi sa kinatatayuan namin, kitang-kita na agad yung tambak at nakakalat na mga papel sa lamesa niya at ang lagay niya? ayun at tulog na tulog.
"Ugh! Naaawa na talaga ako kay Krys." iiling-iling na bulong ni Nikka na kinatango ko naman.
"Anong gagawin natin?" tanong ko naman nung naglalakad na kami papasok ng coffee shop. Buti na lang talaga konti lang yung tao ngayon!
Nang makarating na kami sa pwesto ni Krys, dahan-dahan naman kaming naupo sa vacant seat kasi baka magising pa namin siya. Grabe nakaka-antok naman pala talaga dito sa pwesto niya!
"Alam ko na! hayaan na lang muna na'tin siyang matulog and for the mean time kontakin na natin yung iba na pumunta na lang dito. Sila na lang kamo mag-adjust kundi kukurutin ko talaga mga singit nila!" pabulong na sabi ni Nikka kaya napatango naman ako at nilabas yung phone ko.
YOU ARE READING
TILOFIL HIGH [COMPLETED]
De TodoDedicated para sa couple na nanalo nung Mr & Ms TILOFIL 2015. Congrats Nickie and Alex