#3 - Registration

407 15 0
                                    


"Anak ng tokwa naman! bilisan niyo kaya diyan. Ang bigat bigat nitong dala ko baka naman ka ko nahihiya na kayo." irap ni Doreena habang bigat na bigat na sa hawak niyang box na halos kasing laki ng kalahati ng katawan niya. Kasalanan ba namin ang liit niya?


Kasalukuyan kasi naming sineset-up yung booth namin dahil maya-maya lang mag-uumpisa na talaga yung event at magdadagsaan na rin yung mga estudyante. Anong oras na rin kaming nakatulog dahil sa pagbebake ng 300 cupcakes at feeling talaga namin kukulangin 'to dahil sa bagong pakulo namin ngayong taon. Syempre wala namang thrill kung simpleng pagbebenta lang ng cupcake diba?


"Magtiis ka diyan! binreak mo kasi si dugong ayan tuloy wala ka ng tagabuhat." sigaw ni Ashley mula sa taas na nagkakabit ng iba't-ibang koloreto para sa booth namin.


At dahil nabanggit niya si dugong, hindi nanaman namin mapigilang matawa idagdag mo pa yung mukha ni Doreena na mukhang pinagkaitan ng langit at lupa. Sa totoo lang hindi naman naging sila ni dugong, binasted niya kasi yun pagkatapos niyang pakinabangan kaya ayan at panay asar ang natatanggap niya kila Ashley at Nikka na alam na alam ang istorya nila.


"Whatever!" mataray niyang sagot pagkalapag niya nung box sa lamesang kakaayos lang namin.


"Hi girls!" dahil sa pamilyar na boses eh, sabay-sabay pa kaming napalingon sa likuran at ng makita namin kung sino yun agad namang lumawak yung nakabusangot na mukha ni Nikka kanina.


"Babe!" sigaw ni Nikka saka nagtatakbo palapit kay Hongbin. Eww!


Nang makalapit siya kay Hongbin agad naman silang nagyakapan na para bang walang nakatingin sa kanila. Kung magyakapan naman akala mo hindi magkasama kahapon ayan tuloy pati yung dalawang lalaking kasama ni Hongbin halatang nandidiri din sa nakikita nila.


"Nakakadiri wait- di ko matake! tatawagan ko din yung babe ko." sabi ni Rica at umaakto pang may dinadial sa phone niya.


"Oy gaga! wala kang babe wag kang assuming!" sigaw nanaman ni Ashley sa taas kaya pilit na pilit nanaman yung tawa ko. Delikado 'to baka sa iba na lumabas!


"Sabi ko nga eh!" sabay balik niya nung phone niya sa bulsa niya.


Bigla ko nanaman tuloy naalala si Alex, nasaan na kaya yun? sabi niya kasi dadaanan niya daw ako dito para sa registration ng Mr & Ms. TILOFIL mamaya. Naaawa nga ko sa nilalang na yun kasi kaninang madaling araw kung saan saan na nagtatakbo dahil sa sobrang pagkabusy niya pati na rin si Krys na bumisita lang saglit dito para tumulong pero mamaya-maya aalis na din siya.


"Mukhang pinaghandaan niyo talaga yung booth niyo ngayong taon ha? pero ano yung nabalitaan kong pasabog niyo daw?" tanong ni Hongbin na naka-akbay kay Nikka.


Pero bago namin siya sagutin hinintay na muna naming bumaba si Ashley dahil tapos nanaman talaga yung ginagawa niya at yung mismong booth. Ang cute talaga ng booth namin!


Pagkababang-pagkababa ni Ashley, nagsihilera naman kaming pito kasama si Nikka na umalis talaga sa pagkaka-akbay sa boyfriend niya. Ang dami na rin kasing mga estudyante ang naglilibot-libot sa mga booth kaya agaw atensyon naman kami ngayon lalo pa't ngiting-ngiti kaming humarap sa mga tao.

TILOFIL HIGH [COMPLETED]Where stories live. Discover now