#4 - First Kiss

419 17 0
                                    



"Waah! Alex ayoko ng ganito. Hindi ko kaya 'to!" reklamo ko na parang bata habang pinapakita sa kanya yung mga pose na gagawin namin. 


"Tss." sagot niya lang. Wow nemen!


Ngayon kasi yung photoshoot para sa Mr & Ms. TILOFIL. Sa totoo lang kanina lang din pinaliwanag yung theme ng shoot at gulat na gulat talaga ako nung sinabi nung photographer kasama ng secretary niya kanina na sexy and something daring daw yung concept ng shoot. Gusto ko nga sanang magback-out na lang lalo na nung nakita ko yung sarili ko sa pinasuot nilang damit sa'kin. 


Lalo naman akong nanlumo nung binigay nila sa'min yung picture ng pinaka highlight daw ng pose namin ni Alex. Yun yung gagayahin naming mga pose mamaya pag turn na namin sa ngayon kasi sila Czarina at MarkLoyd yung nakasalang sa studio tapos nung sinilip ko sila mula sa bintana ng dressing room namin, napakagat-labi na lang ako kasi ang galing nilang pumose kahit na halos wala na silang suot. Grabe hindi ba sila nahihiya?!


Eh, ako nga halos maiyak na dito dahil sa suot kong longsleeve na hindi naman natatakpan yung buong tiyan ko. Tapos yung pambaba ko parang underwear na talaga pero sabi nung stylist kanina hindi pa daw yun underwear parang kakambal daw siya ng pempem shorts pero mas pinaiksi lang. Ang dami dami niya pang pinaliwanag eh, mukha parin naman siyang panty! buti na lang naka-bathrobe ako ngayon at ganun din si Alex. 


Speaking of Alex, hindi ko pa nakikita kung anong suot niya mamaya. Kyah! wag naman sanang katulad ng kay Markloyd ngayon na topless talaga tapos parang nakaboxer shorts lang siya- Ay ewan! ayoko ng mag-isip!


Maya-maya pa may biglang kumatok ng tatlong beses atsaka pumasok na babaeng nakasalamin at sa pagkakatanda ko siya yung secretary nung photographer kanina. "XeNa couple? be ready!" sabi niya at bigla na lang lumabas. 


"Huhuhu! ateng stylist bawal na po ba talagang magback-out? Oh kaya pakiusapan na lang- Ano ba Alex bitawan mo ko! Help-" 


"Shut up or else-"


"Okay na! Okay na! tatahimik na po, eto naman masyadong seryoso." irap ko at nauna na sa paglalakad papuntang studio. 


Pagdating namin doon naabutan pa namin sila Czarina at Markloyd na sinusuot na uli yung bathrobe nila. Pero ang mas nakakagulat eh, yung si Markloyd yung nagsuot ng bathrobe ni Czarina at biglang hinawi yung buhok na nakaharang sa mukha nito. Playing dirty eh? 


Nakalimutan ko palang banggitin na may points din hanggang dito sa photoshoot, hindi lang sa good performance na ipapakita namin sa photoshoot kundi pati na rin yung pagdadala namin as couple. Kaya hindi ko naman sila masisisi kung ganyan sila pasalamat na lang sila hindi pa kami nakakapagwarm-up ni Alex.


"Nickie!" tawag sa'kin ng pamilyar na boses mula sa likuran kaya napalingon naman ako agad.


Hala! anong ginagawa niya dito? "Krys!" ganting tawag ko saka ako lumapit sa kanya.


Nang makalapit ako sa kanya saka ko lang napansin na kasama niya pala si Kuya Alexies at mukhang kakagaling niya lang sa booth namin dahil naka-costume pa'rin siya. Aish! namiss ko tuloy suotin yung akin. 

TILOFIL HIGH [COMPLETED]Where stories live. Discover now